Kabanata 24

3.3K 143 1
                                    

First Mission

'Dear Mama,

Halos isang linggo na ang nakalipas matapos mo akong ipadala sa mundong hindi ko aakalain na totoo.  Pasensya na at ngayon lang ako nakasulat dahil naging abala ako sa pag-aaral. Mahirap po pala, lalo na sa isang subject ko. Pinag-iinitan ako dahil isa akong legend. 

Marami po akong gustong itanong sa inyo tungkol sa pagiging legend ko, kung kilala niyo po ba si Zephyr at bakit ako naging ganito. Mas magiging mabuti po siguro kung personal tayong mag-uusap dahil makakapunta po kami riyan dahil sa misyon namin. 

Mag-iingat po kayo, Mama.

-Anya'

Itinupi ko ang mensahe at nilagay ito sa sobre, nag-iisip kung makararating ba ito agad kay Mama lalo na't kinabukasan ay misyon na namin. Hindi ba't may MagiTech na sobre...

Nilingon ko si Mika na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya para bukas. Napadalawang-isip tuloy ako na magtanong sa kaniya dahil mukhang problemado siya. Nagkatinginan kami at agad na lumiwanag ang madilim niyang ekspresyon.

"An-An, may kailangan ka?" tanong niya.

"Uh.." sambit ko, nahihiya. Bakit kasi tuwing lalapit ako sa kaniya ay lagi akong may kailangan...

"May MagiTech ba tayong sobre na makararating agad sa padadalhan ng mensahe?" tanong ko.

"Oo, actually mayroon ako!" nakangiti niyang sinabi.

"M-Magkano?" nahihiya kong tinanong. Babawi talaga ako kay Mika sa susunod!

"Eh...wala tayong currency dito kaya school points na lang ang ibigay mo sa akin." sagot ni Mika. Ang currency namin sa institute ay school points kung saan ito ang nagsisilbing allowance sa mga gastos sa pagkain at kung ano-ano pa. Nakadepende ang school points sa performance ng estudyante.

"Magkano?" ulit ko.

"Ehe...mahal kasi ang mga MagiTech kaya hihingi ako ng fifty..." nahihiyang sinabi ni Mika.

"Ayos lang!" sambit ko kahit bahagyang sumakit ang dibdib. Fifty points lang ang allowance sa amin kada buwan, mababawasan at madadagdagan pa 'yon depende sa estudyante. Sa klase ng Advanced Magic Theories ni Sir Rancio , dahil sa second meeting ay hindi ako nakasagot muli, may deduction ako ng limang puntos. Pero sa PE naman namin, nanalo kami sa palaro kaya may karagdagang limang puntos pa rin. Kung ibibigay ko lahat kay Mika lahat ng school points ko...malamang ay magkakanegatibo ang balance ng card...

Hindi ko na inintindi ang naisip at mabilisang nagtransfer kay Mika ng fifty points, baka mamaya ay magbago pa ang isip ko. Ang mahalaga ay may pera ako para bukas sa mundo ng mga mortal- ang tahanan ko.

Sa araw na 'yon ay mabilis kong pinadala ang liham para kay Mama at sinigurado ang mga gamit para bukas. Nakakatakot pa naman sina Trishea at Azeris.

"Goodluck sa ating lahat. Good night!" huli kong narinig bago ko ipikit ang aking mga mata.


Kinabukasan, gaya ng mga nakaraang araw, sinalubong ako ng pamilyar na amoy kaya't mabilis akong kumilos. Nang nasa harap na ko ng Elite's Tower para kumain ay naalala kong wala na nga pala akong points...

Pero noong hindi pa namin natatanggap ang student card ay wala namang hinihingi. Sana ay pwede pa rin 'yon. 

"Anya? Di ka pa papasok?" tanong ni Hunter na galing sa likod ko.

"Ah... mauna ka." sagot ko at gumilid dahil nakaharang ako sa gitna. 

"Hindi ka ba kakain?" tanong niya at weirdong tumingin sa akin. Madalas ay nakakasabay kong kumain si Hunter, bagama't hindi kami parehas ng table na pinagkakainan.

Napayuko ako, hindi alam ang sasabihin. Minsan ay gusto ko na lang talaga na walang nakakapansin sa akin. Nang makaramdam si Hunter na wala akong balak na magsalita ay umalis na siya.

"Sige, Anya..." nag-aalinlangan niyang sinabi.

Dahil sa nangyari ay bigo akong bumalik na lamang sa dorm. Hay, bakit ba kasi ang malas ko? Di bale, maaga naman kaming aalis para sa misyon. Matitiis ko pa ang gutom ko. Nang dumating na ang oras para sa orientation namin, nandoon na si Sir Red at nag-explain kung ano ang mga gagawin namin.

"Dahil una niyong misyon, magaan lang ang binigay ng dean. 'Yon ay ang imbestigahan ang curse traces sa isang lugar sa mundo ng mga mortal, direkta kayong mapupunta roon at may ibibigay na mapa kaya huwag kayong mag-alala. May currency rin ng mga mortal ngunit para lamang 'yon sa pagkain at kung ano pa. Panatilihin rin na walang madedetect na kakaiba ang mga tao sa inyo. Naintindihan ba o kailangan ko pang ulitin?" si Sir Red.

"Naiintindihan po namin," sagot ng mga kaklase ko.

Pinapunta na kami ni Sir Red sa transportation circle, pamilyar ako roon dahil doon ako unang nakarating noong nahulog ako mula sa salamin na exam.

"Mag-iingat kayo at bumalik sa naaayon na oras." sambit ni Sir Red.

Muli kaming sumagot at naramdaman ko na ang pamilyar na nakahihilong sensasyon.

"Anya, ayos ka lang ba?" tanong ni Hunter.

Bahagyang hinanap ko ang presensya ni Mika ngunit naalala kong magkaiba nga pala kami ng team. 

"Ayos lang ako," sagot ko.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa iba ko pang kasama. Alerto si Trishea at Azeris samantalang si Secret ay ganoon pa rin, laging antok.

"Let's fine a place to rest first." sambit ni Trishea.

Sumunod kami sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang igawi ang tingin sa paligid ang mga mata, kumpara sa kalsada na lagi kong nakikita tuwing nasa silid lang ako noon sa bahay namin, o sa ganda ng miragen insititute, dito ay maputik ang daan at puro puno lamang ang makikita.

Nasa liblib na lugar kami...

Sa kaunting paglalakad pa ay nakahanap kami ng bahay-kubo. Pamilya ng tatlo ang naroon, mag-asawa na nasa middle age at batang babae na nakasilip lamang sa puwang ng pinto.

"Sino ho kayo?" tanong ng lalaki.

Nilingon kami ni Trishea, mukhang wala siyang balak sumagot sa kanila. Dahil walang nagsalita ay nagkatinginan lang kami sa labas.

"Magtatanong lang po, interesado po kami sa kulam nangyayari dito sa lugar." sambit ni Hunter matapos ang nakabibinging katahimikan.

Puwede ba na biglaan ang pagtanong namin ng ganoon?

"K-Kulam? Sino ba kayo at bakit gusto niyong malaman? Bakit kayo nandito?" tanong ng babae at parang biglang naging tensyonado.

"Wala po kaming balak na masama, katunayan ay mga expert po kami... kami po ay albularyo." si Hunter, halos magulat ako sa walang hiya niyang pagsisinungaling.

Bahagyang bumaba ang pagiging alerto ng lalaki, samantalang kunot-noo pa rin ang ginang. "Ang babata niyo pa, ah?"

"Naturuan po kami at naatasang imbestigahan ang nangyayari sa baryong ito." singit na Azeris na halatang nauubusan na ng pasensya.

"Hindi naman po kami magtatagal, gusto lang namin malaman kung sino po ang nakulam." dagdag ni Hunter.

"Kaya niyo ba talagang lutasin ang nangyayari rito?" tanong ng ginang.

"Opo." sabay-sabay naming sinagot.

Binuksan ng ginang ang pinto at iginaya kami papasok. "Hindi kami ang apektado ngunit ang anak namin."

Kanina ay hindi gaanong kita ang lagay ng bata, sa katunayan ay ayos pa siya tignan, parang walang bahid ng sakit. Nang itaas ng nanay ang damit ng anak niya ay doon lang namin nakita kung ano ang naging epekto ng "kulam."

Naaagnas ang balat ng bata, abot 'yon sa buong katawan. Nakita ko pa na may uod!

Agad akong nag-iwas ng tingin. Rinig ko rin ang pagsinghap ng mga kasama ko. Sinong gagawa ng ganito sa bata na halos wala pang muwang?



Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon