Nagmamadaling tumungo ang magasawa sa hospital. Tumatakbo pa si Dylan habang nilalakbay ang hallway patungong emergency.
Di kalayuan ay nakita niya ang kanyang ina.
DYLAN: Mommy! (wika nito sa sa umiiyak na si Lilian)
Niyakap agad ni Dylan ang kanyang Mommy. Halata rin sa mukha nito ang pagaalala.
LILIAN: Dylan ang daddy mo! (naiiyak parin ito)
DYLAN: Mommy anong nangyari? (puno ng pagaalala ang boses ni Dylan at naiiyak na rin)
LILIAN: Inatake sa puso ang daddy mo, Dylan (iyak ng iyak parin si Lilian at hindi na mapalagay)
Hinawakan ni Dylan ang magkabilang braso ni Lilia at iniharap niya ito sa kanya. Masuyo niya tinignan ang ina, na patuloy sa pagiyak.
DYLAN: Mommy, please calm down okay. Magiging maayos din si Daddy. (hopeful words from her)
Lumapit si Wena kay Lilian, hinagod hagod nito ang likod ng byenan. Umukit rin sa mukha niya ang pagaalala para sa pamilya.
DOC: Sino po ang pamilya ng pasyente?
Napalingon ang pamilya sa nagsalitang doctor na galing sa loob ng ER. Lumapit sila para maharap at makausap ito
LILIAN: Doc kamusta po ang asawa ko?
DYLAN: How's my father doc?
Halos magkasabay lang nagsalita ang magina. Puno parin ng pagaalala ang magina nang humarap sa doctor.
DOC: The patient has undergone a heart attack. And his condition is not good, (balita ng doctor) Right now he's under observation, but we need to transfer him in ICU.
Umiyak nang husto si Lilian sa ibinalita ng doctor. Napayakap na lamang siya kay Dylan dahil sa panlalambot na naramdaman. Patuloy parin siyang umiiyak sa balikat ng anak.
LILIAN: Diyos ko, Dylan! Ang daddy mo Dylan (hagulgol nito)
Humugot ng malalim na hininga si Dylan at pilit na nagpakatapang sa harap ng ina. Niyakap niya ng mahigpit si Lilian.
DYLAN: So Doc what are we going to do now?
DOC: Sa ngayon, let's just hope and pray.
Nang umalis ang doctor. Ay hindi napigilan ni Dylan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Malayo itong rumagasa.
Dalawang oras na ang lumipas simula nang inilipat ang tatay ni Dylan sa ICU. Magpahanggang ngayon ay wala paring malay ang kanyang ama.
WENA: Dylan, okay lang ba kung ihahatid mo muna si Junjun kina mama, tapos babalik na lang ulit ako dito? (anya)
DYLAN: Ipapahatid ko na lang kayo kay Manong. (mahina at matamlay ang boses nito)
WENA: Babalik din agad ako. (niyakap nito si Dylan at hinalikan sa pisngi bago umalis)
DYLAN: Sige, kung yun ang plano mo.
Nang umalis si Wena, nanatili naman si Dylan at Lilian sa tabi ni Daniel.
CUT TO:
INT CASTRO HOUSE:Nagising si Marita sa sunod sunod na katok galing sa unahang pintuan ng bahay.
WENA: Mama! (wika nito, nang sandaling bumukas ang pintuan at nakita ang ina)
MARITA: Wena, Diyos ko naman bata ka! Maghahating gabi na, anu bang ginagawa mo dito! (nagtatakang tanong nito at agad kinuha si junjun sa bisig ng anak)
YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
FanficThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...