Kabanata 6

2.8K 104 2
                                    

Elites

Tatlong beses akong huminga ng malalim para ihanda ang sarili na pumasok sa silid na punong-puno ng nakakasakal na awra.

"Papasok ka ba o ano?" may nagsalita galing sa likod ko.

Gumilid ako at mas lalong napayuko, kinakabahan na naman. Isang salita lang mula sa estranghero ay wala na naman ang naipon kong kumpiyansa sa sarili!

"An-An, nandito ka na!" bigla na lang akong hinila ni Mika kaya wala na akong nagawa kundi humakbang ng mabibigat na yabag.

Umupo ako sa pang-apat na row dahil hindi kapansin-pansin ang uupo doon, at wala rin akong katabi. Gusto pa sanang tumabi sa akin ni Mika at makipag-usap ngunit sa huli, sumuko siya.

"Good Morning," pumasok ang tatlong babae at pamilyar ang kanilang kasuotan.

Sila ang unang nakita ko nang makarating ako dito, ang naghatid sa akin kay Ms. Edera. Hindi tumayo ang mga kaklase ko upang bumati pabalik, nanatiling tahimik at tutok sa tatlo. Eri,  Michelle at Aiscelle. Hindi ko aakalaing guro sila dahil mukhang magkaka-edad lang kami.

"Before we start let's introduce ourselves." sinabi ni Miss Aiscelle.

"8 years na namin 'tong ginagawa, kilala na namin ang isa't-isa. Bakit pa gagawin ulit 'to..."

"Miss, hindi na kami mga bata."

"Miss, magkakakilala na naman kami bakit pa magpapakilala?"

Kaniya-kaniya ang reklamo nila, tila nasa isang normal na paaralan ako na kung saan ang mga estudyante ay tipikal na hindi gusto ang pagpapakilala.

"May bago kayong classmate, natural kailangan niyong magpakilala!" sabi ni Miss Michelle. Pagkasabi niya ay may iilang lumingon sa akin.

"E 'di siya ang magpakilala!"

"Hindi, lahat kayo ay magpapakilala!"

Hinanda ko ang sarili ko na pakinggan ang mga boses nila para makilala sila.

"Ako si Erika Dongosa, isa akong Charmer. Ang charm ko ay Temperance. Gaya ng alam niyo, matagal na kaming nagsisilbi sa institusyong ito. "

"Aiscelle Fernandez, chanter. Hypnotism." 

"Michelle, enhanced senses ang sorcery."

"Next po si Mika-Mika" sinabi ni Mika at tumayo agad sa upuan niya.

"Ehem, this is Mika-Mika speaking! Blessed by fairy and vampire, blessing ay summoning!" masiglang pagpapakilala ng roommate ko.

Summoning. 'Yon ang rason kung bakit nawala bigla ang libro nang iwan niya ito sa ere. Kapag binitawan niya ang nakuha niyang bagay mawawala ito depende kung gusto niyong pawalain.

Sumunod kay Mika ay 'yong lalaking may wolf ears.

Ang cute.

"Hunter Villaflor, last wompire standing! Blessing ay shapeshifting" sabi nito, tinandaan ko siya dahil interesado ako sa abilidad niya.

Sumunod ay ang kinakatakutan ko, si Brei. "Aubrey. Immortality and enhanced strength. Witch."

Kita ko ang pagngiwi ni Erika ngunit pinatuloy na ang susunod na nagpakilala.

"I'm Vaughn Lanada, kung kay Michelle ay super senses, mas super senses sa akin. I can see through walls.. sa damit niyo rin," tumawa siya ngunit nang mapansin niyang walang tumawa kaya nagpatuloy siya sa pagpapakilala.

"Na-enhance rin ang strength ko at naging mabilis" sabi nito at biglang nawala sa harapan at pagtingin ko sa upuan niya ay nandoon na siya

Sumunod si Trishea. "Trishea Dela Rosa. Vairy. Light" naroon pa rin ang mala-robot niyang boses.

Sumunod 'yong lalaking may pulang buhok. "Azeris Gavin Criz, four elements ang blessing. Ang Fire, Water, Earth at Air. Ako ang pinakamalakas dito—"

"Upo" utos ni Aiscelle. Ayaw sana ni Azeris ngunit nakita kong gumalaw na ang katawan niya kahit ayaw niya. Ginamitan yata siya ng "sorcery" ni Aiscelle.

Unti-unti ay napapangiti ako, nakikita ko kasi kung paano nila nakokontrol ng maayos ang mga "blessing" nila. Nakakainggit, pero mas lamang sa loob ko ang kagustuhang maging tulad nila: tanggap ang sarili at may confidence.

Sumunod 'yong lalaking mukhang seryoso. Nararamdaman kong may kakaiba sa kanya. Sumisigaw ang awra niya na tulad ng isa sa kinamumuhian ko, ang bata na si Zephyr.

"Zephelin Alferez, mind-controlling ang blessing." sinabi nito, naalala ko sa kaniya si Trishea.

Agad akong kinabahan nang malapit na akong magpakilala. 'Yung lalaki na lang sa unahan ko na natutulog bago ako.

Ginising ito ni Zephelin at tamad itong tumayo. Humikab ito habang nasa harap at nakapikit pa rin. "Secret." sabi nito at pagewang-gewang na bumalik sa upuan niya.

Mukhang ako lang ang walang alam ar naguguluhan dahil normal lang ang reaksyon ng lahat sa ugali ng classmate kong si "Secret".

Pero...Pero hindi ko na 'yun iisipin pa dahil may mas malaki akong dilema! Pagkatapos niya ay ako na! Ako na ang susunod! Nanigas ako sa kinauupuan ko at parang napakalayo ng tinakbo ko dahil sa labis na pagpapawis.

Kalma, Anya.

Huminga ako ng ilang beses at pumikit ng mariin, inaaway ang sarili kung bakit ako ganito.

"Hello? The girl on the last row? Is she sleeping?"

"No, just praying," sinabi ng isa at narinig ko ang tawa ng mayabang na lalaki. 

Matapang akong nagmulat muli at dahan-dahang tumayo, sinuportahan ang sarili sa paghawak sa upuan dahil pakiramdam ko nawalan ako ng function sa pagtayo.

"Ako... Ako si Zephaniah Mateo." sa dami ng gusto kong sabihin at malalim na pag-iisip buong gabi, ito lang ang nasabi ko.

"Oh,"

"Ano ang blessing mo?"

"H-Hindi ko po alam ang blessing ko," sagot ko.

"Eh kung hindi mo alam bakit ka nandito sa Elites' room?"

Natikom ko ang bibig ko at sa hindi maintindihang rason, naluha ako. Pakiramdam ko kasi, hindi ako tanggap dito.

"Miss, bakit ba nandito 'yan? Nakapag-aral ba 'yan sa ibang institute? Bakit diretso siyang napunta sa Elite?"

"Enough, she's one of Zephyr's legends !" rinig kong sinabi ni Miss Aiscelle.

"Pwede ka nang umupo, Zephaniah."

Agad akong umupo at suminghot nang palihim, natatawa sa sarili.

Magaling, Anya! Pinahiya mo ang sarili mo.

"Sa lahat ng nakita kong legends, siya lang ang mukhang mahina..." hindi nakaligtas sa pandinig ko ang komento ng classmate kong kanina pa ata mukhang may galit sa akin.

Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti. Kasalanan ko bang mahina ako?

Kasalanan ba ang maging mahina?

Fear Thy DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon