Rose 13

48 3 6
                                    

Who is Jaiden?

"Ano gusto mong kainin?" Bulong ko sa tenga niya. Naamoy ko ang buhok niya.. Mahalimuyak ito at halatang bagong ligo.

"Hmmm.. Maski ano basta luto mo.." Sagot niya ng may ngiti sa labi.

Ilang taon na...

Hindi ko alam kung kailan pa kami nagsimula ang naaalala ko lang ay..

"Kuya!! Kuya Marco tigilan mo ako! Nasasaktan ako!" Sa kapit-bahay namin ay may narinig akong isang matinis na sigaw ng isang babae.. Labing limang taong gulang pa lang ako noon..

Wala pang masyadong kaalaman..

*BOOOGGSSHH*

May narinig akong kahoy na nagbagsakan.

Papalapit na ako sa bahay nang may tumakbong lalaki palabas ng pintuan.

"Ok ka lang ba?" Dinala ako ng mga paa ko sa isang babaeng nakasalampak sa sahig. Magulo ang buhok nito at nakita kong may mga pasa siya sa braso niya.

Napatingin siya sa akin..

Napansin ko rin ang dugo sa labi niya.

"T-tulungan mo ako dito. A-ayoko na dito." Sabi niya..

Simula noon ay kinupkop na namin siya pero di kalaunan rin ay namatay ang mga magulang ko..

Dumaan ang mga araw na kasama ko siya..

Lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

"Uhmm.. Jia.." Tawag ko sa kanya.

"Oh Jaiden bakit?" Sagot niya..

Nakakatuwa nang isipin eh.. Jia ang pangalan niya, parang baliktad rin ng Jai sa pangalan kong Jaiden.

Kahit mga ganoong detalye ay napansin ko pa..

"Pwede bang manligaw?" Nahihiyang tanong ko..

Hindi siya sumagot sa akin..

Sa halip ay binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti mula sa labi niya.

Di kalaunan ay mas lalo pa akong nahulog sa kanya.. Na maski ang buhay ko sa kanya ay ibibigay ko.

Oo, naging kami..

Ngunit..

Hindi rin nagtagal ay naghiwalay kami.

Dahil sa pagkakamali ko.

Dahil sa kabulagan ko sa pag-ibig.

Dahil sa pagmamahal ko sa maling tao.

Nagkahiwalay kami nang hindi man lang humihingi ng tawad pero sabi nga nila "Love is about never saying sorry." Dahil siguro kapag nagmahal ka, hindi mo kailangang magsorry sa kanya dahil minahal mo siya.. Hindi mo naman ginusto yun, sinunod mo lang ang puso mo. Kaya wala kang kasalanan.

Pero.. Napakasakit ng ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko ginamit niya lang ako.

Sa lahat ng sakripisyo ko sa kanya? Binalewala niya lahat yun nang magpakasal sila ni Damian Ortiz, ang daddy ni Rianna.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kuya!" Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon