Chapter 44 - Revelations

57 1 0
                                    

DONNA’s POV

Nagsshopping ako kasi may bibilhin ako ngayon. Sa totoo lang tinatamad talaga akong pumunta dito kaso nabored naman ako sa bahay. Kaya napagdesisyunan kong magshopping.

Habang naglalakad ako may nakita akong medyo pamilyar sa akin. Susundan ko sana siya pero napag-isip-isip kong di iyon pupunta dito. Until now di pa rin malinis ang konsensya ko. May kasalanan kasi ako sa nakaraan ko na pinagsisihan ko ng malaki. Sorry naman! Nabulag lang talaga sa maling pag-ibig.

Hanggang sa nagkita na naman kami dito sa isang shop. Napagtanto kong siya talaga iyon. Matagal ko siyang tinitigan na parang inieksamin ang mukha. Nagbago ng konti pero alam kong siya iyan. Hindi ako maaaring magkamali.

Lalo siyang gumanda... Di na siya iyong Alyx na pinagtatawanan ko noon dahil sa sobrang bata pero ngayon.. Look at her! Para na siyang model..

Di ko na napigilan ang sarili ko. At tinawag siya. Mukhang di niya ako naririnig kasi naka-earphone siya e. Di na ako nagdalawang isip at tinap ko siya at binanggit ang pangalan niya. Sana marinig niya.

Sana di siya magalit sa akin at kamuhian dahil sa nagawa ko noon. Sana bigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-explain. At nang masabi ko din kung gaano siya kamahal ni.. Dave! Lahat ng nangyari sa kanila ay kagagawan ko. Sana mapatawad pa niya ako.

“Hi! Alyx.” Sabi ko. Medyo natigilan siya sa pagpipili niya.

Di pa siya agad na lumingon at dahan-dahan din siyang tumingin sa akin. Nagulat nga siya. For sure, kilala niya ako. Diba? Pero nagbago ang mala-anghel niyang mukha kanina at naging mabagsik. Kita mo ang galit sa mukha niya. Nasaktan ako pero kung anuman ang gawin niya okay lang tatanggapin ko kasi kasalan ko e. I knew it! Galit pa rin siya sa akin. Sino ba naman ang magiging masaya sa pinagagawa ko. WALA!

Pagkatapos niya akong tignan ay bumaling din siya agad sa tinitignan niya. As if, hindi niya ako nakita.

“Alyx, can we talk?” halos lumuhod na ako nung sabihin ko iyon.

“Yeah! Sure.. Congratz!” sinabi niya iyon habang tinitignan iyong tiyan ko.

Oo.. tiyan ko! Kasi buntis ho ako.

“Salamat! A-“ pinutol niya iyong sasabihin niya sa akin. Nagsasalita nga siya pero di naman niya ako hinaharap. Iyong kinakausap ko siya ng nakatalikod at sumusunod sa nilalakaran niya.

“Wow ha! Ugh… p-pang-ilan n-niyo na iyan?” halos mautal pa siya sa sinabi niya. Halatang nasasaktan pa din siya. Pero anong ibig mong sabihin.

“Kung i-iniisip mong…” pinutol na naman niya ako. Malapit na akong mapikon ha.

“Yeah! Sport.. Okay lang no.. Kaw naman. Wala na sa akin iyon.”

“Halika nga! Mag-usap muna tayo.” Pinuputol kasi niya ako e. Kaya di na ako nakapagtimpi at kinaladkad ko siya sa isang resto na wala medyong tao.

Puzzled pa din siya na may galit na makikita sa mata niya. Inis na asar na ewan. Di ko nga maipinta mukha niya e.

“Just listen to me… okay? Huwag kang magsalita muna. Makinig!” Ayan tuloy! Napaka-authoritarian ko tuloy tignan. Tsk.. Yaan niyo na.. Time ko na ‘to para makapag-apologize.

FLASHBACK…

“Kukunin ko siya sa’yo. Gagawa ako ng paraan para mawala ka sa kanya.” Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ko silang masayang kumakain.

“Sige lang! Magpakasaya ka..” dagdag ko.

Nandito pala ako ngayon sa sasakyan nakamasid. Siguro obessed na ako sa  tingin niyo. Di ko kayo masisisi mahal ko po ang lalaking minamasdan ko ngayon. Si Dave.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon