JUNJUN: Mom, i'm done eating. (ngiting ngiti ang bata at tumingin kay Wena) is pampam not hungry? Is she sick? (napuno ng katanungan ang mga nito nang sandaling maalala ang isa nya pang ina na si Dylan)
Humingang malalim si Wena at matipid na nginitian ang anak nang hinarap nito.
WENA: Walang sakit si Pampam mo, (at hinaplos ang pisngi ng bata), hayaan mo mamaya, lalabas din yon para kumain.
Tumago tango ang bata na para bang naintindihan niya ang sinabi ng Ina.
WENA: Ang mabuti pa magtoothbrush ka na, at pagkatapos ay pumasok ka na rin sa room mo to sleep. Okay? (patango tango niyang tanong)
JUNJUN: Okay mom.
Mabilis na tumayo si Junjun at agad sinunod ang utos ng ina. Pagkatapos ay sabay na silang pumasok sa kwarto ng anak.
Maghahating gabi na nang lumabas si wena sa kwarto ng anak matapos icheck ang mga assignments nito.
Dumiretso na rin siya agad ng kwarto upang matignan ang asawa.
CUT TO:
INT BEDROOM - LATE AT NIGHTPagpasok niya ng kwarto ay nadatnan niya si Dylan na tahimik at tulalang nakaupo sa kanilang kama.
WENA: Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita? (malumanay niyang sabi nang lumapit sa asawa)
Walang imik na umiling si Dylan, ni hindi man lang tinignan ang asawa.
WENA: Dylan...
Lumapit pa ng bahagya si Wena at umupo sa may paanan ng asawa. Bakas sa mukha nito ang pagaalala para kay Dylan.
WENA: Dylan, lagi mong isipin na andito lang ako. Kung anu man ang pinagdadaanan mo ngayon, lagi mong tatandaan na andito ako sa tabi mo. (hawak hawak ang kamay nito habang sinasabi iyon)
Matamlay na tinitigan ni Dylan si Wena. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.
DYLAN: Ngayong wala na si mommy... (umiling siya) Natatakot ako Wena, natatako dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba ang lahat ng ito. Lalo na ang gampanan ang pagiging CEO. (rumagasa ang luha sa kanyang mga mata halatang nahihirapan)
WENA: Dylan, nagingt matagumpay ang kompanya dahil na rin sa angkin galing ng iyong ama at ina. At nakakasiguro ako na magiging maayos rin ang pagpapatakbo mo ng kompanya dahil alam ko, alam kong mahal mo ang kumpanya gaya ng pagmamahal ng mga magulang mo rito.
DYLAN: Paano kung hindi? Paano kung biglang malugi ang kompanya ng dahil sa akin. (tila nawawala na ng pagasa si Dylan)
WENA: Shhhh.. (lumapit pa ng husto si Wena at hinaplos ang mukha ng umiiyak na si Dylan), Dylan, andito kame ni Junjun, Pamilya mo kame at kahit anung pagsubok man ang haharapin mo at pagdadaanan, nandito kami, sasamahan ka namin. I'm your wife Dylan, I will be always here to support and help you. Titiyakin kong kakayanin mo ang bawat pagsubok na haharapin mo para sa kompanyang pinundar ng mga magulang mo (banayad ngunit puno ng pagencourage niyang sinasabi iyon)
Tumingin si Dylan kay Wena na para bang pinaalalahanan lamang nito na kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawa.
WENA: Sa tuwing mararamdaman mong hindi mo na kaya, andito ako sa tabi handang ipaalala sayo na kaya mo, may tiwala ako sa kakayahan mo, may tiwala ang mga magulang mo sa kakayahan mo.
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Dylan. Niyakap niya si Wena ng mahigpit.
DYLAN: Salamat

YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
Fiksi PenggemarThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...