Chapter 31 - Accomplice

78 1 0
                                    

BEM's POV

"Ayon si Alyx o." turo-turo ko siya habang naglalakad kami.

Di naman talaga kami magkasama ng mga 'to nakasabayan lang sa pagdating pero si Ran... nagpasundo pa yan sa akin sa bahay nila. Sinundo ko nalang din kasi on the way naman siya. Itong si Mariz at Sette nagkita lang din daw somewhere.

"Sino iyang kasama niya?"napataas naman ng kilay si Sette habang sabi ito.

So tingin agad baka kung sino pa yun. Pagtingin ko sa katapat na upuan niya ay mukhang pamilyar naman ito. Kaya nung malapitan namin siya... napagtanto kong si Synette pala iyon.

"I thought tayo lang ang lalabas?" tunog tampo lang 'tong si Ran e. Papalapit na kami sa kanila.

Mas nagulat kami sa sunod na umupo... 'Si Donna iyon ha.' sabi ng isip ko. Friends na marahil sila. Bakit di kampante ang feeling ko sa kanya.

"I can't believe this... Magkaibigan pala kayo Lyx? Ikaw na talaga girl." bungad agad ni Ran. Kanina patampu-tampo pa siya ngayon parang nanalo lang sa lotto sa sigla niya.

Kung makatitig e mukhang may pagnanasa lang.. Ito naman si Alyx parang natatae lang di ma-drawing ang mukha. Kalaonan ay ngumiti din naman siya.

"Ooi Synette, Donna.. Mga kaibigan ko." iniisa-isa niya kaming pinakilala. I mean sila lang pala.

"Sette...," tinuro naman niya si Sette, of course.

"Mariz" pagpapakilala naman ni Mariz.

"Ran... At your service..." sabay pa ng pagpapakilala niya ay bumeso pa talaga a. Feelingera lang e.

Umupo na din kami pero since di naman kami kasya sa isang table lang dahil apat lang ang kayang i-accomodate kaya nagpakuha kami ng extra table and chairs.

"Um-order na kayo... Treat ko." pagpipresenta naman ni Donna.

Bakit ba hindi maganda ang feeling ko sa kanya. Di lang siguro kami compatible sa isa't isa. May ganun din ba sa babae?

Kasing talkative lang itong si Ran at Sette. Kahit maypagka-boyish iyan grabe lang kung makadaldal.

"Ms. Donna... I'm such a huge fan. Mas maganda ka pala sa personal. Pwede pa-autograph at papicture na din." tumili pa e. Sikat din naman kasi siya e.

Di na ako nakikinig sa kanila kasi biglang nakuha ang atensyon ko sa cellphone  na nag-ring ito.

calling Jake <3

Kinansel ko lang ang tawag niya. It's been how many days na since di ko siya kinakausap. Galit pa din ako sa kanya. Well, nagtatampo lang naman ako sa kanya e.

Gusto niyo malaman ang dahilan? Duh!! Kaloka lang e. Baka maloka din  kayo.

calling Jake <3

Cancel ulit. Tumingin si Mariz sa akin. Lumapit ito sa tenga ko...

"Kanina ka pa aligaga jan." bulong nito.

"Huh? Di no. Haha." I chuckled kahit alam kong meron talagang something.

"Weh?? Bakit di mo masagut-sagot iyang call?" siya naman ang napachuckle.

Siya na! Siya na ang sniper.. Katabi ko nga naman siya.

"Know what anuman iyang pinag-awayan niyo, dapat pag-usapan. Di pinatatagal kasi baka mauwi sa... alam mo na!!" aba! tumawa pa talaga ha.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon