Chapter 20: Ang paghuhukom sa training

220 14 0
                                    

Setting : CVG Insular Life Building (Makati)

CCT: Communications and Culture Training (Last Day of Training)

Activity: kakatapos lang ng makatanggal-iping exam at sumapit na ang judgment day ng pag katay sa mga sinawimpalad na uuwi ng probinsya nila dahil di nakapasa ng training... (kala ko isa na ko dun)

pumasok sa training room si Eric (Trainer namin), dala ang listahan ng mga uuwing may ngiti sa labi at yung mga uuwing aburido para mag update ulet ng resume at mag apply sa ibang kumpanya... tahimik ang lahat. Aircon lang ang maingay.

Eric (Trainer) : "Those people I'll be calling, stand up please...." (pigil hininga ang lahat. parang may drum rolls sa background)

Nag simula nang mag tawag ng pangalan si Eric. Parang nag aabang nalang kami ng sniper na titira sa mga tumatayong tinatawag. Speechless kami sa table. tulala, Di alam ang nangyayari at tipong napad-pad sa ibang dimensyon. Di namin alam kung gusto naming marinig pangalan naming tawagin kasi di naman malinaw kung anung sasapitin ng mga matatawag.

kumpleto na ang listahan!

Eric (Trainer) : "Those i've called, bring your things, and step outside please". (ume-echo ung bawat last syllable sa mga sinasabi nya, slow motion, at walang bahid ng emosyon)

Emosyonal na lahat. parang namatayan. parang eksena sa hostage drama.

Ray (co-trainee) : "Bakit tinawag si Rozel, eh ang galing galing nun ah" (namumugto na mata, habang pinagmamasdan lumabas isa isa ung mga tinawag)

Kaye  (co-trainee): "Hindi ko alam" (tulo sipon)

kulang nalang lumabas sa ilong ko ung adrenaline pero kahit ilang in-hale exhale ang nangyari, 'di ako natawag. Di ko alam kung mabuting balita yun. di ko alam kasi parang natigil sa pag ikot ang mundo namin ng mga oras na yun.

Nung makalabas na lahat, humarap rin sa lobby si Eric, patalikod samin at paharap sa mga pinalabas na wave-mates. nagpupunas ng noo, malungkot, parang nanghihinayang.. matagal bago nagsalita.

Eric (Trainer) : "I'm sorry guys....."

kanina si ray umiiyak lang.. ngayon ngumangawa na... tinatakpan ng panyo ung bibig, gaya ng karamihan sa buong klase.

Eric (Trainer) : "I'm sorry guys....but"

Eric (Trainer) : "... but you ...."

Eric (Trainer) : " ... you... "


Eric (Trainer) : "... P...A... S...S...E...D...." .."ASSED.......ASSED..ASSED" (umeecho ung last syllable.. descending tone)


Rinig hanggang Greenbelt sigawan namin. parang mga nabunutan ng tinik sa singit.


Pero natigilan kami. narealized na kung nakapasa yung mga nasa labas... ibig sabihin... kaming mga di natawag ang... ang..babalik sa probinsyang luhaan... di nakapasa... ngawa na naman si ray. hahaha. ngawa kaming lahat na nasa loob...

Humarap samin si Eric. tinalikuran yung mga nag bubunyi sa likod.

Eric (Trainer) : " And you guys... I'm sorry.... "

Eric (Trainer) : "... I'm sorry ... but...."

Eric (Trainer) : " ... but .. you guys... all of you...."

Eric (Trainer) : " ... all of you ...."

Eric (Trainer) : "... P...A... S...S...E...D...." .."ASSED.......ASSED..ASSED" (umeecho ulet ung last syllable.. descending tone)

Namatay na kami pagkatapos. hahahaha. nagkagulo...parang mga hipon na priniprito sa kawali. parang graduation ng Highschool. gusto sana naming mag celebrate nung uwian, kasu lahat kami walang pera. pero masaya, kasi alam namin na lahat kami makakatikim ng unang sweldo. naalala mo ba? hahahaha. Happy Third year Anniversary wave mates.


************


This was written almost a decade ago (Ang tanda ko na. Lol) and still feels sweeter and juicier the second, third and Nth time I'm reading this. Nandun pa rin yung excitement, yung thrill at adrenaline rush ng training nung mga panahong baluga pa 'ko sa industriya. Lagi namang hindi humuhupa yung "newbie syndrome" ko kahit sa alin mang pasukan kong kumpanya oh industriya pero iba pa rin yung blood rush ng Comms Training sa CVG. Swabe!


Next Chapter: Chapter 21: PST (Product Specific Training ng DTv DirectTV)


Madalang ko lang ito mai-update dahil parang kaunti lang yung nakaka-relate at nakaka-appreciate ng kwentong Call Center bilang parang puro may gatas pa sa labi ang laman ng Wattpad world oh kundi man eh parang humaling na humaling sila sa ibang storya gaya ng kilig-to-the-gums na jeje stories. Lol. 

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon