Rose 14

38 2 1
                                    

The turn of events

-----

I'm watching you closely..

I left you and you look like a puppy searching for her master.

The crowd is too loud..

Naguguluhan ka kung saan ako hahanapin. Mukhang magugulo mo pa yata ang mga taong sumasayaw sa kalsada.

Pinagtitinginan ka na nang tao pero patuloy mo lang akong hinahanap.

Habang ako naman nakatayo lang dito sa likod at pinagmamasdan ka.. I'm giving you out a test, still you didn't notice.

Doon ko nalamang hindi mo alam ang gagawin mo kung wala ako.

Sobrang taranta lamang ang naiisip mo.

Oo, nababasa ko mula sa mukha mo kung anong nasa isip mo.

Nakatitig pa rin ako nang bigla mo akong makita.

Nakatayo lang ako habang ikaw naman ay patakbong tumawid sa kalsada maski alam mong makakagulo ka sa mga taong sumasayaw dahil fiesta ngayon.

"Jaiden!" Agad mo akong niyakap nang nakalapit ka.

"Saan ka ba nanggaling? Akala ko nawala ka na.. Wag mo na ulit yun gagawin!" Sabi niya at kumawala na sa pagkayakap.

Inabot ko sa kanya ang isang bote ng juice bilang inumin namin.

Ngumiti naman siya at kinuha na ito sa kamay ko.

Pinapanood ko lang ang bawat kilos niya.

Pinipicturan niya ang mga taong nasa paligid at ang mga taong sumasayaw sa kalsada.

Gabi na.. Yun lang ang naisip ko at nabaling ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Jaiden! Picture tayo!" Sabi ni Rianna sa akin.

Tinatapat naman na niya ang camera sa aming dalawa at lumapit siya sa akin.

Hindi ako masyadong ngumiti nang kuhanan niya ang picture habang siya naman ay mukhang nag-eenjoy pa.

*riiiinnnggg* *riiiinnngggg*

Maski maingay ang paligid ay narinig ko pa rin ang cellphone niyang tumunog.

Sinagot naman niya ito at napatingin siya sa akin.

"Dad! Oo uuwi na ako. Oo sige na. God, why do you sound like I'm going to die? May kasama ako ngayon. I'm not a child kaya wag ka nang mag-alala. Yeah yeah.. Bye.." Natapos agad ang usapan nila at binalik niya ang tingin niya sa akin.

"We should get going.. Kasi si dad.. Ugh I hate to say this pero pwede ka bang magpakilala sa kanya?"

"Tonight? Like right now? Hindi ba.... Ahh sige sige..." Agad kong naalala kung sino ang nakatira sa bahay na iyon.

I'm about to see you, Jia.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Di kalaunan ay narating namin ang bahay nila.

Bumaba na kaming pareho at binuksan na niya ang pinto.

Pagkapasok pa lang namin ay bumungad na sa kanya ang isang malakas na sampal mula sa tatay niya.

"How dare you talk to me on the phone like that?!" Galit na sabi ng tatay niya.

Napansin naman ako ng dad niya..

"At sinama mo pa siya? Are you really that insane? Bakit ba ang hirap mo pasunurin?" Sabi pa nito.

"Yeobo, ano nanaman bang ikinagagalit------" napatigil sa pagsasalita si Jia ng makita niya ako..

Oo kaharap niya ako ngayon.

"Hindi ka na rin masyadong pumapasok sa company. Ano ba Rianna? Are you ruining your life because of this man?"

"I don't care kung anong sasabihin mo sa kanya. Hindi ko siya lulubayan kaya itigil mo na dad dahil walang mangyayari."

"Jia, ikaw nang kumausap diyan at sumasakit ang ulo ko sa batang yan!!" Sabi pa ng tatay ni Rianna at umakyat na ulit sa kwarto nila.

Kami na lang nila Rianna at Jia ang natira sa baba.

"Sige na Jaiden, salamat sa paghatid sa akin.. I'll text you." Ako naman ay umalis na nang sabihin iyon ni Rianna..

Pero hindi ako nagpahuli dahil bago pa ako makaalis ng tuluyan ay lumingon ako kay Jia at nginitian siya ng nakakaloko.

Gulat naman ang reaction niya.

*Rianna's Point of View*

Narinig kong sumarado na ang pinto na hudyat na umalis na nga si Jaiden.

Nagsimula na akong maglakad para marating ang hagdanan.

"You seem to find your someone, Rianna.." Sabi ni Jia sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Yeah, I did find him. Bakit anong problema mo roon?" Mataray kong sabi pabalik sa kanya.

"Hindi ba dapat kinikilala mo muna yan? Baka naman kung saan mo lang siya nahanap or something.. You know these days Rianna wala nang mapagkakatiwalaan." Oo parang ikaw, hindi ka dapat pagkatiwalaan.

"Hmmm.. Siguro nga tama ka, pero diba wala ka naman sa lugar para sabihin sa akin yan? Don't act like your my mom, cause you're not."

"Oh easy little girl.." Bulong niya sa tenga ko.

"Stop that!" Sabi ko at lumayo sa kanya.

"Bahala ka Rianna but let me warn you. Kung ayaw mong masaktan lalayo ka na sa kanya."

"Why the hell you and dad care? In the first place, wala naman na kayong pake sa akin. So stop acting like you're a mother material to me dahil hindi nababagay. Hindi nababagay, Jia." I unconciously called her by her first name at hindi na nasabing Tita Jia.

Siguro dahil mainit ang ulo ko.

Oo galit ako.

Ayokong pinapakielaman ako sa ginagawa ko.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang salitang freedom pero bakit nila ako pinipigilan?

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon