Kabanata 7

4.5K 189 2
                                    

Secret

Hindi rin nagtagal at umalis ang tatlo, nagkuwento lang sila tungkol sa history at paano nabuo ang Miragen Institute.

Namangha ako dahil tunay ngang may iba't-ibang race noong unang panahon, 'yun ay ang faes, vampires, wolves at marami pang iba. Ang mga faes ay tagapag-alaga ng kalikasan at kapaligiran, kilala sila sa pagiging charmer. Si Ericka, ang nagtuturo sa amin, ay isang charmer at perpektong halimbawa ng fae. Hindi ko pa masyadong nakukuha ang ideya kung paano at saan nababase kung charmer, sorcerer at chanter ang isang tao.

Mamaya tatanungin ko si Mika tungkol doon. Sinarado ko ang kwaderno kong puno ng mga sulat nang makita ang pares ng sapatos sa harap ko.

"An-An, hindi ka pa ba magpapalit?" tanong ni Mika.

"Magpapalit?" tanong ko habang inaayos ang desk ko at nilalagay ang mga gamit sa bag.

"Oo, P.E. na ang next subject!"

Oo nga pala. Tumayo ako at hinanda na ang pag-alis ngunit may pares ng mga kamay ang pumulupot sa braso ko. Awtomatiko ko itong winaglit at hinaplos ang braso kung saan ako hinawakan.

"S-Sorry!" sambit ni Mika at nagmamadaling tumakbo palayo.

Naiwan akong mag-isa sa silid.


Aalis o hindi? Titig sa relo ko na tila napakabagal umandar, pinagpapawisan ako ng malamig. Bakit ba hindi na lang ako sumama kay Mika? Bakit...Bakit ako ganito?

Naiyukom ko ang kamao ko at pinikit ang mga mata na handa na namang lumuha. Ano ba 'to, simpleng bagay lang naiiyak na ako. Sinubukan kong kalmahin ang sarili at nagbilang ng tatlo bago huminga ng malalim.

"Kaya ko 'to," kumbinsi ko sa sarili.

Nanginginig ang mga tuhod ko nang tumayo, buti na lang talaga at walang tao ang nakakakita sa aki-

"Sino ka?"

"A-Ah?!" napalingon ako sa gawi sa sulok, naroon ang isa kong kaklase na nagpakilalang 'Secret'. Sinamantala ko ang pagkakapikit ng mga mata niya para tignan siyang mabuti. Nagkukusot siya ng mata gamit ang kanang kamay habang nakatakip naman ang kaliwa sa bibig niya na halatang humihikab.

Pakiramdam ko ay pagkakataon ko na 'to para makaalis sa problema!

Ang problema...hindi ko alam kung nasaan ang PE class at takot akong magtanong sa iba. Ang pinakadahilan ay naghahanap rin ako ng kasama...

Ngayon, ano ba ang magandang itanong na hindi magmumukhang feeling close ako?

Ang unang opsyon: Alam mo ba kung saan 'yung PE class? Sasabay sana ako dahil hindi ko alam kung nasaan.

Ikalawang opsyon: Puwede bang ituro mo kung saan ang PE class? Hindi ko kasi alam kung saan 'yon.

Umiling-iling ako. Tingin ko ang pangit naman at ang haba masyado?

"Secret!" tawag ko at itinuon ang tingin sa sapatos niya.

"Mm?"

"PE class, tara?" nasambit ko. Huli na para magsisi.

Walang senyales nang pagsang-ayon ngunit wala ring 'di pagsang-ayon. Tamad niyang binitbit ang bag niya at pagewang-gewang na lumakad.

Sumunod ako sa kaniya at nag-isip na lang ng kung ano-ano. Pilit kong iwinawaglit sa isip ko na hindi ako pinag-iisipan ni 'Secret' na feeling close ako, ang pangit ko kasama o ano pa man.

Sa huli, napunta ako sa pangungutya sa sarili. Eh ano naman kung iniisip niya 'yon? Totoo naman 'di ba? Napailing-iling ulit ako at napabuntong hininga. Dapat isipin ang PE!

PE.

PE.

P-

"Ah!" nabangga ako sa likod ni 'Secret' dahil sa biglaan niyang paghinto.

"Ikaw nagyaya ng PE 'di ba? Ikaw maglead." siya at pumunta sa likod ko. 


"H-Huh?" naisambit ko. Mabagal pa bago iproseso ng utak ko ang nangyari.

Nasa cafeteria kami ngayon...

"G-Gutom ka ba?" tanong ko.

"'Di."

"Bakit tayo nandito?" tanong ko ulit.

"'Di ko alam."

Sa mga oras na 'to, gusto ko siyang sigawan na 'Anong hindi mo alam?!'

"Eh paano tayo nakarating dito?"

"Paa." sabi niya at hinawakan ang dalawang balikat ko at pinatalikod gawi ng Cafe.

"PE. Hanapin mo." bulong niya at binitawan ako.

Napakunot ang noo ko at nagpagpag ng belo para hindi halatang sa balikat talaga ang tinatapik ko. Naghanap ako ng kasama pero mukhang mali ako nang nahanap.

"Hindi ko alam kung saan 'yung PE class." sabi ko habang naglalakad kami.

"Hindi mo rin alam?"

Rin? Rin?!

"Bakit 'di mo agad sinabi?" tanong ko at napahinto kami.

"'Di mo rin sinabi."

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa mga estudyante na naglalakad. Sila ang natatangi kong pag-asa. Pero labing limang minuto na yata kaming nakatayo ay hindi ko pa rin mapilit ang sarili ng magtanong.

B-Bakit na naman ganito?! Kinakabahan ako at pinagpapawisan na naman ng malamig. Na para bang kapag nagtanong ako ay hahatulan ako ng kamatayan.

Kamatayan! Mamamatay ako 'pag nagtanong ako!

Halos sambunutan ko ang sarili sa inis, nadadala na naman ako ng kahibangan ko! Paglingon ko sa kasama ko, nakasandal siya sa gilid at natutulog.

"Secret!" tawag ko sa kaniya.

"Secret!" ulit ko.

"Mm?" dahan-dahan siyang lumapit.

"Late na late na tayo, anong gagawin natin?" tanong ko, hindi na maitago ang kaba.

"Matutulog ako, ikaw?" siya na parang wala lang.

Mas lalo lang ako kinabahan, ano kayang sasabihin kong rason sa Instructor?! Oh 'wag na lang akong magrason at tahimik na tanggapin ang parusa sa mga late?!

Paano ba 'yong parusa?! Pero kasalanan ko naman...bakit ako natatakot?! Nilingon ko si Secret na nagsisimula na namang matulog at nabuhayan ng loob. May kasama naman akong mapaparusahan kaya ayos lang!

"An-An? An-An!"

"U-Uh, Mika..." sambit ko at napayuko. 


"Kanina ko pa kayo hinahanap, buti na lang tama ang hinala ko na hanapin si Secret!" masaya niyang sinabi na para bang wala lang 'yong nangyari kanina sa room.

Ako lang ba ang nag-iisip n'on?! Napatawad niya ba agad ako o wala lang talaga 'yon sa kaniya?

"Hehe, sinasabi ko na nga ba at nandito si Secret!" sabi niya at humagikhik.

"Mika," sambit ko at naluluha na.

"Oh?" tanong niya habang sinasambunutan si Secret.

"Sorry kanina!" nakapikit kong sinabi. 


"H-Huh?!"

Narinig ko ang hagikhik niya at lumapit sa akin, "Ano ka ba, wala 'yon! Si Mika-Mika dapat ang magsorry!"

Ramdam ko na gusto niyang hampasin ang balikat ko pero hindi na ako umilag. Sa huli, nahinto ang palad niya at pasimple na lang na nagkamot.

"Hehe, tara na?" tanong niya.

Napangiti ako.

"Tara."

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon