Enhancing Skills and Abilities
Nasa labas kami ng office ni Miss Edera para ireport ang nangyari. Sa kasamaang palad, wala siya at ang Secretay lang ang naroon. Sina Zephelin at Trishea ang kumausap.
"Sino sa tingin niyo ang may gawa nito?" bulong ni Vaughn.
Bahagya akong napalingon sa mga kasama ko, lahat sila ay seryoso at madilim ang ekspresyon. Natigil ang tingin ko sa walang kangiti-ngiting si Mika. Dahil siguro sa titig ko ay napansin niya kaya't nagtama ang mata namin.
Agad akong napayuko at nagpokus sa puting tiles.
"Ahh... ayaw kong mag-isip ng ganito." yamot na sinabi ni Brei.
"Wala si Miss Edera kaya ang lakas ng loob nilang gawin 'to sa Elites." si Azeris.
Nila? Sino sila?
"May traydor kaya dito?" bulong ni Mika.
Napalingon ako, mali-kaming lahat pala, kay Mika. Nakagugulat na ang lakas ng loob niyang magbagsak ng mga gano'ng salita lalo na't nandito kami sa building ng mga guro at sa nakatataas na posisyon.
"Uhm..." hilaw siyang napangiti nang mapansin ang tingin na natanggap.
Gusto kong magtanong kung anong nangyayari, kung bakit parang alertong-alerto sila. Ano 'yung itim na usok na lumabas sa damit namin?
"Kung mayro'n nga, mukhang matagal na sila dito. Nasaktuhan kung kailan wala si Miss Edera." si Hunter.
"Mga nasa mataas na posisyon lang naman ang nakakaalam kung kailan umaalis ang Principal." dagdag ni Brei.
Magsasalita pa sana si Vaughn nang bumukas na ang pinto mula sa office, iniluwa no'n ang dalawa naming kaklase na hinihintay.
"Anong sinabi?" tanong ni Vaughn.
"Magpalit muna tayo ng uniform at ibibigay natin kay Miss Donna." Si Zephelin.
Gusto mang alamin ng iba kung anong pinag-usapan ay hindi na sila nakapagprotesta. Sino nga namang gustong suotin pa ang uniporme na nagdala sa amin sa kapahamakan?
Bahagya ko ring nakalimutan na may masamang bagay ang lumabas galing sa suot namin.
"May next class pa tayo." bumuntong-hininga si Mika.
Oo nga pala, ang huli naming klase ay ang Enhancing Skills and Abilities. Sa pagkakaalam ko, ito ang subject na mayro'ng grupo para sa "misyon".
Sa hindi na naman maipaliwanag na dahilan, nanlamig ako. Naroon na naman ang sensayon na parang kinakain ang puso at kalamnan ko.
"Ayos ka lang An-An?" tanong ni Mika sa akin.
Tumango ako. Mukhang ayos na rin siya dahil naibalik na ang sigla niya.
"Kinabahan ka rin ba kanina? Hayaan mo, malalaman rin natin kung sino ang nagcurse sa atin!" sambit niya.
"Curse?" tanong ko.
"Oo, ang tawag sa magic na 'yon ay curse. Ginamit nila ang ability nila para mangpahamak kaya curse ang tawag doon." paliwanag ni Mika na mukhang nahalata ang pagkawalan ko ng ideya.
Curse.
Kung ganoon, totoo ngang curse ang abilidad ko. Hindi lang ako nakapamahamak...
Nakapatay rin ako.
Agad kong iwinaglit ang masamang alaala sa isipan at sinubukang magpokus para sa susunod na klase.
"Lagpas tatlumpung minuto na kayong huli sa klase ko ngunit naiintindihan ko." sambit ng instructor namin.
"Nabalitaan ko ang nangyari, at malaking isyu 'yon. Sa susunod na tatlumpung minuto ay magkakaroon ng emergency meeting kaya't bibilisan ko ang introduksiyon. Ako si Redencio Amorsolo, ang instructor niyo sa ESA. Tawagin niyo akong Sir Red. Ako rin ang hahawak sa bawat misyon niyo katuwang si Sir Leo na alam kong nakilala niyo na." pahayag niya.
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasyKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?