Chapter 26 - Bonding

111 1 0
                                    

ALYX's POV

"I hate you!!" sabi ko iyon habang dinabog-dabog ako.

Niyakap lang nila ako isa-isa. "Since when did you arrive ha?" Kinurot ko pa ang mukha ni Yuina, my stepsister.

Yuina my younger stepsister. Yes, mayroon akong nakakabatang kapatid na babae yun nga lang di talaga buo coz she's not my mother's child! Pero hindi hadlang iyon para hindi namin siya mahalin. Kahit di ko man siya buong kapatid pero tinuring ko siyang isa. Produkto nga siya ng isang pagkakamali ng ama ko pero hindi sapat iyon para magiba ang pamilya namin.

Nalaman namin na may kapatid kami ni kuya when I was 10 years old at 7 years old naman si Yuina noon. Alam na ni mommy ito eversince pero nilihim niya sa amin. Noong una nagalit si Mommy ng lubos kay Daddy pero ginawa niya ang lahat upang ipakita na nagsisisi siya at that time. Ang sabi niya'y one night stand ang nangyari. Napasinungalingan naman ng Mama ni Yuina na wala silang relasyon. Sa una'y di naniwala si Daddy na anak niya iyon ngunit nang makita niya ito ay medyo may pagkakahawig sa akin, actually sa amin. Medyo malakas din ang genes ng nga Madrigal e.

Malapit talaga kami sa isa't isa kahit noon pa man. Sa katunayan siya iyong nagtitext noong mga nakaraang mga araw na nagpapasaya sa akin ng lubos.

"I arrived two days ago lang ate." nakasmirk naman na sagot sa akin ni Yuina. "It's like!! I miss you lang much ate." Niyakap-yakap naman niya ako.

"Tss." pagsmirk naman ni Brent.

"Nande?? What was that smirk for?" pagrereklamo naman ni Yuina.

Ang dalawa kasi di mapaglalapit parang mga aso't pusa. Bago pa man sila makapagsimulang maggyera ay sinaway lang sila ni Mommy.

"Magsitigil na nga kayo." saway ni Mommy

Binelatan lang ni Yuina si Brent habang tinalikuran lang siya nung huli. I just smiled looking at them. Now I know how much I missed them.

"Our arrival isn't important honey. What's important is we're already here." sabi naman ni mommy.

"But I thought you're not coming. You said it over the phone right?" hawak-hawak naman ni mommy ang kamay inaakay niya ako patungong living room.

"The essence of surprise, baby!! Of course I'd lie just to surprise you." tuwang-tuwa naman niyang sabi sa akin.

"Kaw daddy ha. I really thought." sabi ko. He just hugged me and smiled.

Magsasalita pa sana siya nang biglang magsalita si Yaya Coring. Isa rin 'to e., namiss ko rin siya ng bonggang-bongga, especially yung luto niya.

"Hayo na't makakain nang tanghalian." Tumakbo lang ako palapit sa kanya at niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"Na-miss ko po kayo." sabi ko sa matanda. Medyo may edad na iyong Yaya namin. Simula nung bata pa ako nandito na si Yaya.

"Paano mo ako hindi ma-mimiss kang bata ka? Nandito ka lang sa Pinas pero di mo magawang dalawin kami dito." Panenermon naman niya ngunit nakangiti. Nakangiti lang silang lahat sa akin. Nginitian ko lang siya at niyakap pa ng mahigpit.

Perfect day talaga. Sige Lord! Pwede na akong mamatay. Dejoke lang.

"Umupo ka na't para makakain na kayo. Hinihintay ka na nila." Binitawan ko lang sila Sinunod ko lang si Yaya. Doon pa din ako nakaupo sa dati kong pwesto ko, Katabi ni Mommy.

Nagchitchat lang kami ng mga nangyari sa kanila. Lalong lalo na si Yuina, ang daldal lang e. Inaasar naman din siya ni Brent. Isa pang mga 'to pangalawang taong kilala ko na human cat and dog.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon