Rose 17

35 1 0
                                    

Nagising ako nang nasinagan ng araw ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang mukha ni Jaiden. Nakatitig ito sa akin at mistualng pinag-aaralan ang detalye mula sa mukha ko.

"Gising ka na pala.." Bungad nito.

Habang ako naman ay nag-aalinlangan kung sasagot ba ako dahil medyo sumakit ang ulo ko.

Naalala ko yung kagabi.

Hangover ugh.

"Nahimasmasan ka na ba?" Sabi niya sa akin habang nakahiga pa rin kami at tinititigan ang isa't isa.

"Hindi mo pa ako sinasagot mula kagabi." Sabi ko sa kanya ng diretso.

Nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso.

"Mahal mo ba talaga ako?" Sabi niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Maski alam ko na yung sikreto nilang dalawa ni Jia.

Maski iniwan na ako ni Daddy.

Maski ako na lang natitirang Ortiz.

"Hindi ko naman na kailangan sagutin ang tanong mo, tama ba? I think, I should show you. Not tell you." Pagkasabi niya noon ay hinila niya ako sa pagkakahiga at nilapit ang mukha niya sa akin.

Hindi ito ang unang beses na inangkin niya ang mga labi ko. Pero habang tumatagal at ganoon lang ang posisyon namin ay lalo akong nalulunod sa halik niya.

Sumasagot ako sa halik niya.

Mabagal at mainit.

Yun ang pakiramdam ko habang hinahalikan niya ako.

Hanggang sa ako na ang bumali sa halikan namin.

"Tara ako na ang magluluto." Sabi ko at tumayo na mula sa kama.

Nakita ko ang isang babae at lalaki na lumabas sa sarili nilang kwarto habang nilagay ko na sa plato ang niluto kong agahan.

"Kuya?! Hala? Sino yan?" Gulat na sabi nang dalagang babae.

"Si Rianna.. Uhmm.. Rianna... Bumaling ang tingin niya sa akin.. .. Ito si Jaira, kapatid ko. Tapos ito si Ren." Pagkasabi niya noon ay pareho silang ngumiti sa akin at umupo na sila sa dining table.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Uuwi ka na? Halika hatid na kita." Sabi niya sa akin at inayos ang sarili ko sa cr.

Walang kumikibo sa aming dalawa sa daan.

Hindi naman awkward ang sitwasyon. Basta wala lang nagsasalita.

Tumigil na ang sasakyan, unang lumabas si Jaiden at binuksan ang pinto para sa akin.

"Sige Rianna, mauna na ako? Bye." Ngumiti muna siya sa akin at pumasok na ulit siya sa kotse.

"God Rianna. Anong ginawa mo kagabi? Getting drunk and all. Ugh~" Sabi ko at humilata ulit sa kama.

"Ma, should I ignore the truth na may past sila? Or should I let go?" Kinuha ko yung binigay sa akin ni mama.

"Bahala na."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Yuka, anong schedule ko ngayon?" Banggit ko habang papalakad patungong office room.

"Ma'am? Uhh.. nag-aatubiling pagkuha niya sa schedule book ... meeting with your new investor po." Tumigil siya at tumingin sa akin.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon