Chapter 50 - Reminisce

28 1 0
                                    

Huminto kami sa isang condo… Teka condo ‘to ni kuya ah.. Ano namang ginagawa namin dito?? May unit siya dito?

“May unit ka?” okay! Nice talking to me… Kainis din siya no! dadalhin niya ako dito tapos di niya ako kakausapin. Lumabas na siya then umikot tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Kaya ko naman e di na siya dapat magpaka-gentleman pa. “Nice talking!!”

“Ano ba talagang ginagawa natin dito?”

“Sleep.”

“What?!!” He held my hand and we went towards the elevator.

Nang makapasok kami, pinindot niya ang 32nd floor. Okay! Andun ang unit ko nun ah. Di kaya??

“Gusto mo kausapin ang gumagamit ngayon sa unit mo.. diba?” Ayun naman pala e.

“Yeah! But isn’t it too late para makipag-usap tayo. Tsaka wala akong appointment sa kanya then si kuya nalang daw bahala… Wait! Wait! Wait! Pa’no mo naman nalaman ha?”  Oo nga! Pa’no nga naman! Nalilito na talaga ako. Sinabihan siya ni Kuya?? Close ba sila? Oo nga naman walang alam si kuya sa ending namin. Until this time nagkikita pa rin pala sila. Baka close sila at nabanggit sa kanya. Ganun nga siguro!

“I have my own ways! Ingay mo… halikan kita diyan.”

Ting… Elevator yun! Saved by the ting… hehe.. ayoko na ng mga kissing scene na yan. Lagi nalang din iyan ang panakot niya sa’kin ako naman nagpapasindak ayan tuloy para akong tuta ngayon.

Lumabas na din siya akala ako pa mauuna sa kanya e. Pursigido talaga!! Lumapit din siya sa pinto tas bukas na ang pinto.. Di ba marunong mag-lock ng pinto ang mga nakatira dito at basta-basta nalang makakapasok ang kung sino baka magnanakaw pa yun. Kawawa naman!

Sumunod din naman ako sa kanya.

“Hoi… bakit ka ba…puma… sok… ha?” pahina ng pahina ang boses ko nung marealize ko na… na wala man lang pagbabago sa unit ko dati… pati naiwang gamit ko andyan pa din. Nagustuhan ba ng may-ari ng unit ‘to? Ibang klase!!

“Walang pinagbago!” tapos nakita ko ang shelf ko nun… noon picture ko lang ang andun pero iba na. Kinuha ko kas iyon… Ngayon dalawa na ang nasa picture… ako at si Dave. “Bakit?!” Naiiyak na ako.. Dapat kong pigilan ‘to. Hindi ‘to ang tamang oras para maiyak.

“Simple lang naman ang sagot diyan e… Mahal kita!” talaga?! Ano pa bang hinahanap mong sagot Lyx? Ayan na oh sinabi na niya. Butterflies in my stomach, goosebumps! Ewan! Di ko mabasa ang sariling nararamdaman ko.

“ Ito lang ang tanging nagpapaalala sa’kin sa’yo. Dito ko binuo ang pangarap ko with you… Marry you! Have family with you! When you left, parang akong miserable dog na nawala ng gana sa sarili. Nung nawala ka, nawala din ako. Isa ‘to sa nagbigay lakas sa’kin na huwag mapagod sa paghihintay sa’yo. Ikaw lang kasi.. Ikaw lang!” di siya umiyak pero kita mo sa mata niya ang lungkot na masaya. Ewan! Di ko na rin siya mabasa. Nasasaktan na ‘ko. Ilang sandali nalang maiiyak na talaga ako. Haha! Speaking of… Tumulo na siya pero agad din akong pumunta sa bahagi ng unit ang counter at dali-daling pinunasan ‘to. Di ko talaga inasahan e.

“Di mo alam kong gaano ako nagmakaawa sa Kuya mo. Dinoble ko pa ang presyo para lang makuha ko ‘to. Ito nalang ang meron ako na nagmumula sa’yo. Swerte naman na iniwan mo pa iba mong bagay. Sobrang bait din ng kuya mo at pumayag siya…”

“Lyx mahal kita… Mahal na mahal!” Niyakap na niya ako mula sa likod. Ako naman umiiyak na hindi ko naman gumagawa ng ingay. Basta-basta na lang din tumulo ang luha. Nakisama pa e!

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon