Rose 16

39 1 0
                                    

-

Ilang malalakas na yabag ng sapatos ang narinig ko.

Tumatakbo ito..

Isang sapatos na may takong.

"Rianna!" Biglang bumukas ang pinto at dahil dun ay napatayo ako.

Nakita ko si Jia.

"Bakit ka nandito?" Pumasok na siya sa kwarto ng tuluyan at marahang isinara ang pinto.

"Bakit ka nandito?" Balik kong tanong sa kanya.

Ilang araw na rin at hindi pa rin nagigising si Rianna.

Siguradong nakaburol na ang tatay niya o kaya naman ay inilibing na.

"Nandito ako para dalawin ang step-daughter ko. Bakit masama ba?"

"Ang alam ko yumao na si Derek? Diba dapat nasa bahay ka at nagluluksa o baka naman masaya ka na ngayon dahil solo mo na ang kayamanan?"

"Anong?!!" Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman hinila niya ako palabas ng kwarto ng hindi sinasara ang pinto.

"Bakit totoo naman diba?" Tanong ko sa kanya.

"Jaiden.. Please bumalik ka na ulit sa akin.."

"Bumalik? Nahanginan na ba ang utak mo? Sinong niloko mo?"

"Ginawa ko naman ang lahat ng yun para sa iyo eh.."

Lumapit ang mukha niya sa akin.

Pero bago niya ako maunahan ay nanguna na ako.

Hinalikan ko siya.

Hindi isang normal na halik kundi isang agresibo at may galit na halik.

Nagpupumiglas siya nararamdaman ko yun.

At nang bitawan ko siya ay sinampal niya ako.

Napangiti ako sa kanya at pinunasan ang mga labi ko.

I gave her a smirk.

Tumalikod na siya sa akin pero bago noon ay may sinabi ako.

"Bumalik na ang kapatid mo. Tell him to stop bothering Rianna.."

Napatigil siya pero agad ring nagpatuloy sa paglalakad.

Oo alam ko rin ang totoo.. Kung sino si Marco Lee sa buhay ni Rianna.

Fun game, isn't it?

*Rianna's Point of View*

Di nagtagal ay may narinig akong nag-aaway sa labas..

Binuksan ko ng bahaya ang mga mata ko at nasinagan ang dalawang tao.

Pamilyat ang dalawang tao..

Nagulat ako sa narinig ko..

"Jaiden.. Please bumalik ka na ulit sa akin.."

Magkakilala silang dalawa? Siya ba? Si Jaiden ba ang tinutukoy ni Dad na pinupuntahan ni Jia sa bahay?

At anong bumalik? Bumalik sa kanya?

Bakit naging sila ba?

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi pabalik ni Jaiden.. Magulo.. Naguguluhan ako ngayon..

Pero mas nagulat na ako sa nakita ko ngayon..

"Jia and Jaiden.." Bulong ko habang nakita kong hinalikan siya ni Jaiden.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon