Chapter 11

246 17 9
                                    

Ramping-up ang kumpanya at nag-hire na ng Batch 2 na mga Casualties din.


Hanggang sa pumasok nalang tayo isang araw na puwede nang mag-swimming sa dami ng tao sa hagdanan. Akala ko may prayer rally, 'yon pala nandito na 'yong ibang batch ng trainees. Growing family! =)


Na-star struck ang lahat sa pagka-imported nila ninong at ninang. Sa wakas nabigyang katauhan na rin ang babae sa likod ng mahiwagang boses sa skype nung training. All in tangible flesh. Fresh from California. Ang imported na Clients na magte-Train din sa'tin, byumyahe pa from the U.S. of A. at nakatuwaan na naming tawaging "Ninong" at "Ninang" bilang mukhang galante sila magbigay ng Aguinaldo sa Pasko. Lol.


Aminin man natin oh hindi, maraming beses tayong natakot maiwang mag-isa kasama sila bilang limitado lang yung baon nating Ingles at lakas ng loob. =))


Nang nagkipag-hand shake nga si Ninong.."Hi! How are you guyz doin'?!".. nang break muntik na 'ko mag-seizure at pansamantalang mawala sa katinuan bilang hindi ako prepared maghagilap ng "I'm doing fine! thanks for asking, sir!"


Nang mock call na with Ninang, hindi ko siya matingnan habang nag-co-Call Sim (Call Simulation) dahil lalo kong naiimagine na humihiwalay yung espirito ko sa katawang lupa at tipong naghuhukom na bilang kamukha talaga niya si Mama Mary.


Lalo pa nung sinabi nyang.. "It's not like baby Jesus would come down from heaven, save your business from dying and then float back-up again.." Pero nung huli, nakuha rin namin yung kiliti nya (Matapos makailang salin ng dugo sa training).


"I like your being Rude! I would unleash the beast in you!' -- Nang sinabi niya 'to, unti-unting gumapang paitaas ang mga kuko naming dumadausdos na sa pagkapit sa kumpanya.


Ang galing nyang mag-motivate ng tao. Hindi siguro mangyayari ang mga nangyari kung nandito pa siya.

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon