Chapter 48 - Hidden Feelings

51 2 0
                                    

Chapter 48

ALYX’s POV

Jake: “You know what… Gaano mo ba siya kamahal? Huwag mo nalang sagutin heto nalang… Huwag kang tumigil na ipakita sa kanya na mahal mo pa rin siya kasi alam ko napagod lang siya. Give her time. Maiisip din niyang mahal ka din niya.”

Dave: “Paano?… Di naman ako mapapagod gaya niya… Di ko siya susukuan kahit ipagtabuyan pa niya ako ng paulit-ulit.”

Rinig ko iyong ng napag-usapan nila kanina. Pati na iyong sinabi niya sa akin. Oo! Gising ako… Nagising ako noong hinawakan pa lang niya iyong kamay ko… Rinig ko din mga sentiments niya kanina di nalang ako gumising di ko pa yata siya kayang makita ngayon masyadong pang fresh ang mga nalalaman. Despite that I know alam kong napaka-awkward kung magkakausap ko siya. Alam ko ding mag-uusap at mag-uusap kami, actually bukas na nga e.

 Di mawala-wala sa isip ko. Kainis!!

Lalabas na nga lang ako kesa mag-mumukmuk dito baka mabulok pa ako dito. Nakauwi na kaya siya? Sana naman, di naman sa natatakot ako no. Sige na nga!! Takot ako makita ang pangit niyang pagmumukha baka masuka ako.. Haha… Saan galing iyon! Mean… Bahala na! Pakitunguhan na nga lang ng mabuti kung mangyari man.

Pagkalabas ko ng kwarto, dinig na dinig ko dito ang mga harutan nila ni Bem at Jake marahil.

‘Bakit nga ba ako natataranta? Wala namang dapat ikataranta ah.. Ako talaga! Hmmm. ‘ sabi ng isip ko yan ha..

Bumaba ako dahan-dahan para di mahalata nila. Ito kasi ang bahay nila eh, makikita mo pa rin kasi kung sino ang dadaan. Ah! Basta makikita talaga nila ang taong bababa or aakyat sa hagdan.

“Hey! I need to go.. Nakatulog pala ako dito. Kakahiya sa inyo.” Tumakbo na ako papuntang labas. Then na-realize ko nalang na dapat akong bumalik kasi nakalimutan ko iyong nakagawian namin ni Bem tuwing nagpapaalam sa isa’t isa iyon ay ang mag-beso.

Bumalik din ako agad siguro wala pa iyong 5 seconds. Nagbeso ako kay Bemat tinap ko lang si Jake. Habang siya?? Hee.. Bahala na siya.. As if na lang na di ko siya nakita… haha… Kasi di naman talaga kahalata-halatang tao.. Oops! Tao ba siya?? Meanie…

“Wait…” Ito na iyong ayaw ko eh iyong hinahabol ako.. Assumera!! I have to act like hindi ko siya nahalata ang presence niya kanina. LOL

“Oooh! Andiyan ka pala? Di kita nahalata… May sasabihin ka?” Baka mananalo na akong best actress nito.. haha

“Lyx… u-uhm” And bakit nauutal? Ganito ba siya ka-affected sa beauty ko. Bahala siya kung anong isipin niya. “Sorry about last night.” Dagdag niya.. Aba! Dapat lang mag-sorry ka kasi di ako nakatulog no.. Ano ka!! 

“It’s ok.. I-I s-should go.” Naman! Nahawa pa ako sa pagkautal niya..

“It’s late na.. wala ka pang kotse. Mahirap kumuha ng taxi dito. Hatid na kita.” Ayan ang problema sa walang kotse eh. Bakit di ko ba naisip na tawagan muna si Nate ng makatakas agad ako dito.

Isip-isip muna… Paano ba?? Natatakot tuloy ako.. Takot pa man din ako sa mga ganyan.

‘Sige na… hatid lang naman eh.’ Sabi ng right brain ko.

‘huwag.. binibigyan mo lang siya ng motibo to believe on something.’ – Left brain ko yan.

‘Di naman nakikipagbalikan. Di ba?’ –right brain ulit

‘di nga!’ –left brain…

Pati sa isip ko nagtatalo sila.. Iba na talaga ‘to. Loka loka na siguro ang tingin niyo sa akin. Bahala kayo diyan.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon