Chapter 21 - Wrong Decision

95 3 0
                                    

Update lang ng update kasi inspired. hahahaha

DONNA’s POV

Unang tungtung ko palang uli sa lupa ng Pinas, siya agad ang una kong naisip. Pero di ko magawang mapuntahan siya agad kasi trabaho ang ipinunta ko dito syempre kasama na rin ang pagbabakasyon. Namiss ko kaya dito. Pero mas namiss ko siya. But no worries, kasi siya naman talaga katrabaho ko e. Tama siya ang dahilan ng pag-uwi ko. Nirequest ko talaga yun. Nabanggit kasi sa akin ni Flide minsan na naghahanap sila ng makakasama para sa MV nila. Nagpa-audition sila ngunit wala man lang nakapasa. Since friend ko na naman silang lahat pati si Manager Clear, I asked favor na ako nalang ang leading lady sa MV nila. Of course, pumayag din naman sila. At least daw pag-uusapan nila kami na naman ‘coz nagka-issue na kami noon. Di naman importante sa akin na ma-issue kami, ang sa akin lang makasama ko siya.

Noong umalis ako para makipagsapalaran para sa career ko, isa lang na-realize ko. Mahal ko si Dave pala and I don’t want to make him away from me. I’m over and done with my career, nag-boom din ako sa ibang bansa, sa Paris!

-------------àFAST FORWARD

Papunta ako sa condo niya ng naka-kotse to surprise him but nakita ko siya sa isang school.  I was about to call him when suddenly may nakita kong babaeng nakasunod sa kanya at pinagbuksan niya ito ng pinto. Sino yun? Iyon agad ang tanong ko sa sarili.

Ano bang ginagawa ko? Nakita ko nalang ang sarili ko na sinusundan sila. Nakarating ako sa isang condo, Alvida Hotel. Nakita ko ang babaeng mabilis na tumakbo. Hindi man lang lumingon parang may tinatakasan lang a.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa music studio nila. Marahil may practice sila ngayon.

Siya na ba yung nababalitaan kong girlfriend ni Dave. No! Akin ka lang.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako sumunod sa kanya. Sumakay muna ako sa elevator. Kabado ako. At long last makikita ko na din siya. Pagkarating ko sa harap ng practice room nila, huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit yung door knob. Tsaka…

“Hi! Guys…” binigyan ko sila ng napakalaki ngunit napakasweet na greetings. Nagulat pa sila sa una ngunit naglaon ay nagsilapit din at niyakap ako, pwera lang sa kanya. Yon ang nakakapanibago! Nalungkot ako ngunit hindi ko dapat ito ipahalata.

“Hindi mo ba ako na-miss?” pabiro kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya.

“Musta?” Yon lang tanong niya sa akin. Pero at least kinausap niya ako.

“Okay lang. Ito namiss kayo…” sagot ko sa kanya. “specially IKAW.” Diniin ko talaga yon para naman wala lang.

Ngunit ngumiti lang siya. Hindi ba siya masaya na nandito ako? Matanong nga.

“Parang hindi ka natuwa sa presence ko.” Sabi ko sa kanya na nag-aacting nagtatampo sa kanya. Lumapit lang siya sa akin at niyakap ako sandali at umalis agad.

“No problema nun?” sabi ni Flide..

“Baka LQ ni Alyx.” Natatawa pang sabi niya.

Alyx pala ang pangalan niya.

“Sino si Alyx?” tanong ko sa kanila.

Ayun. Kinwento lang nila sa akin kung sino si Alyx. Siya pala talaga yong kasama niya sa isang school. Magkaibigan pala mga girlfriends nila ni Jake. Isa lang dapat kong gawin, I have to know her. Like real know her.

---------à

“Bakit siya?” tanong ni Dave sa manager.

Ganun na ba siya kagalit sa nagawa ko noon? Halos maluha luha ako a.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon