The past
"Shina, tulungan mo kaming pakiusapan ang Hari!" may lumapit sa aking nakasuot ng pang-maid.
Hindi ko alam ang gagawin dahil naguguluhan ako. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Bakit ganito ang epekto ng blessing ko?
"Wala na tayong magagawa." kusang bumukas ang bibig ko.
Naglakad kami at dumiretso sa ikalabing-limang palapag kung saan marami rin ang nakaluhod habang may isang matandang lalaki ang nakatayo sa gitna. Ang mga kasabay ko ay lumuhod rin ngunit dumiretso ako sa Hari.
"Kamahalan, hindi na po ba magbabago ang isip niyo?" itinanong ko.
"Ang pangyayaring 'to ay kalapastangan sa aming pamilya. Maswerte na kayong hindi idamay ang mga pamilya niyo." sinabi sa akin ng Hari.
"Ngunit ang iba naming pamilya ay nandito rin." sinagot ko.
Ano ba itong sinasabi ni Shina?!
"Kasalanan na nila 'yon dahil nasa Witch's Tower sila." sinabi ng Hari. Nilingon niya na ang mga nakaitim na robe, mukhang ineenchant na nila ang Tower.
"Kamahalan, ang kapatid ko ay nandito rin. Naalala niyo po ba ang mahusay kong kapatid na si Zephyrus? Hindi ba't pinuri niyo siya at sinabing sa palasyo siya magtra-trabaho?" sinabi ko at lumuhod.
Teka? Zephyrus? Kapatid? Nag-distort ang paligid at nakita ko na lamang na hawak ng Hari ang kamay ng bata na pamilyar sa akin. Si Zephyr 'yon. Naluluha ang mga mata niya habang tumatawag sa akin ng Ate.
Kaya ba ako pinagmamasdan ni Shina dahil may koneksyon ako kay Zephyr?!
"Ate, Ate! Babalikan kita!" sinabi ng batang si Zephyrus.
"Isang daan at limampung taon mula ngayon, isang babae ang magbibigay sayo ng susi para rito. Tandaan mo 'to, Zephyrus." sinabi ko at gumuho na lahat.
Naputol doon ang nakita ko at bumalik ako sa reyalidad. Nagmulat ako ngunit hindi ko na mahanap ang presensya ni Shina. Sa kamay ko ay isang susi.
Unti-unting nagliwanag ang paligid. Napapikit ako dahil sa silaw.
"Kumusta, Zephaniah?" tanong ng pamilyar na boses.
"Zephyr." sambit ko. Nilingon ko siya. Binata naman ngayon ang anyo niya. Hindi ko tuloy alam kung clone niya ba ito o totoong siya ang nakikita ko. Nandoon pa rin ang bigat ng presensya niya.
Nilapag niya ang palad niya sa harap ko. Hinihingi ang susi. Inabot ko 'yon sa kaniya.
"Salamat," sinabi niya at nawala sa harap ko.
"Zephyr?" tawag ko.
Saan siya pumunta? Hindi ko pa nahahanap sina Hunter kaya't hindi pa ako aalis rito. Sinubukan kong umakyat sa taas. Walang sumalubong sa akin na halimaw o kung ano, ngunit nakita ko na lumiliwanag ang mga katawan at matapos ay nawawala rin.
Nagmadali ako sa pag-akyat ngunit ganoon rin ang nakita ko sa mga sumunod na palapag. Kahit gaano ko bilisan ang pag-akyat ko ay mahina na ang katawan ko. Huli na nang makaakyat ako sa fifteenth floor, naayos na ang tore at nakita ko na lamang likod ni Zephyr na tumitingin sa malaking bintana.
Wala sa dating kadiliman ang naramdaman ko sa Witch's Tower. Ang payapa pang tignan lalo na't kami ni Zephyr lang ang nandito.
"Zephyr," tawag ko. Huminga ako nang malalim. Hindi niya ako nilingon pero mas nanaig sa akin ang manghingi ng tulong para sa mga kaibigan ko. Tumingin rin ako sa bintana. Bigo dahil madilim doon.
"Zephyr, ang mga kaibigan ko..." panimula ko.
"Zephaniah, naniniwala ka ba na kung anong mangyayari ay mangyayari talaga?" tanong ni Zephyr.
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasíaKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?