Chapter 19: CCT (Communications and Culture Training)

275 13 5
                                    

Chapter 19: CCT (Communications and Culture Training) 


Iniingatan kong hindi banggitin yung mga kumpanyang pinasukan ko bilang medyo mahigpit yung security risks pero itago na lang natin siya sa pangalang Convergys Common Wealth. Ayan, napaka hirap i-decode ng ginamit kong encryption sa pangalan niya. Walang makakahula kung saan at anong kumpanya 'to. Very smart (ass)! Lol.


At dahil first time ko rin tahakin ang Ayala, halatang promdi yung sumasakay ng jeep ng "Washington" bilang sa tabi talaga ako ng driver pumwesto at pabulong kong sinabihan si kuya na ibaba ako sa "insular life building" kasabay ng bayad. Bawat gusali eh nililinga-linga ko para basahin yung "title" niya't baka lumagpas ako.


Pagkababa ng jeep, natumbok ko naman kung saan naroon ang building na dapat kong puntahan. Lakas maka-Dudung ng pagpindot ko ng lahat ng mga pedeng pindutin sa panel ng elevator. Lahat ng magkasabay ko puro konyo't-konya na laging may halong ingles ang bawat bukambibig.


Pagbungad ko sa reception, lumantad na sa'kin ang kumpulan ng mga naka-formal attire na trainees na nagaantay din sa lobby. Lahat sila pasiklaban ng pagsunod sa nakapaskil sa ding-ding:


"This is an English Only Zone! No speaking in vernaculars please."


Diyosko Lord! Kailangan ko nang maglabas ng "Max Menthol Candy" bilang mapapanisan ata ako ng laway sa lugar na 'to! Eh limitado lang ang baon kong Ingles at hinarbat pa nung guard yung nalalabi kong reserba. Ultimo guard "slang". Nasa tamang industriya ba talaga ako?


Sa dami namin, napilitan yung trainer na hatiin kami sa dalawang grupo. Inaasahan kong mga simpleng "meet and greet" at "introduce yourself" lang ang magaganap, bukod sa mga palasak na "charades games" pero hindi. Umpisa pa lang eh pasabog na yung trainer namin.


Kahit hindi pa kami magkakakilala eh binigyan na kami ng mga piraso ng papel. Wala pa ngang itinuturo eh may exam na agad? Seryoso? Hindi ba pedeng makipag-kamustahan lang muna at magkwentuhan ng buhay-buhay? Kailangan gagamit agad ng utak? Nakakapagod! Lol.


Kasabay ng papel eh binigyan din niya kami ng pentel at scotch tape at isa-isang pinatayo. Pinalagay sa likod ng isa't-isa yung mga papel at isa-isa niyong susulatan ang likod ng mga co-trainees mo para ilagay yung "traits" niya at yung expected mong ugali niya. Akala ko tapos na dun, hindi pa pala. Isa-isang pinatayo at pinabasa yung mga pinagsusulat sa'yo ng mga kasama mo. Tapos ikaw yung maghuhusga kung tama ba yung expectations nila sa'yo at kung ano yung talagang ugali mo. Lahat 'to in pure English at sa harap ng madla.


"They wrote here that I'm approachable and quite smart, and I would definitely agree on their presumptions as those are indeed true. (Sabay labas dila na tipong ako lang yung bida sa klase.) Seriously, I'm the shy type and speaking in class might not really be for me, but I expect to be honed better at this by my trainer and.. blah blah blah"


Ang dami kong pinagsasabi sa harap ng klase na parang nasabuyan ng vetsin yung dila ko pero dahil dun, nasimot ko na ata yung pang isang taon kong baong ingles at tahimik na lang sa mga sumunod na araw. Lol.


Masaya ang training sa Makati. Para kaming mga nagbabalik High School at lakas maka-teenager ng mga topics pero mas nakaka-miss yung tawanan namin sa uwian at kung paanong hirap na hirap na kaming mag-adjust kung paano ibabalik sa Tagalog yung mode ng usapan 'pag nasa labas na ng building bilang isang buong araw kaming nagpaka-Amerikano.


Dalawang Linggo tumagal ang training at sa bawat linggo eh may kailangang ipasang Exam/evaluation na tipong ikakasira ng pananalig mo sa poong may kapal pag naibagsak mo. Ito yung magdidikta kung tutuloy ka ba sa next level oh maghahanap ka na naman ng panibagong kumpanya na magbibigay sa'yo ng medical slip at panibagong doktor na susundot sa tinatago mong kayaman. Lol.


Hindi ko alam kung ganito pa rin ang palakad sa CVG pero nung kapanahunan namin, sobrang sistematiko ng proseso nila na halos lahat ng hired trainees eh kailangan pa munang dumaan ng CCT (Comms and Culture Training) bago maging probationary employee patungong regularization. Kahit HR. May kasabay din kaming HR na, regular na ata siya pero pinag-CCT pa rin dahil required ng kumpanya. Ganoon sila ka-ayos pagdating sa palakad.


Parang noon ko lang napagtanto kung gaano ka-joke time yung ibang kumpanyang pinasukan ko pagdating sa palakad at proseso. Finally, napasok din ako sa kumpanyang may matinong sistema sa buhay. Maitataguyod ko nang napariwara kong pagkatao. Lol. 


Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon