Rose 6

62 3 3
                                        

Outfit ni Rianna at the side ;) Diba ang ganda? Oo kayo please! HAHAHA ♥

----------------------------------------------------- 

August 18, 20XX

9:00 pm

Nasa venue na kami ng party, ewan ko ba nakaramdam ako ng kaba.

"Ano ka ba Rianna? Halika na!" hinila na agad ako ni Jia sa isang kwarto.

Isang kwarto na puno ng pampaganda.. Make-up, alahas at mga damit.

"Umupo ka na dyan, mamake-up-an ka na niya." pagkatapos may dumating ng dalawang tao at nagsimula na kaming ayusan dalawa.

"Matagal na ba kayo ni dad?" biglaang tanong ko sa kanya.

"Ha? Bakit mo naman naitanong?"

"Wala, gusto ko lang malaman. Hindi mo naman niloloko ang daddy ko diba?"

"N-niloloko? Hahahah! Nagpapatawa ka yata, Rianna. Mahal ko ang daddy mo. Bakit ko naman siya lolokohin?"

"Alam mo, Ji-... Tita Jia, hindi lahat ng tao pwedeng pagkatiwalaan. Lalo na't ngayon mo lang sila nakilala."

"Hmmm, tama ka naman sa sinasabi mo. Kaya ikaw mismo mag-ingat sa taong nasa paligid mo." sabi niya sa akin.

"Huwag ka mag-alala tita, I've been doing that for the past 10 years. Sigurado akong hindi ako maloloko ng mga tao."

"You're such a brave girl, dear."

Tumahimik na ulit kaming dalawa dahil pumasok si dad..

"Hey my gorgeous ladies!" pagkatapos kiniss ako ni daddy sa cheeks.

"Happy birthday!!" sabi pa nito sa akin.

"Salamat dad!" 

"Oh bilisan niyo dyan! Malapit na magstart yung party."

Pagkatapos lumabas na ulit siya.

*Jaiden's Point of View*

"Saan ka nanaman pupunta? Aalis ka nanaman? Diba umalis ka na kagabi?" sunud-sunod na tanong ni Ren sa akin.

"Basta Ren.. Ikaw na bahala kay Jaira. Siguraduhin mong makakainom siya ng gamot."

Umilingiling na lamang siya.

Habang ako naman inayos ko na yung damit ko.

"Kuya! Ampogi natin ngayon ah. Aalis ka ulit?" biglang lumabas ng kwarto si Jaira.

"Ah, oo Jaira eh.. May pupuntahan na trabaho si kuya. Matulog ka na ng maaga ha?" pagkatapos ay hinalikan ko ang noo niya.

"Good night kuya!" pumasok na ulit siya sa kwarto.

Sorry pero kailangan ko talaga umalis eh..

Agad na akong sumakay sa taxi.

Kailangan kong siyang puntahan.

She deserves punishment.

*Rianna's Point of View*

"Today is a very important day." nagsimula na si dad magsalita sa harap ng madla.

"She was the fruit of our love. She gave me a very beautiful daughter." I felt goosebumps nung sinabi niya yun. Pero sa kabila nun ay napangiti ako.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon