Chapter 38 - Real Time

71 1 0
                                    

Bongga ang kilig ko sa BTCHO.. gravy ang kilig at iyakan mode. May time pa na nakatulog ako sa work kasi ano.. puyat! Hahaha.. inspired na naman ako sa story ni alyloony.. Siya na talaga.. Kilig to the bones ako tsaka sobrang funny pa. Sa mga di pa nakakabasa nun basahin niyo paniguradong maaadik din kayo gaya ko. Two thumbs up samahan mo pa ng bow ang story niya. Eeeeeei.. Keke-inlev kesi yeeeeei…

BTW na-publish na pala niya iyon so kung gusto niyong bumili bili lang kayo tapos share niyo sa akin. Biro lang!!

Dahil sa inlababu ako magsusulat ako ngayon.. Good luck na lang sa akin..

May readers pa ba ako? Mag-PRESENT naman kayo para macheck ko attendance niyo.. de joke lang!! kahit wala na akong readers gagawin at gagawin ko pa rin ‘to. Naniniwala akong di naman dinadaan sa maraming readers diba? Diba? Ano lang… labas sa totoong nararamdaman. Basta lab ko din naman ang story ko no. Sa mga silent readers diyan magpakasilent lang kayo appreciate ko din naman kayo basta enjoy kayo sa work ko.

Sige! Siya at ang haba na ng litanya ko. Enjoy kayo sa pagbabasa..

edaade <3

ALYX’s POV

Back to Reality----à As in the reality… Iyong present na present na..

Nasa harap ako ng malaking salamin sa dressing room ko. Habang nasa harap ako ng salamin na ito kitang-kita ko ang lahat ng pagbabago sa buhay ko. Malayo ako sa pamilya ko at namumuhay ng mag-isa dito sa Australia.

Kahit sa dami na ng taon ang nagdaan, alam ko pa rin kung ano ang naiwan at iniwan ko sa bayang mahal ko. Andito pa din ang sakit. Sariwang-sariwa pa rin! Alam niyo iyon! Na kahit ilang taon na, maglilimang taon na siguro mula nung umalis ako sa lupang pinanganakan ko, nandito pa din siya e at mukhang wala pang balak na umalis. Sa tingin niyo sobra na no? Ilang taon ding torture ang utak ko e isama mo pa ang dumb na puso. Minsan nga’t naiiyak lang ako nang walang dahilan. Nakakalimutan ko lang siya at iyong lahat ng mga ginawa niya sa akin kapag busy ako sa harap ng mga taong pumapalakpak sa akin pero kung mag-isa lang ako sa condo ko ganun pa din e. Pero sa tuwing naaalala ko iyon lalo lang lumalalim din ang galit ko sa kanya. Ginawa niya akong tanga. Nagtataka din ako sa lesheng pusong ‘to e di ko magawang kalimutan ang hinayupak na iyon. Aba’t marunong na akong magmura ngayon, well, paminsan-minsan lang naman e. Bayaan niyo na!

Kada haharap ako sa salamin lagi ko nalang naalala ang katangahan ko noon at kung gaano kasakit ang magmahal… Di na nga ako haharap sa salamin. Haha. Para na akong sira kanina emote ngayon naman mukhang ewan na natatawa. But alam niyo sa kabila noong panahong iyon naging masaya naman ako… Sandali nga lang!

-------------------------------------

<<<<<<<<<<Flashback

Nakabalik na ako sa room namin ng hindi pa rin niya ako kinikibo. Ano naman kayang problema nito? PMS lang? Okay naman kami kanina ah.. Nung tinignan ko siya, ang lalim ng iniisip ayaw ko ngang lumapit baka malunod ako sa isipan niya. Kakatakyut!

But still I have to manage myself to ask to him…

“May problema ba?” Nginitian ko siya nun ha iyong tipong nawala ang mata.. Pero bigo ako. Ano ba kasing problema.. diba? Kung kilala lang niya si ‘share’ e di tapos na sana iyong pananahimik niya. Di ba?

Nagulat naman ako kasi bigla-bigla na lang siyang nagsalita.

“Matulog ka na!” He said in cold tone.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon