Encounter
Hindi ko alam kung paano ako nakatakbo nang walang nangyayaring masama sa akin ngunit napahinto na lang ako nang matauhan. B-Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ako tumakbo sa takot?
Ngayong mag-isa na lang ako ay mas lalo lang akong natakot. Nanginginig ang buong katawan. Kinalma ko ang sarili ko. Nababaliw na ba ako? Bakit...Bakit ganito ang takot ko? Sumandal ako sa puno habang alertong nakatingin sa paligid. Walang silbi itong ginagawa ko dahil kung may lalabas man sa dilim ay hindi ako makagagalaw.
Hindi ko gustong umiyak ngunit natagpuan ko ang sariling humihikbi. Sa oras na 'to ay hinahanap ko ang proteksyon ng Mama ko.
Hanggang dito lang ba ang kaya ko? Eto na ba ang dulo ng kakayahan ko? Hindi ko maintindihan... palagi kong gustong lumakas. Bakit ganito ako katakot? Habol-habol ko ang hininga dahil sa takbo at iyak na ginagawa. Sumasakit na rin ang dibdib ko.
Hindi sa ganitong paraan ang kamatayan ko. Hindi dapat ganito...
Papatunayan ko pa kay Zephyr!
Sinampal-sampal ko ang sarili para lang matauhan, hindi ko alam kung epektibo ba ngunit mas lumakas na ang loob ko. Sana ay sumugod nga ang mga halimaw na 'yon para makita ko kung magagamit ko ang blessing ko sa kanila.
Hinintay kong may lumapit ngunit patagal nang patagal ay kadiliman lang ang sumalubong sa akin. Patagal rin nang patagal ay natatakot ako.
"Lumabas kayo!" sambit ko.
Walang nangyari kaya't tumakbo na ako, hindi alam kung saan direksyon ngunit inaasahan ko ang kalaban.
"Hee hee hee hee," rinig kong sambit ng boses.
Taranta akong napalingon. Ngayon ko lang nakita na may sumusunod sa akin! Hindi lang 'yon, marami rin silang nakapalibot! Madilim man ay sinubukan kong hanapin ang titig ng nasa harap ko.
"Hee hee," tumawa ito na parang inaasar ako dahil wala akong nagawa kundi mapaatras.
Hindi gumana ang blessing ko! Anong nangyayari?! Unti-unting lumiit ang distansya nila sa akin, paulit-ulit ang nang-uuyam na halakhak. Napaupo ako habang nakahawak sa ulo. Hindi mapigilang isigaw ang pangalan ni Mama.
Naramdaman ko ang malamig na sensayon sa balat ko ngunit wala akong ginawa kundi sumigaw, parang may pumukpok sa ulo ko at sobrang sakit no'n. Wala na akong pakialam kung may makakarinig man ng sigaw ko. Halos mapaos ako sa kakasigaw dahil sa sakit.
"Tama na!" sigaw ko at pilit na kinampay ang mga kamay.
"Hee hee hee," lumapit sa mukha ko ang
Unti-unting nawalan ng lakas ang katawan ko at hindi na rin nakasigaw pa. Pakiusap...
Sana ay magkaroon ako ng blessing na kayang pumatay nang mabilisan!
"Hay, kawawa ka naman." may narinig akong nagsalita ngunit hindi ko 'yon maintindihan. Biglang may kislap ng kung ano ang tumama sa mga halimaw na lumulutang sa harap ko. Nagpira-piraso ang katawan nila ngunit walang dugo, kundi naging parang abo. Nakahinga ako nang maluwag at papapikit.
H-Hindi... Hindi ako pwedeng matulog...
"Huh... 'yon na si Sixth na interesadong sinasabi ni Papa?" rinig kong sambit ng boses. Sumunod ang mga yabag papalapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagpikit ng mga mata at sumuko sa kadiliman.
Napamulat ako ng mata at nakita ang hindi pamilyar na kisame. Huh? Nasaan ako? Panaginip lang ba ang lahat ng 'yon?
"Gising ka na."
Paglingon ko ay nakita ko ang isa, mali dalawang babae. Ang nagsalita ay nasa tabi ko habang nakatingin sa akin, ang isa naman ay nakahalumbaba sa lamesa at nakatingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasíaKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?