Chapter 5 - Wishful Thinking +____+

158 3 0
  • Dedicated kay Rosette Pamplona Alerta
                                    

Nakapag update na din.. phew..

Jake's POV

"Aalis ka?? We still have practice.." tumayo siya para harapin ako.

I just nodded to him... and.. "Nakuha mo na ba??" dagdag pa niya na di man lang makatingin sa akin.

"Hindi pa.." sabi ko naman habang nag-aayos ng aking mga gamit.. 

"Ahh! ok lang.. Sa'n ba punta mo ha??" tanong nya habang nilalaru-laro ng kanyang gitara.. "Ano ba naman 'to ako na naman maiiwan mag-isa dito." dagdag pa nya.. 

"Mabuti pa matawagan si Synette." sabi niya ulit habang nagdadial sya..

"Nak ng... Ano ba naman yan, di makontak.. grabe talaga ang babaeng 'to.." sabi nya.. tinetext na n'yan si Synette..

Si Synette nga pala yung babaeng patay na patay kay Dave.. kababata nya ito.. maganda sya at mayaman din.. di nga lang katalinuhan tsaka medyo di maganda ang ugali kaya ayaw namin sa kanya .. at wala talagang nagakakagusto nun sa'min.. napakaarte kasi eh.. pero wala kaming magagawa kaibigan sya ng kaibigan namin.. tsk

"Gusto mo bang sumama?" pag-aanyaya ko sa kanya..

"Gawin mo pa akong chaperone mo?? Makikipagdate ka lang naman.. Hwag na oi! Napakagwapo naman ng chaperone nyo.. baka sa'kin magkagusto yang date mo." nang-asar pa.. 

paalis na ako ng sabihin kong.. "Ok! sa condo ni Alyx pala ako pupunta nandun kasi si Bem.. pinapapunta ako.." nakangiti kong sabi dahil alam kong magkakandarapa naman un sa naririnig.. Medyo natigilan siya sa narinig.

"Ganun ba??" yun lang nasabi nya.. tapos kinawayan ko na sya para makapagpaalam man lang sa in-denial na tao.. 

Nagkatotoo nga yung inexpect ko kasi ang gagawin nya.. hinabol nya ako sa labas ng practice room namin.. tsaka..

"Di naman siguro masama kung sasama ako, diba??" para syang tuta na nagsasalita parang nahihiya sya.. "N-niyaya mo naman ako so sasamahan nalang kita.. baka anong gawin mo sa mga babae dun" napatawa naman ako ng malakas na malakas.. Kamut-kamot pa niya ang ulo niya. Nahiya pa e.

"Alam ko namang gusto mo talagang sumama sa'kin eh.. kitang kita sa pervert mong mukha." tawang tawa talaga ako habang sya ay akmang babatukan ako..

"Bawala ang batok!! di kita pasasamahin nyan eh.." binawi naman nya agad at hinaplos haplos ang buhok ko...

"Bibili muna tayo ng dadalhin para sa kanila.. kakahiya naman mang-ambush ng walang dala." sabi nya..

"ah! sige.." yun nalang nasabi nya.. halata naman sa mukha nya na excited syang pumunta at alam ko kung bakit sya naeexcite..

Nang makabili na kami ng flowers at pagkain at kunting maiinom sa 7 eleven ay agad na kaming pumunta sa Makati.. Nag-as if naman ako na hindi ko alam papunta dun (kahit tinuro na sa'kin ni Bem ang lugar at number ng kwarto nito..)  so tinanong ko sya kung alam  pa ba nya papunta doon at kumagat naman ang loko.. Tinuro nga!

"Here!" sabi ko sa kanya na hindi naman nya maintindihan ang dahilan kung bakit ko binibigay ang cp ko sa kanya..

eto ang reaksyon nya..

O_______O

Nginitian ko lang sya ng kaunti.. at pinapahiwatig na tingnan nya ang cp ko kung ano ba.. at may ngiting gumuhit sa mga labi ng loko.. kung di ko lang talaga kaibigan 'tong sang 'to di ko siya tutulungan dahil sabi nga ni Bem na mailap sa lalaki ang kaibigan nya.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon