Kabanata 2

5.8K 257 2
                                    

Roommates

Huminga ako ng malalim bago hinanda ang sarili sa pagkatok.

Kagaya mo sila, bakit ka kakabahan?

Nanginginig ang kamay kong kumatok sa pinto. Naghintay ako ng isang minuto at pakiramdam ko, matagal na akong nakatayo.

Nagdalawang-isip na naman ako kung kakatok ba ulit o maghihintay.

Kumatok akong muli at sa wakas, may nagbukas. Dahan-dahan ang pagbukas, para akong nasa isang nakatatakot na pelikula.

May lalabas kayang multo?

May sumilip sa pinto, babae at may mahabang buhok. Nakasuot ng puting bistida, at walang saplot ang mga paa.

Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa mukha niya dahil baka mapatakbo lang ako.

Binuksan ng babae ang pinto ng mas malaking awang upang makapasok ako.

Inikot ko ang tingin ko at nakita ang tatlo pang mga babae maliban sa nagbukas kanina.

May nakahiga sa kama ngunit ang katawan niya ay lumulutang. Ang isa nama'y ngumunguya ngunit walang kinakain.

At ang isa...

"Hi! Mika ang pangalan ko, tawagin mo akong Mika-Mika!" patakbo siyang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko.

Dahil sa paninibago, inalis ko ang nakapulupot niyang kamay sa akin.

"Eh?!" napasimangot ang nagpakilalang Mika at huminto sa harap ko, inaanalisa ang pagkatao ko.

"Mika, do not block her way." sabi ng babaeng nagbukas ng pinto sa akin.

Ngumuso si Mika at humakbang palayo ngunit hindi pa rin nawawala ang titig sa akin.

"Dito ka!" sabi niya bigla at tinuro ang kama malapit sa bintana.

Tumango ako at naupo doon, nakatitig sa tiles at nagsimulang bilangin kung ilan iyon.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Mika.

Simple lang ang tiles, puti at walang kadumi-dumi. At...pangalan ko?

"An-Anya," sambit ko, tinatago ang kaba.

Makikipagkilala ka lang, Anya. Kalma. 


"An-An! I'll call you An-An!" sabi niya at humagikhik.

"'Yung kanina na nagbukas ng pinto, si She-She, tapos itong kumakain si Brei-Brei at ang natutulog ay si Riri!" pakilala ni Mika.

Tumango ako tanda na inaalala ang pangalan nila. Sila ang masasabi kong mga taong una kong nakilala matapos ang sampung taong pagkukulong.

"An-An, anong blessing mo?" tanong ni Mika bigla.

Blessing.

Parang gusto kong tumawa sa mga katagang 'yon. Hindi ba curse ang ibig niyang sabihin?

"Ayos lang kung ayaw mong sabihin! Eh kanino galing ang blessing mo?" Tanong ulit ni Mika.

Kanino galing?

Sandali akong natahimik at natulala. Maraming tanong ang sumagi sa isipan ko. Pumikit ako ng mariin.

Bakit si Mama, normal?

Hindi siya tulad ko, nakatatakot at isinumpa.

Bakit hindi minsan nabanggit ni Mama si Papa?

Kay Papa ba galing ang sumpang 'to?

"Hmm, pagod siya. Bukas mo na lang kausapin 'yan." rinig kong sinabi ng isa na ipinakilalang Brei-Brei ni Mika. Ano kayang pangalan niya at bakit Brei-Brei ang tawag sa kaniya? Brei na lang ang itatawag ko sa kaniya.

Ang sunod-sunod at malalakas na pagkatok ang bumalik sa akin sa reyalidad.

Napakurap ako at inalis ang mga tanong na 'yon sa isipan.

Ang babaeng tinawag na She-She- o She, ang nagbukas muli at nakita ko ang maleta ko. Binigay niya sa akin kaya nagsimula na akong mag-ayos ng gamit, hindi inda ang tingin nila sa akin.

"An-An, gusto mo tulungan kita?" tanong ni Mika.

Umiling ako.

Masaya man akong makakilala ng mga bagong tao ay hindi ako handang makipaghalubilo sa kanila.

"Mika, ang ingay mo talaga." rinig kong sinabi ni Brei.

"Hindi maingay si Mika-Mika, friendly lang siya!" sa aking isipan, nakikita ko ang pagnguso ni Mika.

"Magkaiba ang friendly sa feeling close!" basag ni Brei.

"H-Huh,"

"I hate you!" sabi ni Mika at umalis sa silid.

"Nagtatampo si Mika-Mika, kailangan mo siyang suyuin!" pahabol niya bago umalis ng tuluyan at sinirado ng malakas ang pinto.

Matagal rin bago ko naayos ang mga gamit, inabala ang sarili upang hindi mapansin ang bumubulong sa aking isipan.

Hindi dapat ako matakot sa mga taong 'to, ano bang pinag-iisip ko?

Binagalan ko pa ang aking ginagawa upang may masabi lang na may ginagawa at para huwag nila akong kausapin. Sa huli, hindi naman madaldal sina Brei at She. Nakapagtataka lang na hindi pa rin nagigising si Riri.

Sa ingay ni Mika at ang pagsara niya ng pinto kaninang pag-alis niya, walang galaw ang mababakas sa natutulog na babae.

"Siya si Aria, masanay ka na dahil isang taon na ang lumipas nang hindi siya magising." si Brei.

Napatingin ako sa gawi niya at nakitang wala na siyang nginunguya na kung ano.

Ngumiti siya at lumapit kay Aria, hinawakan ang kamay at pumikit.

Mas napagmasdan ko tuloy ang itsura niya, ngunit hindi ako nagtagal sa pagtitig dahil baka magmulat siya ng mata.

Maya-maya ay bumukas ang labi niya at may banayad na ngiti.

"Ikaw ang bagong roommate? Ako si Aria, nakilala rin kita! Kamusta, Zephaniah?"

Alam niya ang tunay kong pangalan!

Sa oras na 'to ay gustong-gusto ko siyang makausap ngunit rumehistro sa utak ko ang nangyari.

Sinabi niyang siya si Aria?

Wala namang nagbago sa itsura ni Brei, o sa boses niya. Paano niya nagawa 'yon?

Imposible.

Imposibleng mangyari 'yon!

Ngunit sinong niloloko ko? Ang tulad ko nga ay may kakayahang ganito, ang iba pa kaya lalo na't nandito ako sa lugar na 'to?

Isipan ko mang mabuti, hindi mahanap ng utak ko kung paano 'yon nagawa ni Brei.

"Zephaniah, huh? That's cool. We've found another one." narinig kong muli ang boses ni Brei.

Kung wala akong takip sa mukha ay makikita niya kung gaano ako makatingin sa kaniya gamit ang hindi maintindihang ekspresyon.

"'Yung kanina...si Aria ba talaga 'yun?" tanong ko matapos makabawi sa gulat.

"Oo. Kung gusto mong malaman kung paano ko 'yun ginawa, sabihin mo muna ang blessing mo." sabi niya at nagbigay ng mapaglarong ngiti.

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon