Kabanata 15

3.7K 157 0
                                    

Life Forms

Dahil ang susunod naming subject ay Life Forms, hindi kami pumunta sa classroom. Namamangha pa rin ako habang nakatingin sa iba't-ibang halaman at puno. Kumpara sa labas na amoy polusyon, mas masarap dito ang simoy ng hangin.

"An-An, handa ka na ba?" tanong ni Mika.

"B-Bakit?" kinakabahan kong tanong. Kapag si Mika talaga at ang nakakatakot niyang ngiti, parang may hindi magandang nangyayari!

"Aapak tayo sa Teleportation Circle!" sagot niya.

Teleportation Circle?

"Gamit 'yon ay mapupunta tayo sa Mystic Land," paliwanag niya.

"Oh..." sagot ko. Akala ko ay kung ano na.

Isa-isa kaming umapak sa magic circle. Nang masiguro ni Miss Latina, ang instructor namin sa Life Forms, na kompleto na kami ay pumasok na rin siya sa loob.

"Mystic Land," banggit ni Miss Latina at sunod ko na lang na naramdaman ay matinding pagkahilo na parang binabaliktad ang tiyan ko.

"Ack!" sambit ko at napaluhod habang hawak ang tiyan. Narinig ko ang hagikhik ni Mika.

"An-An, ayos ka lang?"

Agad akong tumayo kahit na nanlalambot pa rin ang tuhod ko. Mabilis lang ang teleport pero nandito pa rin ang epekto.

"Ayos lang ako," sagot ko.

"Sumunod kayo nang walang ingay," sinabi ni Miss Latina.

Nanghihina ako habang naglalakad, wala sa disposisyon para mamangha sa naglalakihang mga puno at halaman. Matapos ang halos limang minutong paglalakad ay pinaupo kami ng instructor.

"Maligayang pagdating sa Mystic Land. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang una nating leksyon ay pag-aaral sa halaman at puno." binuksan ni Miss Latina ang palad niya at lumabas roon ang isang pulang halaman. Manipis at kasing haba lang ng daliri.

"May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang tawag sa halaman na 'to?" tanong niya.

Nakita kong nagtaas ng kamay si Trishea, "Violet Moon Herb," sagot niya.

Violet Moon Herb? May ganoon ba-oo nga pala, hindi na ako sa normal na mundo.

"Tama, at anong nagagawa nito, Lanada?" biglang tanong ni Miss kay Vaughn.

"Nakakapagpagaling po," sagot ni Vaughn.

"Nakakapaggaling ng ano?" tanong pabalik ni Miss.

"Ng sakit..." si Vaughn.

"Anong sakit?" si Miss Latina, nararamdaman ko na ang pagkawalan niya ng pasensya.

"Ng ano po, ng, ng-" 

"Upo!" putol ni Miss Latina.

Napalunok ako at agad na napayuko. Nakakatakot! 

"Villaflor, tulungan mo ang kaibigan mo." sambit ni Miss Latina.

"Nakakatulong ang Violet Moon para kalmahin ang anxiety at madness. Lalo na sa mga wolf at vampire na nasa ilalim ng full moon curse." sagot ni Hunter. Full moon curse...

Tumango-tango si Miss Latina, mas lalo akong napayuko. Wala akong alam. Wala akong alam. Wala akong alam.

Anong gagawin ko?

'Anya, kalma.'

Huh?! Vaughn?!

'Sorry, naririnig kita hanggang dito.'

Hindi na ako mapakali, sa sobrang kaba ay hindi ko na rin naririnig ang sinasabi ni Miss Latina.

"Ano pang epekto nito sa sa atin?"

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon