INT HOWELL'S HOUSE - CHRISTENING DAY
Simple lang ang hinanda nina Wena at Dylan sa christening ng kanilang Junjun. Tanging ang pamilya lamang nila at mga malalapit na kaibigan ang dumalo.
CHYNNA: Kamusta ang inaanak ko? (ngiting ngiti siya habang lumalapit kay wena. Halatang excited rin ng makita si Junjun) pwedeng pakarga?
WENA: Oo naman ikaw pa, (marahang ibinigay ni wena si Junjun sa mga kamay ni Chynna)
CHYNNA: Ang cute cute naman nitong inaanak ko. Hmmm! (bakas sa boses ni Chynna ang panggigil sa bata) dito ka muna sa akin ah, medyo busy pa si mommy.
WENA: sigurado ka bang okay lang sayo na diyan muna sayo si Junjun?
CHYNNA: It's my pleasure. No need to worry.
WENA: Salamat ah, sige kailangan ko kase pumasok upang tulungan sila sa paghahanda ng mga iba pang pagkain.
CHYNNA: Go ahead take your time (ngiting sambit nito)
Pumasok si wena sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Napansin naman agad ni Dylan na buhat buhat ng kanyang bestfried si junjun. Nilapitan niya ito.
DYLAN: abah, pwedeng pwede ng magkababy(kantyaw nito sa kaibigan)
CHYNNA: Ulol!, wala ngang jowa, baby pa kaya.
Tumawa silang pareho.
DYLAN: Kaya nga maghanap ka na ng mapapangasawa. (anya)
CHYNNA: Hay naku wala pa sa plano ko yang mga ganyang bagay na yan. At saka okay naman ako kahit walang syota. Di baby? (at tinignan ang batang karga niya)
DYLAN: Uy teka nga pala tuloy na tayo sa lunes ahh, we'll start working. (pag remime nito kay Chynna)
CHYNNA: Sigurado kana ba?
DYLAN: Yes! I really need to work. Bahay kase ang pinangako ko sa asawa ko kaya gustong ibigay sa kanya yon.
CHYNNA: Ibang klase ka rin noh! Lakas ng tama mo! Eh pano yung condo mo?
DYLAN: Condo ko parin.
CHYNNA: Naks, mayaman! (ngirit nya) eh okay na ba kay wena na magtatrabaho ka na?
DYLAN: Oo, yun naman talaga ang plano dati pa. Tapusin lang tong binyag and then I'll start working.
CHYNNA: Okay, sabi mo eh.
DYLAN: Ay teka, papasok muna ako sa loob. ingatan mo yang anak ko ah (sabi nito may halong pagbabanta sa pabirong tono)
CHYNNA: Wag kang mag alala safe tong inaanak ko. Sige na pumasok ka na don.
Ilang oras din ang lumipas bago humupa ang mga bisita sa bahay.
CUT TO:
ONE WEEK AFTERIlang minuto na rin nakaharap si Dylan sa vanity mirror. Suot niya ang white long sleeve na polo, at black slacks. Kitang kita sa kanya ang paggiging executive dahil sa suot niya.
DYLAN: Wena, bagay ba? (nanantyang tanong nito)
Lumapit si Wena sa kanya para matignan ng mabuti ang asawa.
WENA: Oo naman, bagay na bagay. Gwapo ah. (sabi niya habang inaayos ang kwelyo nito)
Napangiti naman si Dylan sa sinabi ng kanyang asawa.
WENA: Baka mamaya niyang kung sino sinong babae ang magkakagusto sayo don. (nguso niya)
DYLAN: Subukan lang nila, takot lang nila sayo(natatawang sabi nito)

YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
FanfictionThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...