Physical Education Class
"An-An, hindi mo ba tatanggalin 'yang belo mo? Magagalit si Sir Leo!" sabi ni Mika habang nakatingin sa akin sa salamin.
"B-Bakit magagalit?" tanong ko.
"Kasi nakatali dapat ang buhok!" siya habang nagtatali na ng pa-ponytail.
Mas lalo ako kinabahan. Paano 'to?!
"Hehe, wala ka bang panali? Ito oh," sabi niya at ibinalandra ang talento niyang magsummon sa ere ng tali.
"Sige na, magtali ka na~" pang-aakit niya.
"Salamat," kinuha ko ang tali at sinuot sa kamay ko.
"Hmp, humanda sa akin 'yang si Azeris at bubugbugin ko!" nasulyapan ko ang papasok na si Brei.
Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Brei bago ako umiwas ng tingin.
"Brei-Brei, She-She!"
"Mika, bakit ka nandito?" tanong ni Brei.
"Kasi sinamahan ko si An-An!"
"Oh?" tumabi sa akin si Brei at naghugas ng kamay. "Anyway, tawag na tayo doon. Halika," sabi niya at hinila si Mika.
Nakahinga ako ng maluwag. Doon ko lang narealize na kanina ko pa pala pinipigil ang paghinga ko. Pagharap ko sa salamin, nandoon ulit si Brei! Nagtaas siya ng kilay at mukhang may pakay siya sa akin!
"Anong kailangan mo?" kinakabahan kong tanong.
"Ikaw ang may kailangan sa akin!" sabi niya at sapilitang kinuha ang kamay ko at may pinahawak sa 'kin.
"Suotin mo 'to." sabi niya at umalis.
Pagtingin ko, eyepatch.
Para sa kaliwang mata ko...? Lumingon-lingon ako at nang makumpirmang walang tao, tinanggal ko ang belo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Pula sa kanan, lila sa kaliwa.
Bakit nga ba sa kaliwang mata? Pero mukhang alam ni Brei ang tungkol sa kalagayan ko kaya pansamantala ko siyang susundin.
Tinali ko ang buhok ko at ilang beses kinausap ang sarili sa salamin.
Kaya ko 'to.
Kaya mo 'to!
Sumilip ako at nakitang nakapila na ang mga kaklase ko. Kinakabahan man ay pinilit ko ang sarili na lumabas sa CR. Patakbo akong lumapit at yumuko. Nasa likod ako ni Ishe.
"Legend nga!" Narinig kong bulong ni Vaughn Lanada sa kaharap niya, si Zephelin Alferez.
Pumito ang Instructor namin kaya napunta ulit ang atensyon ko doon.
"Sumunod kayo sa akin nang walang ingay."
Pumasok kami sa malaking room kung saan may mga apparatus at iba pa.
"Mikayla Jean, 40 kg. 154 cm."
"Yes! Tumangkad ako!" sambit ni Mika.
"Aubrey Roa, 38 kg. 153.5 cm."
"H-Huh?!"
"Mas matangkad ako sa'yo, Brei-Brei!" humagikhik si Mika.
Napatingin ako kay Trishea, dahil pagkatapos niya ay ako na. Hindi kaya ako naman ang tignan nila dahil tapos na sila?!
"Trishea Dela Rosa, 45 kg. 159 cm."
"Wow!" si Mika. Isa na rin ako sa namangha, pati ang mga lalaki napapalakpak.
"Shh!" saway ni Sir Leo.
Kabado akong tumungtong at hinintay ang robotic voice ng machine.
"Zephaniah Mateo, 37 kg. 151 cm."
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasyKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?