Chapter 2: Ang mga Ngitngit at Poot ng sumi-senting Ahente.

665 43 30
                                    

Noong una kong sabak sa "inbound account", matapos ko malugasan ng buhok sa "Outbound Campaigns" sa Ortigas, eh doon ko napagtanto kung gaano kabuwis buhay ang maging ahente. Bakit? Eh kasi:

1. Shifting Schedules na tipong lahat na ng uri ng Time Zones eh nadaanan mo na sa pagbaybay mo ng EDSA. (Eastern Time, Pacific, Mountain and Central Standard Time. Oo, sa tinagal ko sa industriyang ito, ginu-google ko pa rin hanggang ngayon kung pa'no kuhanin ang tamang conversion ng Manila Time to US & Canada.)

HR: "Are you amenable for shifting schedules and grave yard shifts?"

Applicant: ("eh potah, may choice ba 'ko? Para namang papipirmahin mo ko ng kontrata kung sumagot ako ng bonggang-bongang NO?!")

"I mean, Yes ma'am! I could definitely adapt to any shifting schedules and graveyarad hours!"

2. Pakikipagpatintero sa mga Holdappers at Walking HIV sa footbridge ng Cubao sa gitna ng madaling araw. Lahat na ng "escape routes" nasubukan mo na, maiwasan lang malaslasan ng bag oh magripuhan ng mga masasamang loob bilang pare-pareho nga kayong "Night Shifters".

3. Pakikipagluksa sa namatay mong "social life" dahil habang ang sarap ng yakap ng mga kaibigan mo sa malambot nilang unan, ikaw naman eh naliligo sa lamig ng gabi para maghanda sa panibagong araw ng "Thank you for calling keme-keme!" (with full American Accent). 

Pagsibol na'ng araw, ikaw naman ang plakda sa higaan, at nagnanakaw ng tulog sa katanghaliang tapat habang yung mga kaibigan mo eh luma-love-life at normal ang mga buhay. Nananaginip kang dumarampot ng putik sa gitna ng ulan, nilalamukos mo ang lusak sa nagngangalit mong kamao at sumisigaw ng "Looorrrdd! Nasaan ang Hustisya?! Nasaaaaan?!!!"

 Nananaginip kang dumarampot ng putik sa gitna ng ulan, nilalamukos mo ang lusak sa nagngangalit mong kamao at sumisigaw ng "Looorrrdd! Nasaan ang Hustisya?! Nasaaaaan?!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4. At dahil uso ang incentives, masigla mong bubunuin ang malinis mong attendance record at ng magkamal ng bonus na sisirain lang ng traffic ng Edsa oh ng tagal ng antayang mapuno yung FX oh Jeep na bawat anino sa kanto eh hinihintuan oh maiisipang magpa-gasolina kung kailan isang minuto na lang eh mag-gu-good bye Attendance Bonus ka na. Mapapaluhod ka na ulit sa lusak sa gitna ng ulan at maghahanap ng nawawalang katarungan part 2.

5. Nag-a-adik ka na sa amoy ng kape bilang 'yon na lang ang sumasalba sayo sa puyat. Tipong 'pag sinaksak ka ng holdapper, kape yung tatagas sa ugat mo imbes na dugo. Yung sa'kin, hindi lang basta kape, "Cappucino" with extra sugar and creamer.

6. Lagi kang nahuhuli ng mga "service masters" na nagho-hoard ng mga tissue sa CR na tipong magkaka-trahedya at nagkakaubusan na ng supply.

7. Hindi ko rin malaman kung bakit sa tuwing kasagsagan ng tulog mo saka sumasabay mambulahaw yung mga naniningil ng bill sa NAWASA, mga nagbebenta ng samples ng lotion at panlinis ng inodoro. 

Ito yung ilan sa dumaraming listahan ng mga dahilan kung bakit hanggang lupa ang eyebags ko sa puyat, kahelera ng mga nagsu-survey mula sa NSO (na kung bakit napaka-daming tanong sa buhay-buhay nyo), mga miyembro ng isang relihiyon na abot langit ang dedikasyong pumasok sa bahay nyo at i-convert ka sa pagiging Buddhist, at iba pang salarin ng pagiging durugista mo ng kape dahil sa puyat.

8. At dahil immuned ka na nga sa kape, minsan mo nang naisipang mag-laslas na lang ng braso at mag-patak ng calamansi sa sariwang sugat mo para lang mapanlabanan ang antok.

9. Minsan gusto mo na lang hithitin yung pakete ng extra joss dahil parang di na effective kung iinumin mo lang. Kung pede lang nga i-dextrose yung NesCafe, e 'di sana nirerektahan mo na ng I.V. tube yung Vendo sa pantry diretso sa station mo.

10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10. Lagi kang nagpapasiklab tuwing may mga "Newbie" kang nakakatabi sa station mo na tipong sampung taon ka na sa kumpanya kung maka-pag rapport sa customer at kung makapagsambit ng mga pamatay na CSAT Spiels na parang ikaw lang yung kaisa-isang ahente na sumasagip sa account sa sunod-sunod na DSAT's (Dissatisfied customer survey feedback).

11. Alam mo lahat ng Jobsites gaya ng Jobs.Db, Jobstreet, at trabaho.com, at lagi kang naghahanap ng trabaho kahit regular ka na sa pinapasukan mo. Tipong "Nesting" pa lang kayo eh nagco-compose ka na ng resignation letter dahil kauna-unahang call pa lang na nakuha mo nung isinabak ka na sa floor eh Sup-Col pa. Sampung beses mo na dine-escalate pero sabi ng Transition Coach nyo, sige pa, kaya mo 'yan, de-escalate mo lang. Hindi mo lang masabi sa kanya'ng, 

"Eh Coach, nag-a-ala Optimus Prime na yung boses ni customer sa galit at onset pa lang ng call eh naghahanap na ng Supervisor, kulang na lang lumabas s'ya sa headset ko at ipulupot sa'kin yung phone chord. 

Sabi ko nga sa kanya, "I am very much willing to help you out!" 

sabi n'ya "NOOOOO ROOARRR!!!!!" with matching panginginig ng tonsils. 

So, ipagpa-sa-diyos ko na lang ba 'to, coach?"

So, ipagpa-sa-diyos ko na lang ba 'to, coach?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon