Chapter 27 - Guest

88 1 0
                                    

ALYX's POV

"Congratulations, girls." bati ni mommy at daddy sa amin.

Nagthank you lang din naman sila.

"Graduate na tayo. Yeeey!" bati sa amin ni Sette. Parang batang nanalo lang ng laruan kung makapag-irit. "Group hug!"

Sinunud lang namin siya kasi ganun din naman din ang gusto namin.

"Let's go Alyx Marie." tawag sa akin ni Mommy. "We have little celebration at home girls you can drop by if you like. I know this girl will be veeeeery happy." pang-iimbita ni mommy sa mga kaibigan ko habang hawak-hawak niya ang beywang ko.

"Thanks tita, but our moms prepared also something for us. But maybe we'll go there sa house niyo." sabi naman ni Bem. Kumiss lang sila kay mommy isa-isa.

Kanya-kanya muna kami ngayon. Haaay! If I know magdedate lang sia ni Jake. Haha

"I saw him earlier. May date kayo noh?" bulong ko sa kanya kasabay naman noon ay kiniliti ko lang siya.

"We're not in good terms." kita sa mukha niyang malungkot siya.

"Share?" sabi ko

She chuckled. "Celebrate with tita first I know how much you miss her. In time, Alyx." bulong din niya sa akin. Tama siya forget muna, happy-happy muna today.

''Alyx, Let's go!" tawag sa akin ni Mommy. Lumingon ako kay Mommy, at nakita ko siyang kausap ang mga magulang ng kaibigan ko. Marahil

"Sige, Babush!" pagpapaalam ko. Tinalikuran ko lang sila at agad na pumunta sa sasakyan.

Ngayong nag-iisa na naman ako naiisip ko siya. Magrereply ba ako or hindi? Busy siya, alam kong busy siya. Sa huli'y napagdesisyonan ko nalang na mag-reply. Kaya kinuha ko din naman ang cellphone at..

dinial ito. Tatawagan ko nalang siya.

*dialling... Davey Dave

Nakailang ring pa bago niya ito sagutin.

"Kumusta ang graduation?" - Dave

"Masaya naman. Ano gawa mo diyan?" Bored kong tanong sa kanya.

Actually kahit nalulungkot ako na hindi siya nakapunta pero sa tingin ko mabuti na din iyon mukhang natatakot pa akong magpang-abot sila ng pamilya ko. Marami pang panahon para masabi ko sa kanya ito.

" May biglaang meeting lang with the producer, Pasensya na ha. I'll try para makahabol." - Dave

Ang sarap sabihing 'Ganyan ka naman lagi.' pero di dapat iyon. "Kaw naman... No worries, mas importante kaya yan. Hahaha." pagkukumbinse ko sa kanya.

Nakita ko si Mommy't Daddy na papunta na sa sasakyan.

"Sige na ha.  Bye! Ingat ka." sabi ko.

Ibinaba ko na ang call kasi papasok na si Mommy sa driver's seat. Andito pala ako sa Backseat.

"Boyfriend mo?" biglang tanong ni Mommy na medyo seryoso ang mukha niya.

"H-ho?? H-hindi po. F-friend l-lang my." Pa-utal kong sagot kay Mommy. Iyan kasi napapala ka-iinom ng kape, nerbyosa ang resulta. Di naman gaanong halata na kinabahan ako, di ba?

"Stuttering? May problema ba dila mo?" Bakit ganun? Seryoso na mukha niya. May alam na kaya siya? Sinabi na kaya ni Kuya sa kanya?

"Alyssa!" Tawag ni Daddy sa kanya nang makapasok na ito sa kotse. Parang sinaway lang niya si Mommy. Bakit parang nababahala ako sa ikinikilos nila. May hindi ba ako nalalaman?

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon