EPILOGUE

38 1 0
                                    

Lahat nalang ng bagay hindi mo inexpect kung saan mapupunta, ano ang maaaring maging resulta, kailangan pa bang simulan ulit at pagpatuloy ang nasimulan na. Yan ang nasa isip ko ngayon.

Hindi ko lubos mawari kung hanggang kailan at hanggang saan ako aabot sa storya kong ito. Isa lang ang alam ko, kung ano man ang nasimulan na tatapusin na lang, nang sa ganoo'y walang niisang bakas ng pagsisisi ang mamutawi sa akin; sa amin.

"Ba't ba ang lalim ng iniisip mo diyan?" pukaw sa akin ni  Nate.

Tinignan ko siya sa mukha. Alam ko ang mga matang iyan.Kahit isang taon na nung huling umuwi ako ng Pilipinas, anumang pilit niyang sabihin sa akin alam ko nasaktan siya. Nasabi niya sa akin na minahal niya ako noon at naka-move on na daw siya ngayon. Hindi pa rin ako lubos na naniniwala sa kanya, ngunit kung ganoon nga masaya ako para sa kanya. Ika nga nila, you can't give what you don't have. Hindi ko maibibigay kung ano man ang gusto niya kasi alam na niya ang sagot dun. Mananatili siyang kaibigan ko, at hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Gusto ko man mag-sorry sa kanya pero everytime magtatangka ako lagi nalang niya akong sinusupalpal. Ang ikinakasaya ko sa kanya ngayon ay ang pagpapanatili namin bilang magkaibigan. Nasaksihan niya kung paano ako nasaktan at kung paano ako nakabawi. Kahit ano pa man wala akong magawa upang mapawi ang sakit na nadarama niya noon o maging magpahanggang ngayon.

Ganun pa man. May dapat pa rin akong harapin sa pag-uwi ko. Unfinished business!

"Hoy! Are you still with us? Naku! nilipad na ng hangin ang utak nito. Hoy!" Nagising naman ako sa pagmumuni-muni ng yugyugin niya ang balikat ko.

"Oo naman! May iniisip lang."

"Sabi mo e. O, tawag na yung flight natin. Excited ka na?" Inirapan ko na lang siya.

Scheduled flight namin ngayon pauwing Pilipinas. Kami, kasi kasama namin ngayon ang kabanda. Pupunta kami ng Pilipinas ngayon upang daluhan ang isang napakahalagang imbitasyon. Kasal ni Obet at ni Ran.

------

Matapos ang halos dalawampu't apat na oras na flight from Australia, kasama na dun ang connecting flight sold out na kasi ang direct flight,nakarating kami ng Pinas huwebes ng umaga. Hindi concert ang ipinunta namin dito, special request kasi ito ni Ran na tumugtug ako sa kasal niya.

"This is what I hate the most. Looks exciting but very inconvenient. tsk" Komento ng bass guitarist namin na si Sky.

Mabuti pa ang mga reporters at ang mga tinatawag nilang fans nandito upang salubungin kami pero ni anino niya hindi ko man lang nakita. Mabuti na lang din at may nakahandang bodyguards para sa mga fans at mamahayag. Parang giraffe na yata 'tong leeg ko kakatingin at ikot kung nandiyan ba siya.

Alam nilang darating ako. Naghabilin pa ako ng email sa kanya. Ang totoo niyan mahigit isang buwan niya akong di kinontak. Huling kita namin, siguro 4 months ago. Lately, sobra niyang busy, ni hindi ko siya mahagilap man lang. Nakakatulog na lang ako kakahintay sa kanya sa Skype. Nag-memessage lang siya ng 'sorry busy ako', minsan 'next time na lang' at kung anu-ano pa. Di na siya gaya nung bago pa lang, sobrang sweet. Basta kakakilig. Pero noon yun, iba na ngayon.

Minsan naiisip ko na, may hangganan nga siguro ang lahat. Na baka nagsawa na siya sa LDR. Na may nakilala na siyang bago. Ayaw kong magpaka-nega, pero what can I do? Gwapo kaya iyon. Kaya hindi imposible na may mahumaling sa kanya or akitin man lang.

"Haaaay!" napabuntong hininga na lang ako sa kakaisip.

"Wow! Ang lalim ah. Baka masinghot mo kami sa kaka-sigg mo diyan. O, ayan na pala ang sundo natin." Sabay baling ni Nate sa may entrance.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon