Rose 5

79 4 4
                                    

Rianna and Jessa at the side ;)

-------------------------------------------------------------------

Aug. 16, 20XX

"Siya ba yun? Confirmed ba?!" sabi nung isang babae.

"Oo, siya raw yung anak ni Sir!"

"Parang hindi naman~! Bat ganun? Baka feeling lang."

Bulungan nanaman? Hindi ba sila nagsasawang pag-usapan ang may buhay ng may buhay? BWISIT eh.

"Ms. Rianna, pinapatawag po kayo ni Sir sa office niya."

"Ha? Ah oh sige pupunta na ako."

Tumayo na ako mula sa desk ko at naglakad papunta sa office ni Dad.

"Hija, go with your tita. Magsusukat ka na ng formal dress para sa birthday mo."

"Tita Jia? Damit?"

"Oo, did you forgot? Sa Sunday na yun!"

"Ha? ah okay."

Psh. A boring day with my fake-ish tita?

FINE para kay Daddy.

"Put you seatbelts on." sabi niya sa akin.

"Your father bought this car for me." tumingin siya sa akin nang nakangiti.

Psh paki ko?

"Ohh.. You have a good taste." Ang sinungaling mo Rianna.

Ngumiti na lang siya..

After 1 hour

Bumaba na ako sa kotse at naglakad na papasok sa mall.

"Doon muna tayo sa boutique tumingin, lagi akong nakakapili ng magagandang formal dress dun."

Sinundan ko siya.

"Hi Iya!" bati nito sa babaeng nasa may boutique.

"Jia! Oh? Bat ka nandito ulit? Kakagaling mo lang kahapon ah?" sabi nung babae.

"Hahaha, ikaw naman. Kasi yung anak.. I mean soon to be anak. Magbibirthday this Sunday. Piliian mo naman ako ng magandang damit." sabi niya.

ANAK? WAW.

Step-mother naman ngayon?

Lord, bakit puro na lang may Step-?

Ano next time? Step-brother? WAG NAMAN.

"Hmm.. Sige sige halika dito hija." tapos lumapit ako sa kanya.

Tinignan niya ako. Ulo hanggang paa, nakahawak pa siya sa baba niya.

"Magandang bata." sabi niya habang nakangiti.

"Uhhhh... tapos naghanap siya ng damit. ....Ito isukat mo."

Ako naman pumasok na sa fitting room.

Agad kong sinuot yung damit at napatingin ako sa salamin.

Parang medyo ang awkward ng damit na to.

Lumabas na ako para mapakita sa kanila kung bagay ba.

"I think medyo mas fit pa dyan ang kailangan mo.. Medyo maluwag pa sayo eh. Sexy ka pala." sabi niya habang natatawa.

Pshh~

May inabot ulit siya sa akin na damit at pumasok na ako ng fitting room.

Ito mas ok na yata 'to. Parang mas maganda siyang tignan.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon