Typos/Errors will be edited pagkatapos ko po ire-read.
Dedicated to RaycielDomingo~ Thank you for following me! ^_^
--------------------------------------------------------------
"Diba sabi kong wag mo akong pinagloloko?!" Galit na sabi niya.
"Aray Damian! Bitawan mo na ako." Ang seloso kong fiance.
Si Damian, ang daddy ni Rianna.
"Sinabi sa akin lahat ni Mark. You think I'm a fool para hindi malamang binabalikan mo pa yang dati mong bahay?! Ang bahay kung saan may lalaki ka?"
Walanghiya ka talga Mark. Hindi talaga ako makakatakas pati sa lalaking yun.
"B-bakit ba? Hindi naman niya ako nakita doon eh. Walang akong lalaki, ikaw lang honey." Konting tiis lang Jia.
Napakahigpit nang pagkahawak niya sa braso ko.
Siguradong magkakapasa nanaman ako nito.
"Ginagawa mo nanaman akong tanga, Jia?! Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal na tayo!! Nothing will stop me!" Lalong humigpit ang pagkahawak niya sa akin.
Bigla siyang bumagsak sa kinatatayuan niya.
"Damian!!" Niyuyugyog ko pa rin siya pero hindi siya nagrereact.
"Yaya!! Tulong si Damian!!" Malakas na tawag ko para humingi nang tulong.
Konting tiis na lang Jia at makukuha mo na ang gusto mo...
Ang nagpapasaya sa bawat tao..
I will soon be your successor and not Rianna.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Rianna's Point of View*
Mga ilang hakbang na lang aya agad ko nang naabot ang kwarto ni dad.
Binuksan ko na yung pinto..
"Dad?!"
Nakita kong nakahiga siya sa kama nang wala pa ring malay.
Hindi ko maintindihan pero bakit? Anong nangyayari?
"Anong ginawa mo?" Paggalit kong tanong kay Jia.
Nasa tabi siya ni dad.
Mistulang binabatayan ito.
"Stress dear... May be lalo lang napapagod ang dad mo dahil sa kakompitensiya niyong kompanya ngayon.." Sagot niya sa akin.
Hay hindi na ako nakapagsalita dahil nauna na siya pag-aalaga kay dad, which left me no choice.
Tumalikod na ulit ako para lumabas nang kwarto..
"By the way Rianna, your dad planned na this week na kami magpakasal." Ewan ko ba nung narinig ko yun parang biglang umingay ang paligid.
Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Alam kong lihim siyang ngumiti mula sa likod ko.. Nararamdaman kong may masama siyang pinaplano.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maaga ako nagising ngayon. First time kong magising nang wala man lang alarm na na-set.
BINABASA MO ANG
Rosehill
Teen Fiction© inkedcheeks // Completed // Making choices, taking chances. Using someone would either give you a heart or a heartbreak