Chapter 10: Start ng nakaka-ngilong Training

250 16 3
                                    

Start ng nakakangilong Training


Pasko noon. Ay, pasko nga ba? Hindi ko lang sure dahil dumanas tayo ng masidhing Holiday depression. Mainit. Palisaw-lisaw sa lansangan at tipong 7/11 lang ang pamatay gutom sa gitna ng gabi. Muntik nang magdil-dil ng asin ang mga pamilya naten bilang sa January pa raw mamumudmod ng biyaya ang kumpanya.


Si Justine ang unang casualty bilang ayaw nyang "mag-ambag-ambag" nung tinanong siya ng "what can you contribute to the company?". =)) Tapos sumunod si Mimi. Aliw na aliw pa man din tayo sa mga "Momo stories" nya at kung paano siya niligawan ng bakulaw. =))


Pero kalaunan, napagtanto natin na sulit ang pagkapit hanggang sa huli.


Narealize natin 'to habang lumalafang ng inihaw na bangus na kauna-unahang "free meal" natin. Skeletal system na lang nga ng bangus yung natira sa styro ni Milleta eh. kung nakakain nga lang yung palikpik baka bahid nalang ng mantika yung matira sa styro. Sheeeraappp! =))


Uso ang Seminars noon. Si Joey ang isa sa masugid na host at si Eleanor ang special guest sa Reproductive Health topic. Matapos ang higit sa dalawang linggong talk show habang nagsu-Sun bathing sa araw bilang hubad pa yung mga glass windows natin sa opisina, pinag-Mock Call na tayo. Sa wakas!


Panahon na para mabigyang hustisya ang mga isinapuso nating Rebuttals (Outbound Scripts) na prinaktis pa natin sa tapat ng salamin, sa loob ng tricycle, sa higaan bago matulog, sa lamesa bago kumain, sa kusina habang nagluluto, at sa kung saan-saan pang lugar mairaos lang ang training.


Ginawa nating "Business Owner" yung jowa ni Suzie, yung walang muwang na kasambahay nila RJ, yung anak ni Mimi, yung kapitbahay namin at kung sino-sino pa na basta may abilidad makapagsalita eh pede nang isama sa call sim (Call Simulation; Re-enactment ng calls). Ganoon tayo ka-dedicated. =))

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon