Chapter 32 - In Public

79 2 0
                                    

BEM's POV

Ano bang problema nito? May patawag-tawag pa kung asan ako e alam naman pala niya. Kainis!! Arrrgh!

Halo-halo!! Bakit ba kinikilig ako? Samantalang kinakaladkad niya ako palabas ng mall pero sa lahat ng mga kinakaladkad ako na yata ang kinikilig. Paano ba naman kasi holding hands kami habang pinagtitinginan ng mga tao. Ang iba ay kumukuha ng pictures sa amin.

Wait! Wait! Waaaaa.. They took us pictures. Ma-iissue siya nito. I tried to grab my hand pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. Yumuyuko nalang ko habang naglalakad kami. Di ba siya worried na maddiscover ako? Kami?

Bakit ganun yung reaksyon niya? Nakangiti pa siya sa harap ng mga taong kumukuha ng pictures namin. Di man lang ba siya takot na maaring masira ang career niya nang dahil sa akin?

Ako nalang ang magtatakip ng mukha para sa kanya. Saan ba kami patungo nito e di naman dito ang daan patungong basement. Baka di niya dala ang sasakyan.

Huminto kami sa isang parang maliit na... stage? Ano bang gagawin namin dito? Sasayaw siya? Kakanta siguro? Magmomonologue?

Nginitian niya muna ako before he cleared his throat. Clueless talaga ako...

"This girl beside me..." tinignan niya muna ako ng napakacute then sabay kindat pa. Ayan na kilig hormones na naman ang dumadaloy sa katawan ko. Pumikit pa ako.

"is my life.. She's my present, and probably my future." jawdrop, wide open mouth, circled teary eyes  with blank reaction.

Pinalo ko lang siya ng mahina sa braso. Nahihiya kaya ako then natatakot din ako sa magiging reaksyon ng mga fans niya. Marahil maraming magagalit sa akin. Huhu! Kawawa naman ako.

Natuluyan na!! Pero imbes na masasamang salita ang maririnig ko sa kanila ay iba ang naging reaksyon nila. Ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Iba-iba ang mga sinasabi nila ngunit puro magaganda. Bagay daw kami at iba pa.

Hindi ko inakala na matatanggap nila ako para sa taong sobrang hinahangaan nila.

He held my hand again and just like earlier hindi ko alam kong saan kami patungo. Para lang akong nakadroga na parang kahihithit palang. Heaven kasi ang feeling ko e. Like nakalutang lang.

Nakarating kami ng basement na parang multo dahil sa wala akong ibang nararamdaman kundi ang matinding kasiyahan. Lutang na lutang ako.

"I'm proud of what we have. Hindi nababagay sa'yo ang tinatago. Sorry kong kailangan kong gawin at sawayin ang natatangi mong pakiusap sa akin pero mahal kita... Kaya pinagsigawan kita sa kanila." mahabang litanya sa akin. Niyayakap na niya ako habang nagsasalita. "And look... Kinikilig sila sa atin. haha"

Kumawala ako sa kanya at pinaghahampas siya. Hindi ko alam ang dapat na magiging reaksyon ko matutuwa ba dapat ako o mabahala dahil hindi lang naman ang mga tao doon ang fans niya. Paano nalang ang netizens? Arrrgh!

"Hate kita. Di mo dapat ginawa iyon?" Nag-init

Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata ko.

"Ginagawa ko 'to dahil sa'yo." mlambing niyang sabi sa akin. Aba! Ako pa ha!!

"So ako pala may kasala-" pinigilan naman niya akong magsalita sa pamamagitan ng pagtakip ng hintuturo niya sa bibig ko. Kaya sinuntok ko ang balikat niya.

"Aray naman... Battered na ako nito. Patapusin mo nga muna kasi ako. Any minute now alam kong kalat na ang pictures o video nating dalawa. Ginawa ko iyon kadi mahal kita at gusto kong malaman mo na IKAW lang. Ikaw lang talaga. I didn't mean to forget it kaya bumabawi ako. Ayaw kong isipin mo na hindi ka importante sa akin. Alam mo iyon? Mahal kita at wala nang makakapagpabago nun." Malumanay niyang sabi. Hawak-hawak pa niya ang balikat ng sabihin niya iyon.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon