Kabanata 40

2.3K 105 1
                                    

Witch's Tower

"Anya?"

May tumapik sa pisngi ko. Napamulat ako ngunit agad ring napapikit, nasilaw ako sa apoy na nasa harap ko.

"Azeris? Nasaan tayo?" tanong ko. Huli kong naalala ay nahulog kami sa lupa.

"Sinira ni Secret ang magic array, pagkatapos no'n ay yumanig ang lupa. Nandito tayo ngayon," sinabi ni Azeris.

Lumingon-lingon ako. Nasaan sina Mika?

"Si Hunter lang ang kasama natin dito." sinabi ni Azeris nang mapansin na hinahanap ko ang iba.

Napatakip ako ng ilong. Mabaho at nakakasulasok ang amoy.

"Kumusta si Hunter?" tanong ko.

"Naghanap siya ng daan. Mukhang nasa ilalim tayo ng daan." sinabi ni Azeris.

Nasa kanal ba kami? Ginamit ko ang damit ko upang takpan ang ilong ngunit nagalaw no'n ang sugat ko sa likod. Dumikit ang tuyong dugo sa kalmot sa akin ni Hunter. Napadaing ako.

"Huwag ka munang gumalaw, hintayin natin si Hunter." sinabi ni Azeris.

Naupo ako habang iniinda ang masangsang na amoy. Hindi ko alam kung paano nakakaya ni Azeris ang manatili rito. Hindi nagtagal ay bumalik rin si Hunter.

"Kumusta?" tanong ni Azeris.

"Dead end. Mukhang papunta sa kaliwa ang daan." sinabi ni Hunter.

Tumingin sa akin si Hunter. "Anya, sorry sa ginawa ko!" 

Umiling ako. "Ayos lang 'yon, wala ka sa tamang pag-iisip. no'n" 

Kasalanan ko rin naman dahil wala akong ginawa kundi tumitig lang sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Tara na," si Azeris at nanguna sa paglalakad sa kabilang dako ng pinagscoutan ni Hunter.

Nag-alok si Hunter na alalayan ako ngunit tumanggi ako. Kaya ko pa naman ang sarili ko.

"Kung may mangyayari, iwan niyo ako." sambit ko.

Imposibleng makatakas kami nang nagiging pabigat lang ako.

"Masusunod." mabilis na sinabi ni Azeris kahit nagprotesta pa si Hunter.

Nagpasalamat ako kay Azeris dahil naiintindihan niya ang sitwasyon namin. Hindi namin alam kung nasaan ang iba, mas mabuti pang mag-ingat muna kami saka namin alalahanin ang iba.

"Teka, may naririnig ako." huminto si Hunter.

"Ano 'yon?" tanong ni Azeris.

"Shh," si Hunter at sumenyas na manahimik kami. Pinatay ni Azeris ang apoy mula sa fireball niya.

Sa una ay wala akong marinig ngunit patagal nang patagal ay may kaunting tunog ng bakal. Parang kumakaskas sa pader...

Unti-unti kaming nagsiksikan sa gilid.

"Shit, ano 'yon?" tanong ni Azeris.

"Huwag kang maingay." sinabi ni Hunter. Ininda ko ang sakit sa likod kahit mapipi ako sa pagsisiksikan na ginagawa namin.

"Teka lang, b-bakit ba ako na 'yung nasa harap?" pasigaw na bulong ni Azeris.

"Nakatingin ako sa likod!" sagot ni Hunter.

"Huwag muna kayong magsalita, hindi ko na marinig!" hindi ko mapigilang sinabi.

Patuloy na sumiksik sa akin ang dalawa, naramdaman ko pa ang lakas ng kabog ng dibdib namin.

"M-May naririnig pa ba kayo?" tanong ni Azeris.

"Wala..." sabay naming sinabi ni Hunter.

"Maglalakad na ba tayo ulit? Bubuksan ko na ang fireball?" si Azeris.

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon