Magic and Technology
Hanggang sa matapos ang klase, naiisip ko pa rin ang nangyari. Hindi ko na tuloy maiwasang tumingin sa Elites Tower na ilang hakbang lang sa building namin. Gustong-gusto ko na malaman kung anong nangyari kay Zephyr.
"An-An, saan ka? Dito tayo sa MagiTech Lab." tawag sa akin ni Mika.
"Oo nga pala, salamat sa paalala." sambit ko at sumunod sa kanila. Tuwing Monday at Friday lang ang PE namin kay Sir Leo, at MagiTech naman sa mga sumunod na araw.
"Good morning," nakangiting bati ng babae matapos naming pumasok sa MagiTech Lab. Parang kasing-edaran niya sina Miss Ericka ngunit hindi ako nakakasigurado. Hindi naman lahat ng nandito ay tao na natural na tumatanda.
"Good morning, Miss Akira." bati ng mga kaklase ko.
"Maupo kayo. Since introductory to MagiTech lang naman 'to, I will let you guys observe the room and name objects or things na gawa ng MagiTech. You can start now." sambit ni Miss Akira.
Agad akong nagpalingon-lingon, "Mika, mag-oobserve lang naman 'di ba?" ulit ko.
"Oo," kumpirma ni Mika. "'Wag ka rin mag-alala, mabait naman si Miss Akira. Hehehe..."
Hilaw akong napangiti kahit na medyo kinakabahan pa rin. Ayon sa advance reading ko, ang MagiTech ay technology na gamit ay magic. Tulad ng magic board sa mga classrooms namin, isang halimbawa ng MagiTech 'yon. Pero ano pa ba ang mga MagiTech na gamit? Yung eyepatch kaya? Nasa bulsa ko pero sabi sa room daw...
Lumingon ako at nakitang nagkwe-kwentuhan lang ang mga kaklase ko. Hindi sila abala sa maliit na activity!
"An-An, lahat ng nasa room na 'to ay MagiTech, so kung may nakita kang kakaiba, tanong mo lang kung anong pangalan!" sambit sa akin ni Mika.
Pansamantala akong naginhawaan at pinasalamatan ang sarili na tumabi kay Mika, kung wala siya ay mamamatay siguro ako dito kakaisip kung ano pa ba ang MagiTech. Sa huli, itinuro ko kung ano yung gumagalaw na parang robot sa sulok. Golem daw ang tawag doon. Unlike sa robot na may artificial intelligence, kung sino mang mag-imbue ng mana doon ay susundin ng golem. Depende rin kung gaano karaming mana ang ilalagay para mas epektibo ang pagsunod ng Golem.
Dahil doon ay nakipagdaldalan na rin ako kay Mika tungkol sa mga Golem. Manghang-mangha ako sa discovery.
"Time's up. Everyone has their own MagiTech objects in mind, can you please tell me your thoughts, Criz?" tanong ni Miss Akira.
"Your creation, Miss, the Droid 112. It is a mana-powered Golem that can fight on its own." sagot ni Azeris. Napalunok ako. Bakit ganoon ang sagot niya? Masyado atang advanced yon at may pagka-parehas pa sa sagot ko.
Habang random na tinatawag ni Miss Akira ang pangalan, mas lalo akong kinakabahan. Paano na ako?! Anong isasagot ko?!
"'Yung magic storage po, parang blessing ko. It can store anything and space-related ang magic." sagot ni Mika.
Lumingon ako ulit sa room at nakita ang magic circle sa inaapakan ni Miss Akira. Wala pang nasagot non kaya 'yon na lang ang sasabihin ko!
"Yes, Mateo?" tanong ni Miss Akira.
"M-Magic Circle po, specifically, teleportation circle. Oldest MagiTech created to transport people from one place to another." sambit ko.
"Good. How about..."
Nang matapos kaming tanungin, kwinento lang ni Miss Akira ang history ng MagiTech.
"Malaki ang contribution ni Zephyr sa MagiTech, I mean, sa lahat ng bagay pero greatest achievement talaga ang mga creation niya." sambit ni Miss Akira na nagpukaw sa atensyon ko.
Nabanggit niya si Zephyr! Hindi ba't ilag ang mga tao sa usapin tungkol sa kaniya?
"Miss, pwede pala 'tong topic na 'to?" tanong ni Vaughn.
Tumawa si Miss Akira, "Oo naman. Wala naman akong ginagawang masama dahil parte ito ng lesson natin."
"To continue, maraming contributions si Zephyr, isa na roon ang development ng magic circles natin like teleportation and barriers. Isang bagay na iniidolo ko sa kaniya ay ang creation niya sa mga Golems. You heard about that incident, right? If not for that incident, hindi sana matatabunan ang highest development ng Golems which is clones." si Miss Akira.
Clones. Yung sinabi nilang nakausap ko.
"He was able to create a thing with own intelligence, it's like creating a new life." sambit ni Miss Akira at halos makita ko ang pagningning ng mata niya.
"Miss, do you mean that he created clones that is close to us?" tanong ni Zephelin.
"Yes! And unfortunately, because of the incident, his experiments are not disclosed and even banned." sagot ni Miss Akira.
"Miss, pwede ba magtanong kung anong alam niyo sa incident?" tanong ni Vaughn.
"As much as I want to, I don't have anything to share because hindi pa ako nag-aaral sa institute na 'to. Big incident lang talaga ang nangyari to the point na outsiders knew the news." si Miss Akira.
"Hindi ko po ma-gets, Miss." si Brei. "Bakit po alam niyo yung sa clones? Tinago po 'yun ng institute hindi ba?" dagdag niya.
"Yes, the institute tried so hard to hide the news pero it was in vain. We still knew na there was something's wrong in Zephyr's experiment and he killed because it affected his mana." sagot ni Miss Akira.
He killed because it affected his mana? Nakita kong mas lalong naging interesado ang mga kaklase ko.
Magtanong pa kayo!
Dasal ko sa aking isipan.
"Nalalayo na tayo sa topic. Enough questions about the incident, we cannot deny Zephyr's achievements because of what happened. He is a genius and I plan to continue on what he left in our MagiTech world." si Miss Akira.
Dahil doon ay nagpatuloy na siya paglecture tungkol sa golems, droids at clones. Pakiramdam ko tuloy ay nagkwekwento siya sa pagfafangirl niya sa gawa ni Zephyr.
"Of course, we have here our living proof of Zephyr's legends, Zephelin and Zephaniah." banggit niya nang mapunta ulit sa creation ni Zephyr. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa amin.
"Miss! Any thoughts regarding sa legends of Zephyr?" tanong ni Vaughn, na kanina pa mukhang naghahanap ng oportunidad para masingit lang ang topic tungkol kay Zephyr.
"Legends of Zephyr, it was said that after the incident, he vanished and created ten powerful blessings. Some says he did it so his mana will be stable, some says he plans to make them their weapon, but for me, he did it because he is a genius, he achieved his 'god' enlightenment and was able to bestow blessings among the ten legends." sambit ni Miss Akira.
"Yes, Miss. Hindi pala impossible na tayo rin ang magbibigay ng blessings instead of inheriting it?" si Brei.
"Yes, just like what Zephyr did to your legend classmates. We just don't know how he did it." si Miss Akira at bumuntong-hininga.
Nawala ulit ang topic namin at napunta kay Zephyr, kung gaano siya ka-"genius" at ang mga nagawa niya.
Zephyr...
Isang henyo ngunit nagkaroon ng "failed experiment." Hindi ko na alam ang totoo, ano ba ang tinatago ng institusyong ito?
BINABASA MO ANG
Fear Thy Death
FantasíaKamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngunit kung may kakayahan ka bang makakita ng kamatayan ng isang tao, pipigilan mo ba ito?