Not the end
Natapos ang insidenteng 'yon sa pagtanggal ng mga instructor na may koneksyon rin sa VP.
Pansamantalang naging VP ang tatlo naming instructor na sina Miss Ericka, Michelle at Aiscelle.
Napag-utusan rin kami ni Miss Edera na huwag munang magsalita tungkol kay Zephyr. Mas malaking isyu raw 'yon.
Mabuti at tama ang naging desisyon ko na huwag sabihin nang buo ang nangyari lalo na't may encounter ako kay Zephyr at sa iba pang legends.
Hindi sa hindi na ako nagtitiwala sa mga kaklase ko, pakiramdam ko ay may nagmamatiyag lang talaga sa amin nang hindi namin alam.
Balik sa dati ang klase, maliban sa paminsan-minsang absent ng tatlo naming instructor, walang nagingnibang problema.
Medyo masungit pa rin sa akin si Sir Rancio kaya't lagi akong napapaadvance read doon. Mabuti na lang at kahit ganoon ay napangalanan ako.
Tinatanggap niya ang mga sagot ko. Tulad ngayon.
"Ang mana enhancement ay posible sa paraan nang pagworship sa nagbigay ng blessings sa atin. Maaari ring palakasin ang koneksyon sa kalikasan kung fae," sinabi ko.
"Possible bang magawa ang mana enhancement nang hindi ginagawa ang mga 'yon?" tanong ni Sir Racio.
"Hindi po." sinabi ko.
Hindi natin malalaman...
Dahil ang eksperimentong 'yon ni Zephyr ay naantala. Ang pag-enhance ng mana para kay X ay hindi natuloy.
Pero hindi ko na 'yon binanggit pa. Unti-unti kong binabago ang imahe ko rito. Isa na akong mabuting estudyante.
"Maaari ka nang umupo, Anya."
Naupo ako. Pasimple akong ngumiti kay Mika na kinakabahan na baka matawag.
Kung may matututunan man ako sa nangyari sa amin, 'yun ay ang pagtatago. Hindi namin kaya ang institute o ang nasa likod nito kaya't hindi namin kailangang direkta na lumaban.
Natapos ang klase nang hindi kami masyadong nagkukumpulan. Hindi na ganoon kaclose para magtipon sa isang tabi.
Ngunit iba 'yon tuwing gabi.
"Nandito na ba ang lahat?"
"Oo."
Ang mental link.
"Tingin ko suspicious rin ang instructor doon sa common class." sinabi ni Vaughn.
"Oo, inoobserve ko rin 'yon." sang-ayon ni Zephelin.
Tuwing gabi ay nag-uusap kami sa mental link kung sino ang nasa "Black Magic Group", ang grupo ng mga instructor o nasa mataas na posisyon sa school na kahina-hinala.
"How about the new instructors?" Si Trishea.
"Yes, laging umiikot ng buong building lalo na sa class natin. Akala mo Principal e," si Brei.
Nagtawanan sila. Totoo ngang may parang supervisor na instructor sa amin, madalas siyang "maligaw" sa building namin.
"May iba pa ba?" si Zephelin.
"Yung development kay Aria, sabi niya ay kakausapin niya raw si Zephyr." sinabi ni Brei.
Doon ako mas naging interesado. Ngayong malinaw na hindi masama si Zephyr, mukhang hindi na mag-"rerebelde" si Aria.
Kailangan namin ng mas malakas na pwersa kaya napag-isipan naming isali na si Aria sa ginagawa namin. Kasama naman na siya lalo na nang tulungan niya kaming makuha ang susi sa magic restriction namin.
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasiKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?