Chapter 17: Ang nakakangilong interview para maitaguyod ang inbound Account

236 13 9
                                    

Chapter 17: Ang nakakangilong interview para maitaguyod ang inbound Account

Umaga pa lang eh tinatahak ko nang NLEX upang makibaka sa mangyayaring interview mamaya. Ibinubulong ko na sa sarili ko yung mga isasagot sa mga posibleng itanong sa'kin ng HR Recruitment Specialist. Papikit-pikit at kulang na lang eh mag-muwestra ako ng kamay habang nagpapakawala ng masigabong "slang" sa mga pasabog kong linyahang minememorize ko pa sa loob ng bus nang mapansin kong nilalayuan na 'ko ng katabi ko. Pakiramdam ko pinagkakamalan na niya kong niluluwagan ng turnilyo sa bunbunan. Nagpakawala na lang ako ng isang pormal na ubo at "ehem!" para kunyari nananaginip lang ako at nasa matino pa kong pag-iisip.


Pero hindi kagaya ng pasabog na mga tanong sa outbounds, medyo pormal at may sense naman na yung mga ibinato sa'king tanong pagsalang sa'min sa initial interview. Nagpakita lang ng mga pictures at pinalarawan sa'min kung anong nakikita namin. Maning-mani kumpara sa outbound na halos sumuka na 'ko ng Cerebro Spinal Fluid masagot lang yung "out of this world" questions nila.


Sa "Versant" lang ako medyo nag-anyong taong bundok, bilang ngayon ko lang naranasan yung ganitong uri ng "voice screening". Binigyan kami isa-isa ng papel at may instruction doon kung paano gagamitin yung "Avaya" (Phone) at kung paano sisimulan yung recording ng mga boses namin (Lakas maka-singer. Usapan call center agent yung ina-applyan ko eh ba't parang tunog concert yung screening? Lol.)


Habang naghihintay ako sa pila, rinig ko pa sa kabilang linya yung isang aplikante rin na tinuturuan yung isa pang babae kung paano yung tamang pronunciation ng kung ano yung nakasulat sa hawak naming papel.


"There should be a buzzing sound when you say 'design'.. 'de-zayn'.. you should drop your jaw.."


Lakas maka-trainer at makapaghawi ng long hair niya na akala mo eh siya lang ang bida sa interview. Hindi talaga mawawala sa eksena ang mga pabibong aplikante. Hindi mo lang masabi, "Hindi lang 'to ang trabaho sa Pilipinas, te. Magaling lang tayong mag-Ingles pero hindi ibig sabihin nun eh kakinisan at kagandahan ka na. Hindi mo ikinaganda 'yang 'pag wasiwas ng tonsils mo sa pagpapangalandakan na slang ka. Kaunting humility, 'te! Oo, alam ko rin kung paano i-pronounce ng maayos 'yan, 'di mo na kailangang pakembutin yang tonsils mo!"


Bago pa man ako lapitan ni ateng nagmama-bibo sa pila at pasiklaban ng pagtuturo sa papel na hawak namin, bilang parang ako na yung target niyang turuan, eh natawag nang pangalan ko para sa "Versant Screening". Ito yung uri ng phone voice exam na ire-record mo sa avaya phone yung boses mo habang buong pusong binibigkas yung mga nakasulat sa instruction sheet na binigay senyu at may part din doon na kailangan mong sagutin yung mga recorded na tanong gaya ng:


1. What comes after the lightning? (Eh 'di syempre dapat ang sagot eh "thunder" bilang light travels faster than sound at kulog naman talaga ang kasunod ng kidlat. Muntik ko nang sagutin ng "Rainbow!" akala ko kasi "after the storm" ang tanong. Lol.


2. What do you use to hit a nail? (Dapat hammer ang sagot bilang 'yon naman talaga yung pampukpok ng nail. Buti na lang hindi "kuko" ang interpretation ko ng "nail" kundi patay na. Lol.)


Marami pang recorded logic questions na sunod-sunod mong maririnig sa phone at may 10 seconds ka lang para i-record yung sagot mo. Ganun ka intense yung "Versant". May part din dun na makakarinig ka ng essay story tapos may recorded quetion na kelangan mong sagutin. Ngumal-ngal talaga ng wagas yung kili-kili ko sa Versant na 'yon pero na-isurvive ko naman.


Sisiw lang din ang final interview, bilang karamihan nga sa mga tanong eh na-memorize ko na sa bus. Kasagsagan nun ng dami ng nag-a-apply at halos lumangoy ako sa pila ng aplikante dahil na rin siguro kasagsagan din ng paghahanap ng trabaho ng mga fresh grad. July noon. Ang dami kong kakumpetensya. Kung pede lang sumigaw ng "bomba!" para magkulasan na sila at masabotahe ko yung ibang kaagaw ng posisyon e di sana mas napabilis yung pagaapply ko. Dalawang araw din inabot yung pinapangako nilang "1-day process" na application. Pero ang mahalaga bit-bit ko na pauwi ang "admission slip" at ang juicy na "job offer".


Umuwi ako ng probinsya na may ngiti sa labi at bakas sa mga mata ang kinang ng pagtatagumpay. Lol. 


Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon