Chapter 13: Mailap, Madulas at MIA na Sweldo.

226 18 15
                                    

Mailap, Madulas at MIA na Sweldo.


Nang mga panahong kasing payat na natin yung ipinasa nateng X-ray sa tagal ng pagaantay ng delayed na suweldo,nasubok ang pananampalataya ng lahat.


Hindi maiiwasang may mga muntik nang magpa-lutang ng keyboard sa ere at mag-harbat ng bigas at asukal sa mini-pantry dahil mahigit isang buwan nang nakalipas eh maintaining balance pa rin ang laman ng BPI... Na hindi rin naman talaga kasalanan ng management.


Maraming beses nasubok ang pananalig natin sa buhay.Hinde ko alam kung yun din ang dahilan kung bakit may mga maiitim ang budhi na dumadalawang kuha ng free meal at nagnenenok ng mga gamit sa lababo. At may mga nagiiwan ng mga mahihiwagang hibla ng kulot na buhok sa sabon ng CR. Tipong halamang itinanim sa safeguard. =))


Naresolbahan naman ang sigalot bago pa nagtaob ng mini tables and mini monitor ang mga tao sa TESDA Learning Center (Bilang nagmukha na syang tutorial center imbes na isang sosyaling opisina). =))

Talaarawan ng isang Call Center Agent (with intense slang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon