Chapter 9: First Impressions sa initial Walk-in Job Application

221 20 0
                                    


First Impressions sa initial Walk-in Job Application

Punong-puno ng surprises ang buong buhay natin sa kumpanyang ito.


Simula sa Misteryosang boses sa likod ng Skype final interview hanggang sa pagsisiwalat at pamamahagi ng makabagbag damdaming goodbye letter sa floor.


"Hi Mr. Dela Cruz, How are you?" -- eka ng mahiwagang boses sa final interview.


"Oh, Hi Ms. Nivien! I'm quite nervous but I believe I could manage. Thanks for asking! And how are you?" -- Cool pa rin kahit na mukha akong biktima ng WOW Mali sa hitsura ko sa screen ng skype.


"Oh, I'm quite nervous too but I believe I could manage. hahaha." -- Nahawi ang maiitim na ulap ng nagsink-in sa'kin na nagtatawanan nalang kami ng britton sa likod ng boses sa final interview. Si ninang talaga! =))


Matapos ang makasaysayang skype interview na 'yon at ng maitaguyod ko ang pagaapply hanggang sa makamit ang pinakaaasam asam na Job Offer, nakatuwaan na naming tawaging "Ninang" 'yong imported na Boss namin. :)

********************************************************

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon