Chapter 12 - Enunciate

106 3 0
                                    

DAVE's POV

Pumunta na kami sa bar ni Patrick para kumain at uminom ng kaunti. Yung mga teenagers di pwede uminom so nag-juice nalag sila.

After 2 hours ng usapan at inuman, nagyayaya ng umuwi ang leader nila para na daw makapagpahinga na sila.

Pagkatapos makasakay nang mga kasamahan ni Alyx ay bumaling naman sya sa'kin na nakangiti. Nakakamatay ang ngiti nyang yun.

"Halika na. Hatid mo na rin ako."  Biglang sabi naman  nya sa'kin. 

Naku nakakapang-init ka. Haay! Pigilan mo ang sarili mo Dave iba sya sa mga babaeng nakakasama mo.

Habang nagdadrive ako salita lang ako ng salita nung una sumasagot pa sya pero nung napagtanto kong wala ng sumasagot tinignan ko sya agad. Nakatulog pala sya.

"Kahit tulog ka maganda ka pa rin." sabi ko sa kanya.. "Kailan ba ha??" napangiti na rin ako.

Red ang traffic light so tama lang na mapa-stare ako sa kanya dumako naman ang mga mata ko sa cute nyang labi..pwede ba kitang halikan?

Natulog lang sya hanggang sa makarating kami sa condo nya. Tinapik ko sya ng mahina upang gisingin.

"Alyx??" sabi ko sa kanya parang pagod talaga sya ngayon. Di pa rin sya matinag. Nakailang tapik na ako sa kanya. Buhay pa kaya ang babaeng ito? Wag naman po. 

"Alyx!" nilakasan ko na ang boses ko't lahat wala pa rin. Lumapit ako sa kanya upang pakiramdamang humihinga pa ba sya.

"AAAAAAAH! Anong ginagawa mo?" basag ang eardrum ko. Sumigaw ba naman ng pagkalakaslakas.

"W-wala! A-ano ka b-ba?" nung malapit na malapit na ako sa kanya sakto namang gumising sya at nagtama ang aming mga mata kaya nga lang sumigaw sya.

"Bakit ang lapit - lapit mo sa'kin ha?"  sabi nya pasigaw pa rin.

"Huwag ka ngang sumigaw dyan. Wala po akong ginagawa sa inyo. Ginigising ko PO kasi kayo kasi nasa condo NYO na po tayo di ka naman gumigising. Tulo laway ka pa! Grabe ang hirap mong gisingin. May sa mantika ka yata eh." mahabang litanya ko sa kanya.

"Ah! Ganun ba? Grabe ka naman." nag-ayos nama sya sa pagkakaupo. "Sorry akala ko ano na. Tulo laway ba talaga ako?" nahilamos nya ang kanyang mukha.

"Kakahiya!!" sabi nya.. di nya lang alam nang-aasar lang ako.

"Joke lang." pagkasabi ko nun agad nya akong pinaghahampas. Kasi naman eh napahiya. 

"Di na tayo friend." sabi nya sa'kin

"Ay! Wag naman. JOke lang yun ano ka ba." sabi ko sa kanya pero nakaharap sya sa bintana. Kinukulit ko sya ng kinukulit.

"Sige na nga! Joke na rin. HAHAHAHA" napakalutong nang tawa nya napatingin na lang ako sa kanya. 

"Sige na ha. Aakyat na ako Dave. Thanks for completing my day." Lumabas na sya. She left me breathless sa sinabi nya. Pero naglagay naman ng ngiti sa mga labi at saya sa puso ko.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ALYX's POV

Isang linggo na nung mangyaring pangsusurprise sa'kin ni Dave. Naging laman din kami ng  mga entertainment news dahil na rin sa ginawa nya. Mabuti naman at hindi na ako ginugulo nung mga taga-press. Halos araw-araw silang nandun sa school ko. Grabe talaga ang connections nila't nalaman pa din nila yung school ko. Pero ngayon hindi na ako ginugulo ng mga press dahil siguro sa pagpapa-interview noon ni Dave. Oo, nakita ko iyon sa TV.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon