Chapter 19 - Excuse

96 2 2
                                    

DAVE's POV

"Alyx! Alyx!" Rinig kong sigaw nang isang babae.

Agad napaigtad ang tenga ko sobrang sensitive lang sa pangalan niya? Tumayo ako upang hanapin ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Di naman ako nagkamali at nahanap ko din iyon kung saang banda.

Nagulat siya! Nagulat din ako nung nakita ko siya. Ngumiti siya sa akin ngunit ramdam kong mapait ito. Agad din siyang umalis lalo ko lang napagtanto may dinaramdam siya.

Sigurado akong nakita niya akong nahalikan ni Donna. Ano bang iniisip niya? Huwag po sanang iba ang isipin niya? Teka kung nagseselos siya? Ibig sabihin nun mayroon na?

Tinignan ko ang mga kabanda ko nagulat sila sa pagtayo ko. Ilang minuto lang akong nkatayo.

"I'm sorry but I have to leave now. I'm suddenly not feeling well. Sorry po sa inyong lahat. We still rock pa man, di ba?" Naghiyawan ang mga tao sabay nun ang paghawak sa akin ni Donna sa kamay ngunit agad ko din iyong binawi.

Naiintindihan naman nila ako kaya binigay din nila ang approval sa akin habang nakatwo thumbs up pa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Donna ngayon.

Bahala nga siya. I don't care about her. Susundan ko si Alyx. I need to talk to her.

"Saan ka pupunta? Ikakasira mo ito alam mo iyon." pabulong niyang sabi sa akin habang tangka na naman niyang kunin ito.

"Nang dahil sa iyo kaya aalis ako. Tss! " Pagkasabi ko nun ay agad naman akong tumakbo.

Sa paglalakad-lakad ko nakasalubong ko yung mga friends niya.

"Bem nakita mo ba si Alyx?" tanong ko sa kanya.

Gulat na gulat siya. Mabuti nalang at naituro pa nito.

"Kakaalis lang. Pauwi na siya masama daw pakiramdam niya. I think she's in the PL now."

"Sige thanks!" Di ko na hinintay ang sagot niya agad na akong tumakbo papuntang PL.

PL? San ba ako magsisimula. Tsk. Ang laki kaya nito. Malapit lang ang mall na ito sa condo niya.

Aha!!

Takbo!

Lakad!

Takbo!

Lakad!

Booom

Ayun siya.

Takbo na naman ako uli para maabutan ko siya.

Kinatok ko ang salamin ng pintuan niya. Hindi niya agad ako binuksan kaya kumatok ako uli.

Binuksan niya ang window.

"Oh! Bakit ka andito?" tanong niya sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at pumasok. Napaawang naman ang bibig niya.

"Hey! What do you think your doing?" tanong niya sa akin.

"Edi, pumapasok at umuupo." pamimilosopo ko.

Nang tignan ko ang mata niya bakit parang pula yata pati ilong niya pula din. Parang kagagaling lang niya sa pag-iyak.

"B-bakit ka nandito? Tapos na ba ang show niyo?" nakatingin siya sa ibang direksyon habang sinasabi niya iyon.

Ngunit sa paglingon niya ay ngumiti ito pero mapakla. Kumbaga, FAKE SMILE!

"Sinundan ka." sagot ko sa kanya na nakatingin lang akosa reaksyon niya.

"Bumalik ka na. Ano ba itong pinaggagawa mo?" sabi ni Alyx sa akin. Ganun pa din ang ayos niya.

*ring ring

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon