Refresh lang po...
Glaiza as Wena
Rhian as Dylan
Carla as Ceanna
Marian as AndyINT CONDO
Nilalakbay ni Ceanna ang kahabaan ng hallway patungo sa kanyang condo unit habang hinahanap ang susi ng condo sa kanyang bag.
Natigil siya sa paglalakad ng makita ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa labas ng kanyang condo, si Dylan!
Napangiti siya.
CEANNA: Ako ba ang hinahanap mo? (wika niya nang sandaling kakatok na sana si Dylan)
May lambing sa boses niya habang sinasabi inyo. Nilingon ni Dylan si Ceanna.
Para bang sandaling natigil ang pagikot ng mundo ni Dylan nang makita si Ceanna. Napaawang ang kanyang labi dahil sa gulat.
Ilang taon na rin silang hindi nagkita. At ngayon nasa harapan niya na ulit dating kasintahan.Parehong napako ang mga titig nila sa isa't isa.
CUT TO:
INT RESTO - CONTINUOUSCEANNA: Hmmm, Kamusta ka na? Ang tagal din natin hindi nagkita. (anya at ngumiti)
DYLAN: 12 years (sabi nito at tumango tango)
Kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant malapit lang sa condo ni Ceanna. They both need time to each other.
CEANNE: Bilang na bilang mo pala? (sabay uminom ng konting juice sa kanyang baso)
DYLAN: Ikaw? Ikaw ang kamusta? Wala akong narinig sayo simula ng umalis ka.
Ngumiti si Dylan at masuyong tinitigan si Ceanna habang sumusubo ng konting ulam.
CEANNA: Ayos lang naman ang buhay, may maliit na negosyo. Matagal din akong nanirahan sa Canada. Nakahanap kase ako ng trabaho doon kaya nagdecide akong manatili doon. Balita ko kasal ka na at may anak ka na daw? (bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo at nginitian si Dylan)
DYLAN: Paano mo namang nalaman?
CEANNA: Old friends. So kamusta ang buhay ng may asawa?
Bumakas ang kuryosidad sa boses ni Ceanna. Nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang hinihintay ang sagot ni Dylan.
DYLAN: Ayos lang naman. Ikaw May asawa ka narin ba at pamilya?
Napangiti lamang si Ceanna sa tanong ni Dylan...
CEANNA: Wala akong asawa. (at umiling)
DYLAN: Bakit naman? (puno ng pagtatakang tanong nito)
Nagangat ng tingin si Ceanna. Nagtama pareho ang kanilang mga titig. Ngumiti siya.
DYLAN: Gusto kong malaman kung bakit di ka sumipot sa kasal?
Napawi bigla ang ngiti sa labi ni Ceanna. Sumeryoso ang mukha ni Ceanna at halatang nagulat sa kanyang narinig.
CEANNA: Dylan, matagal na yon! (she sounded cool)
DYLAN: Gusto kong malaman kung bakit? (mariing sabi nito)
Umukit ang inis at galit sa mukha ni Dylan, para bang ang lahat ng sakit na dinulot ni Ceanna ay bumalik ulit. Pilitin nya man itago iyon ay kitang kita parin sa kanyang mga mata.
CEANNA: I'm sorry but i have to go. It was nice meeting you again Dylan.
Mabilis na tumayo si Ceanna. Umalis siya at iniwan si Dylan. Hinabol siya ni Dylan. Ngunit huli na para kay Dylan. Nakasakay na si Ceanna ng taxi. Hindi parin nagpapigil si Dylan, sa halip na sumuko ay hinabol niya si Ceanna at pinuntahan ulit sa condo.

YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
FanfictionThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...