Kabanata 33

2.8K 121 1
                                    

Against the institute

Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa Elites Tower. Naroon na sila Zephelin, kapansin-pansin ang suot nilang magic restriction. Itim 'yon at nagmistulang choker, parang isa silang grupo ng boy band...

"Before kami pumunta dito, nagreklamo na ako kay Ate. Nalaman daw nila ang nangyari kahapon pero huli na dahil nabigyan na tayo ng punishment." balita agad ni Vaughn.

"May chance na iligtas tayo ng mga instructor natin," sinabi ni Hunter.

"Hindi tayo sigurado. Kung kahapon pa nila nalaman ay malamang may argumento na agad 'yon," si Zephelin. 

"Baka mag-iinvestigate rin ang teachers natin." sagot ni Brei.

"Teka nga, kumain muna tayo. Nabubwiset lang ako kapag naalala ko ang sitwasyon natin." dagdag niya at naghalumbaba sa harap namin.

"Hindi ka naman talaga kumakain sino ba ang niloloko mo?" pambabara ni Vaughn.

"Sasagot ka pa-"

"Quiet." putol ni Trishea.

Natahimik kami. Saglit lang ang pagkain, siguro ay tulad ko sila na walang gana. Nagmamadali rin siguro dahil marami pa kaming gagawin sa araw na 'to. Pumunta kami sa library dahil doon ang napag-usapan naming meeting place.

Hindi kami pinansin o pinaalis man lang kaya mabilis ang proseso nang pagpunta roon. 

"Okay, libre tayong makakapag-usap ngayon dito." si Vaughn.

"Alam niyo ba kung paano natin matatanggal 'to?" sambit ni Brei habang hawak ang magic restriction sa leeg niya.

"Imposible." sagot ni Zephelin. "Susi lang ang makakatanggal dito, na hawak ng Vice Principal." 

"So we can't do anything?" si Trishea.

"Pwede naman, kung kukunin natin mismo doon sa office," nangingising sinabi ni Brei.

"Paano nga? Hindi naman natin kaya nang hindi natin magagamit ang blessing natin." sagot ni Vaughn.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga nagsasalita. Magulo talaga kami...

"Mayroon ba tayong plano talaga?" hindi ko maiwasang itanong.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Brei.

"Ano ang ipinunta natin dito. Kung balak ba natin kunin ang susi o i-clear ang pangalan natin na hindi tayo ang gumawa." sagot ko.

"Kulang pa, may isa pa, 'yun ay ang imbestigahan ang ginagawa ng institute." si Zephelin.

"Hindi natin magagawa 'yon kung restricted tayo." halos mawalan ng pasensya na sinabi ni Azeris.

Napabuntong-hininga ako. Wala na ba talaga kaming laban?

"Pwede namang hintayin natin ang balita sa Ate ko, 'di ba nag-investigate sila sa case natin?" si Vaughn, pilit na pinapagaan ang usapan namin.

"Uhm...hindi ba tayo pwedeng maghintay na matapos ang punishment?" tanong ni Mika.

"Naisip ko rin 'yan," sambit ni Zephelin.

"But there are enemies waiting for us, we don't know what will happen in the period where we are powerless." sinabi ni Trishea.

"Dead end na tayo," si Brei.

"Bakit hindi na lang tayo maghanap dito ng libro na makakatulong sa problema natin?" tanong ni Hunter na nagsimulang magbuklat-buklat ng libro.

"Wait." sambit ng isang boses.

Napalingon ako, himala na si Secret ang nagsalita. Si Secret na laging antok...

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon