Kabanata 29

3K 134 0
                                    

Truths and Lies

Balik sa dati na naman ang araw ko sa Miragen Institute, ngunit hindi tulad nang dati na naghahabol ako para makasunod sa mga kaklase ko, sa wakas ay hindi na ganoon kalaki ang gap sa kaalaman namin. Ginugol ko ang libreng oras ko sa pag-aaral imbes na sumama sa kanila, kasama na doon ang pagtigil sa paghanap ng impormasyon sa legends at kay Zephyr sa library.

Mas abala ako sa pagpapalakas ng sarili kaysa sa dating kuryusidad sa pagtuklas tungkol sa blessing ko o kay Zephyr. Siguro nga ay selfish ako dahil nakuha ko na ang gusto ko, nalaman ko na ang pagkatao ko kaya't hindi na ako sumama sa kanila.

Ang usapan namin ni Zephyr ay nanatiling sikreto, bukod sa wala pa akong oras para sabihin kanila Zephelin ay may masama akong pakiramdam doon lalo na sa huling sinabi niya.

Inaasahan niya ang paglakas ko.

Ibig sabihin ba no'n ay may problema na naman kaming haharapin? Hindi ko alam pero nagising ako sa mga salitang sinambit niya, kailangan kong humanda...

"An-An, hindi ka pa ulit matutulog?" tanong ni Mika sa akin.

Umiling ako. "May klase tayo kay Sir Racio bukas." sagot ko.

"Oo nga pala, bukas na lang ako..." sambit niya at nag-goodnight sa akin.

Sa mga sumunod na araw ay nasanay na sila sa akin na nakaharap sa libro, tinalo ko pa si Trishea na pinakamasipag sa amin. Dapat lang 'yon dahil ako ang may pagkukulang, mas kailangan kong doblehin ang sipag.

Humikab ako ngunit pinilit pa ring imulat ang mata. Sigurado akong matatawag na naman ako bukas, hindi ko alam pero paborito niya akong tawagin. Buti na lang ay bukod sa unang beses kong pag-iyak sa subject niya, wala na 'yong kasunod. 

Balak kong mapangalanan sa subject niya kaya't kailangan kong magbasa nang magbasa. Hindi ko alam kung kailan ako napapikit ngunit naramdaman ko na lamang na may nagkumot sa akin at naglagay ng libro sa side table.

Sino 'yon...


Paggising ko ay kinapa ko agad ang libro, binuklat at tumayo habang inaalala ang binasa ko kagabi. 

"Good morning, An-an!" bati ni Mika sa akin.

"Good morning," bati ko pabalik. Napatingin ako sa pagkain na nakalapag sa lamesa, ganoon pa rin.

"Kakain na lang ako mamaya," sambit ko at umupo. Kahit hindi ako kakain ay sumasabay pa rin ako sa kanila sa umaga, nakaupo sa gilid habang nagbabasa.

"Hmm, prepared na prepared ka kay Rancio, ha?" si Brei.

Hindi ko siya pinansin at nagpokus sa ginagawa. Mabuti na lang at walang balak na mang-inis si Brei ngayon. Hindi ko kakayanin dahil sa lahat ng subject ay sa kaniya lang ako lugmok. Kahit sa PE namin ay may progress na ako, at sigurado rin naman akong hindi ako nagkulang sa pagpractice ng blessing para sa susunod na misyon namin.

Itong subject lang talaga...


"Good afternoon," bati ni Sir Rancio.

Bumati kami pabalik at tulad nang dati, pagkatapos pa lang naming makaupo ay may tanong na agad siya. Napalunok ako.

"Ang ating diskusyon ngayong araw ay...mana channeling. Maaari ko bang malaman kung ano ang mana channeling, ikaw na katabi ni Vaughn?" si Sir Racio. Si Hunter ang natawag.

"Ang mana channeling po ay isang skill kung saan ang user A, o sender, ay kayang magbigay ng mana sa user B, o receiver, sa pamamagitan ng channeling. Ang channeling po ay yung process mismo sa pagbibigay ng mana, maari itong isagawa sa paghawak sa likod ng receiver." detalyadong sinabi ni Hunter.

"Mahusay, may isa pa akong katanungan. Sino ang sender at ang receiver? Maaari bang magkaroon ng iisang sender at maraming receiver? Pwede rin ba itong baliktarin?"

"Yes sir, ang sender po ay yung magbibigay ng mana at ang receiver naman ang makakareceive no'n. Mayroon po tayong tinatawag na dual channeling kung saan dalawa lang po ang pwede, isang sender at receiver. Mayroon rin pong group channeling kung saan pwedeng higit sa isa ang receiver ngunit iisa lang ang sender." sagot ni Hunter.

"Magaling! Ano ang iyong pangalan?" tanong ni Sir Rancio. 

"Hunter po," 

"Maaari ka anng umupo, Hunter."

"Palawakin pa ang diskusyon sa dual channeling at group channeling, ikaw na katabi Mika."

Agad akong tumayo. Teka, kasabay kong tumayo si Trishea! Parehas kaming katabi ni Mika.

"Who are you pertaining to, Sir?" tanong ni Trishea.

"Ikaw. Maupo ka muna, hija." si Sir Racio sa akin. Bigo akong naupo. Ano ba yan, kung kailan madali-dali ang tanong...

Nakinig akong mabuti sa sinabi ni Trishea, mahaba ang sinabi niya at mas malalim ang eksplanasyon. Wala namang reklamo si Sir at minsan pang sumisingit para magtanong. Hindi na nakakapagtaka kung tatanungin rin ni Sir Racio ang pangalan ni Trishea.

"Ikaw, dahil kasabay mong tumayo si Trishea, ikaw na lang ang tatanungin ko."

Sa hindi inaasahan ay ako pa nga ang nakita niya. Tumayo ako.

"Sa tingin mo ba, base sa diskusyon ng iyong mga kaklase, maaari bang magkaroon ng higit pa sa isa na sender at iisa lang na receiver?" tanong ni Sir Racio.

Nabunutan ako ng tinik, mabuti at alam kong sagutin!

"Opo, 'yon ay kung ang receiver ay mas malaki ang mana pool kaysa sa mga sender. Kakailanganin po ng isa pang source, yun ay ang sender, para magkaroon ng sapat na mana sa receiver." sagot ko.

"Sigurado ka ba sa iyong sagot?" tanong ni Sir Racio.

"Opo." sagot ko.

"Kung ganoon, bigyan ng patunay." 

Bahagya akong natigilan, walang example ang nabasa ko. Pero gagana naman siguro kung isasagot ko ang naiisip ko.

"Si Zephyr po," sambit ko.

"Gumamit po siya ng mana channeling, sa pagitan niya at ng mga clones niya." dagdag ko.

Nilingon ako ni Sir Racio. Hindi ko alam kung ito ba ang inaantay niyang eksplanasyon o may iba pang example para dito. Hindi man ako sigurado pero mukhang ganoon ang ginawa ni Zephyr sa mga clones niya.

Ang experiment.

"Alam po nating malaki ang mana pool ni Zephyr, kaya po ang ginawa niya ay gumamit siya ng mana channeling sa mga clones kung saan siya ang sender at ang dalawang clone ang receiver. Ang dalawang clone receiver po na 'yon ay naging sender sa isang estudyante." sambit ko.

Natahimik kaming lahat. Hindi ko alam pero mukhang mali na sabihin ko 'to sa klase na 'to.

"Ano ang iyong pangalan?" tanong ni Sir Racio. Mariin ang pagtitig niya sa akin. Para akong dinudurog sa pressure.

"Zephaniah po," sambit ko.

"Zephaniah, sigurado ka ba sa sinabi mo?" tanong ni Sir Racio.

Kinagat ko ang labi ko. Nakakatakot ang tingin ni Sir. 

"Hindi ko alam kung saan mo 'yan nalaman o kung saan mo binasa, naniniwala ka ba sa impormasyon na sinabi mo sa amin?" tanong ni Sir Racio.

Napayuko ako. "H-Hindi po..."

"Kung ganoon ay bakit mo pa sinabi? Hindi mo ba alam na ang impormasyong 'yan ay maaaring magbunga ng kalituhan lalo na sa iyong mga kaklase?" paratang ni Sir.

"Manatiling nakatayo!"

Naiyukom ko ang kamao ko. Sinabi kong hindi ako sigurado dahil kulang ako sa ebidensya, pero paano kung 'yun ang totoo? Anong masama sa pagsabi ko tungkol doon?

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon