Chapter 23 - Escape Plan

97 2 0
                                    

ALYX's POV

"Bakit?" takang tanong ko. " Bakit mo isinara? May problema ba?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Ano naman kaya problema ng isang to? Parang nakakita lang  ng multo. Matingnan na nga! Tangka ko sanang buksan ang pinto pero sinaway niya ang kamay ko at hinila niya ako pabalik sa sofa niya. Akala ko ba!

"I changed my mind. Hilutin mo nalang ulo ko." sabi niya na hinila naman niya ang kamay ko at inilagay niya iyon sa temple niya. 

Seryoso ba siya? Why sudden change?? 

"Ano ba ang nasa labas at nagbago ang desisyon mo?" tanong ko na puno ng pagtataka ngunit hilot-hilot ko pa din ang sentido niya.

"Gusto mo ba talaga malaman?" hinawakan niya ang kamay ko rason para mapatigil ako. He looked up para lang makita ang mukha ko. Tumango ako sa kanya na may kasama pang ngiti.

DAVE’s POV

Dapat ko bang sabihin sa kanya baka magpanic lang siya kung malaman niya. Fine! Sasabihin ko nalang dapat din niyang malaman ito.

“May… mga tao sa labas…” sabi ko sa kanya.

“Sino naman? Bakit parang nakakita ka ata ng multo? Di ba maganda?” Usisa niya sa akin na my kasabay pang umis.

“M-mga… kapitbahay ko.” Sa huli di ko rin nasabi. Nanaig ang pagka-worry ko na magpanic siya.

Tumango siya at ngumiti pa siya pero halata pa rin iyong pagtataka niya.  Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Dapat ko ba talagang itago sa kanya ang mga tao sa labas. Alam ko maya-maya ay sasabihin niyang uuwi na siya. Kilala ko ang media hindi titigil yan hangga’t wala pang nakukuhang scoop. Oo. Media ang nasa labas ng pad ko. Paano ko ba siya mapapa-stay dito nang mas matagal-tagal?

 I need some help. Tama!

Nagulat siya ng tumayo ako bigla. Kinuha ko agad ang cp ko at dinial ang number ng mga kabanda ko particularly kay Jake.

Nagtataka ako kung bakit nandito sila. Alam kaya nila na nandito si Alyx? Pero kung ganun man paano kaya nila nalaman?

“Jake, Saan ka? Ganun? Need reinforcement. Oo! May media na naghihintay sa labas ng unit ko.. Ang problema nandito si Alyx. No. Hindi niya alam na media ang nasa labas.” Halos pabulong kong sabi ni Jake.

“Tama ba ang narinig ko?” napalingon naman ako sa nagsalita, si Alyx. Sino pa ba! Di ko man lang nahalata na nakalapit na siya sa akin.

“Bye.” Binaba ko na ang cp ko.

Ayan na kita ko na ang panic sa mukha niya.

“Paano na iyan? Oh my Gee.Oh my! This should not be. Di pa ako han-“ bago pa siya makapagsalita ng mahaba pinutol ko na agad.

“Sssshhh.” Tinakpan ko na lang ang kanyang labi ng hintuturo ko. Nakapaghugas naman ako kanina so no worries.

Niyakap ko lang siya.

“SssHhh. Come down, ok? Everything will be alright.” Papalag pa sana siya at tangkang kumalas sa pagkakayakap pero mas hinigpitan ko lang ito. “Trust me. Just trust me on this.” Pagpapakalma ko sa kanya.

 Totoo ang sinabi ko sa kanya. Di ko siya dapat ilagay sa magulong showbiz. Yan ang pangako ko sa kuya niya. Yes! Nag-usap na kami 2 days ago.

<<<<<<<<<<FLASHBACK

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon