Chapter 6: At yun nga, Nagunaw na lang bigla yung kumpanya.

367 40 4
                                    

Sa una, traumatic talaga para sa isang baguhan ang maisabak sa Hard Selling Outbound Accounts. Lahat na ata ng uri ng bagay naibenta namin sa telepono, VoiceMail, Cellphone, Home Alarm System, kulang na lang pati yung mga gamit sa kumpanya at mga ka-team mates ko ibenta ko na rin sa mga kausap namin sa telepono.


"It's a matter of Creating the Need!" --- Eka ng TL namin. Parang ang dali-dali lang gawin na tipong susungkitin mo lang sa puno ng bayabas yung "Benta" mo araw-araw. Pero nasimot mo na lahat ng "Needs" na puwede mong katasin sa paniniwalang ito ang secret recipe kung paano makakabenta eh nilalangaw pa rin yung score card mo after ng shift.

Ilang buwan din akong nalagay sa bingid ng pagka-tsugi na laging naisasalba sa last minute dahil laging may mga nabibiktimang matatanda na sumasagip sa Sales Scores ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang buwan din akong nalagay sa bingid ng pagka-tsugi na laging naisasalba sa last minute dahil laging may mga nabibiktimang matatanda na sumasagip sa Sales Scores ko.


Nagamay ko na sana yung patakaran at sistema sa Outbound sa tinagal tagal ko sa kumpanyang 'yon kaso bigla na lang nagunaw yung Account. Punong-puno pa naman kami ng pag-asang makakabawi sa araw na 'yon pero nakapatay lahat ng ilaw sa Bay Area namin, naka-shut down ang mga PC's at naka-closed door meeting ang eksena ng mga TL's at Campaign Manager namin. Tahimik ang paligid. ibang-iba sa araw-araw na "boiler room" ambiance na dinadatnan namin.


Hindi pa naman ako masyadong exposed sa mga balibalita ng pag-pu-pull out ng account oh ng redundancies na usong-uso sa mga outbound companies, until ihayag na nga sa'min ang masalimuot na balitang kailangan na naming mag-floating status at nag-file na ng "Bankruptcy" yung pa-yummy naming Client.


Nakailang salin din kami ng accounts pero dahil laging nagugunaw yung binibigay nila sa'ming Campaigns, napagtanto ko na hindi na ako para sa kumpanyang ito oh para magbenta ng internal organs over the phone. Nakaka-Vovo mag-basa ng scripts lalo na kung "Verbatim" daw dapat at walang ibang "Rebuttals" na puwedeng gamitin kundi yung nandoon lang sa folder na ibinigay sa inyo. Lakas maka-answering machine. =))


Nang nakikita kong wala nang kahihinatnan yung pagsasayang ko ng buhay sa kumpanyang 'yon, sumabak na ulit ako sa "Job Hunting Part 2". Pangarap ng mga Outbound agents ang sumampa sa Inbound Account dahil mas "stable" raw at mas magagandang kumpanya ang puwede mong applyan.


Mas masalimuot yung hiring process dahil mas "Fluent" sa soft skills daw yung kailangan para maipasa mo yung screening ng recruitment. Patay! eh sinalanta pa naman ng kabobohan yung grammar ko dahil sa lakas makakabisoteng scripts ng Outbound, pero naglakas loob pa rin akong mag-apply. 


Bahala na kung magkalat ako sa interview ang importante makalaya na ko sa pagbebenta ng puri over the phone. Gow-Gow-Sagow!

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon