Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
WENA: Ito na ba ang bago mong opisina? (matapang niyang sinabi at pumasok sa loob)
DYLAN: Anung ginagawa mo dito? (bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat sa pagdating ni Wena)
Napangisi sa di makapaniwala si Wena nang humarap sa asawa.
WENA: Hindi ba't ako ang dapat magtanong niiyan Dylan? (at tinaasan ng kilay) Anung ginagawa mo dito? (matalim niyang sinabi)
Nanatiling tahimik at si Ceanna sa gilid, bakas pa rin sa kanyanhg mukha niya ang gulat.
WENA: Tinatanong kita Dylan, anung ginagawa mo dito? (sa medyo mataas na tono nang hindi ito sinagot ni Dylan)
DYLAN: Umuwi na tayo!
Pagalit niyang sinabi sabay hinawakan ang kamay ni Wena at hinatak palabas ng condo. marahas na pumiglas si Wena.
WENA: Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko! (sigaw niya)
Narinig ng batang si Dindi ang ingay mula sa sala kaya mabilis itong lumabas galing kusina.
DINDI: Ma? Ano pong nangyayari? (wika niya at nagtatakang tumingin sa kanila)
Lumipat ang titig ni Wena sa bata ngunit agad niya rin itong ibinalik dalawa. Salitan ang titig niya kina Dylan at Ceanna. Galit na galit, bumibilis na rin paginga nito nang dahil sa galit.
CEANNA: Pwede ba, huwag kang mag-iskandalo dito. (anya at matapang hinarap si Wena) Dylan iuwi mo na nga yan! (balin nia kay Dylan)
Tumango tango si Dylan.
DYLAN: Umuwi na tayo.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng asawa at marahas itong hinatak palabas ng condo hanggang sa makuwi ng bahay.
CUT TO:
INT HOWELL-CASTRO HOUSE - CONTINUOUS
JUNJUN: Mom? What's going on? (wika ng bata ng makitang pumasok ang si Dylan at galit na galit, nasa likod naman si Wena)
WENA: Junjun pumasok ka muna sa kwarto. Sige na, pumasok kana. (sabi ni Wena nang lumapit sa bata.
JUNJUN: But mom?
DYLAN: Junjun, get inside to your room now! (napatras ang bata dahil sa lakas ng hiyaw ni Dylan, halatang hindi na mapipigilan pa ang kanyang galit sa di malamang dahilan)