Part 1: Over na Overview

772 51 30
                                    

Nang pumasok ako sa industriyang ito, akala ko marangya ang buhay sa Call Center ("Call Cenner" kung bigkasin ng ilan sa mga kasamahan kong tila nasabuyan ng Vetsin yung dila sa ka-artehan). Akala ko ito na ang sagot sa kahirapan ng Pilipinas, na tipong puwede ko nang iahon sa karukhaan ang pamilya at mga kamaganak namin noong pumasa ako sa interview. 


Pero hindi pala ganoon kadali ang sinasabi nilang "Easy Money" ng BPO (Business Process Outsourcing) Companies. Hindi siya laging "Easy" at hindi laging "Money" ang puwede mong makuha. Hindi! Hindeeee!!


Taliwas din sa maling paniniwala ng mga Taong Tabon, hindi lang puro durugista at walang pangarap na under grads ang pumapasok at pumapasa sa larangang ito. Halos karamihan ng mga nakilala ko rito eh may kumikinang na credentials, matatalino at may mga malilinaw na listahan ng pangarap sa buhay. Siguro, naging tampulan na lang talaga ito ng "Stereotyping" at "Prejudice" dahil nga kalikaw ube yung mga uri ng taong nagtatrabaho rito.


Siguro, yung mga taong punong-puno ng kapaitan sa trabahong ito eh yung mga parehong tao na gustong gusto makapenetrate sa field na 'to pero initial interview pa lang eh pinipindutan na ng masigabong "Buzzer" ng HR Recruitment dahil sa masalimuot na "Comm kills" este "Comm Skills", mga "Miss Universe" na sagot na ikakatumbling mo at iba pang pasabog na 'di mo aasahan sa isang normal na aplikante. Umuuwing luhaan at tuliro matapos ang Exams. Lahat naman ng trabaho may Bashers eh. Mga taong 'di mo alam kung saan hinuhugot ang poot sa buhay.


Totoo na isa ito sa mga linya ng trabahong hindi mo first priority. "The Road less travelled" kumbaga. Sa tinagaltagal ko sa trabahong ito, wala pa akong nakadaupang palad sa kahit anong kumpanyang pinasukan ko na nagsabing "Oo nga p're, Grade Two pa lang ako pangarap ko na'ng maging "Call Cenner Agent". Wala! 


Hindi ko lang sigurado kung katulad ko ba sila na pagiging "Doctor" oh "Fireman" pa lang yung usong sagot sa Teacher noong Elementary sa tanong na, "What do you want to be when you grow up?", oh talaga lang na lahat sila eh tila nahalina ng malaking sweldo, sandamakmak na bonuses at ang alamat ng "matuling promotion" kundi man ng mga makikinis na "Chicks" at makikinis na tila "Chicks" (na may mababalahibong kili-kili) na naglipana sa trabahong ito. Totoong hindi ito yung pomosong isasagot mo sa kung anong pangarap mong trabaho, pero hindi ibig sabihin eh hindi na sya "Marangal". =)


Kung nanggaling ka na sa industriyang ito, kongrats sa'tin! Mabuti naman at hindi na 'ko magdudusang ipaliwanag kung anong ibig sabihin ng "Aux 3" (Break) at kung bakit bawal tumambay sa "ACW" (After Call Works), oh yung sikreto ng mga madudupang mong Team Mates kung bakit ang bababa ng "AHT" nila pero kay tataas naman ng "FCR" (First Call Resoluton) . Isa itong malaking misteryo sa'kin dati until matuklasan ko ang milagro ng "Haduken!" na "NEVER" ko ginawa.... O.K. Fine!! Na-tempt lang ako gawin dahil sagad sa ulap yung kakupalan ng customer ko dati, pero minsan lang bilang mahal ko ang trabaho ko at ito yung mga panahong vovo pa ko pumindot ng "Avaya" (Hard Phone Brand). Lol. 


Aux 3, Aux 5, Aux 2, ACW, FCR, RESO, SLC, MOD, TM, RS, CS, LCV, FGD, at iba pang uri ng mga Acronyms at Call Center Jargons na kung hindi ka pa napapadpad sa ganitong uri ng industriya eh ikakalunod ng kokote mo sa dami ng kailangang tandaan, unawain at isapuso. 


Pero kung baguhan ka pa lang oh tipong proud and loud na "Call Center Virgin", Eh 'di mas mahusay, at nang malaman mo na kung anong uri ng pasakit ang mga puwede mong kaharapin sa sandaling makuha mo na yung pinakaaasamasam mong "Job Offer". Mula sa paghahanda sa pagsabak sa nakakangilong "Communications and Culture Training" (Na susubok sa tatag ng kapit ng dugo mo sa ilong. Lol) hanggang sa pagcocompose mo ng makabagbag damdaming "Resignation Letter" na urong sulong mong isu-submit sa loob ng taon (kung abutin ka man ng isang taon).


Nahahalina ka rin ba sa dami ng Zeros ng future sweldo mo na nakalagay sa inaapplyan mong Call Center company? Oh sa dami ng incentives na puwede mong makuha at nangangarap magswimming sa bundok ng pera pero 'di mo alam kung paano magsisimula 'pag tinanong ka na sa interview ng "Why Call Center?"; 


Well, walang problema. 

Maliit na bagay! 

Mahabang kwento 'to pero simulan natin sa simpleng "Ganito kasi 'yon"...... 



Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon